Sa bawat araw at oras na lumilipas ay mas nagiging close si Jayden at Allleia, mas nakikilala nila ang isa't isa.
But Jayden still doesn't know kung single nga ba si Alleia or hindi.
"Alleia." Bati ni Jayden na kakapasok lang sa clinic niya, lunch nanaman kasi at magkasama nanaman sila.
"Hi Austin!" Nakangiti at masiglang sambit ni Alleia.
"Austin?" Takang tanong ni Jayden.
"Hmmm, I wanna call you Austin instead of Jayden." Sambit ni Alleia.
Napatango naman si Jayden at wala ng nagawa.
"I have your request, chocolate cake from Bo's." Nakangiting sambit ni Jayden at iniabot kay Alleia ang cake.
Inilapag din ni Jayden ang pagkain nila, mostly ay fast food lang ang kinakain nila lalo na kapag galing hearing si Jayde at didiretso na kay Alleia.
"Kamusta hearing?" Tanong ni Alleia kay Jayden.
"Alam mo na yon." Biro ni Jayden kaya napatawa silang dalawa.
"Kamusta ang case na hiniram mo?" Taas kilay na sambit ni Jayden.
"Ay oo nga pala! Yari ko na siya." Sambit ni Alleia at kinuha sa drawer niya ang case study.
"Inaaral ko siya tuwing may break time o pahinga ko." Sambit ni Alleia habang nakangiti.
"Wow, did you enjoy it?" Tanong ni Jayden.
"Aba syempre naman." Sambit ni Alleia.
"Can you tell me the details then?" Taas kilay na sambit ni Jayden kaya mabilis na tumango si Alleia.
Habang kumakain sila ay ineexplain naman ni Alleia ang case study na hiniram niya kayJayden.
Hindi maiwasang mamangha ni Jayden dahil talagang alam ni Alleia ang bawat detlye ng case study na pinahiram niya.
Jayden already knew the details, he just want to know if alam na ba talaga ni Alleia and he was so surprised to hear na kabisado at gamay na ni Alleia ang lahat.
"Wow." Ang tanging nasambit ni Jayden sa sobrang gulat.
"Pwede na mag lawyer." Biro ni Jayden kaya napairap si Alleia.
"Huwag mo akong budulin, hindi na pwede." Nakangusong sambit ni Alleia.
"Are you free later?" Tanong ni Jayden.
Chineck ni Alleia ang kaniyang schedule sa phone at umiling.
"I don't think so. Maybe next time?" Sambit ni Alleia.
"Next time it is." Nakangiting sambit ni Jayden.
"Babalik ka pa ba office mo?" Tanong ni Alleia kay Jayden.
Umiling naman ito bago nagsalita, "Uuwi ako, it's my rest day." Sambit ni Jayden kaya napatango tango si Alleia.
Tapos na rin sila kumain kaya nagligpit na si Jayden ng pinagkainan nila at nag paalam na.
Bago lumabas ng office ni Alleia si Jayden ay may isang lalaki na pumasok sa office nito.
Hindi agad naka react si Alleia ng makita kung sino ang lalaking pumasok.
"Sorry ma'am, ayaw po ni Sir mag papigil." Naiiyak na sambit ng kaniyang staff na si Isha.
"I-Its fine." Nauutal na sambit ni Alleia.
"I'm leaving Alleia." Sambit ni Jayden at ginulo ang buhok ni Alleia.
Hindi niya rin pinansin ang lalaking kakapasok lang ngunit mabigat ang pakiramdam niya doon.
Nang makalabas si Isha at Jayden ay doon lang nakapag react si Alleia.
"What are you doing here Mat?" Takang tanong ni Alleia at hindi ipinahahalata ang kaba.
"Who's that?" Galit na sambit ni Mateo, Alleia's boyfrined.
"A friend." Tipid na sambit ni Alleia at naupo sa kaniyang swivel chair.
Sinundan naman siya ng matalim na tingin ni Mateo.
"Why are you here?" Tanong ni Alleia.
"Am I not allowed to?" Nakangising sambit ni Mateo at unti unting lumapit kay Alleia.
"I don't like him." Sambit ni Mateo kay Alleia.
""I don't like you girl friends also." Tipid na sambit ni Alleia habang hindi nakatingin kay Mateo.
Kumuyom naman ang kamao ni Mateo sa narinig niya.
"The f**k I care? Layuan mo yon." Gigil na sambit ni Mateo at marahas na iniharap ang swivel chair ni Alleia sakanya.
Nakaramdam naman ng kaba si Alleia matapos gawin iyon ni Mateo ngunit hindi niya ito ipinahalata at mas pinatatag ang loob.
"Kung gusto mong layuan ko si Austin, layuan mo rin yang mga babae mo." Satigas na sambit ni Alleia.
Nang marinig iyon ni Mateo ay mabilis niyang hinagit ang braso ni Alleia para itayo.
"What did you say?" Parang kidlat ang boses ni Mateo.
Nakakaramdam na rin ng sakit sa braso si Alleia dala ng pag kakahawak ni Mateo.
"Ano ba Mat?! Nasasaktan na ako!" Sigaw ni Alleia habang nagpupumiglas.
Mas humigpit ang pagkakahawak ni Mateo kay Alleia at inuga uga pa ito.
"Iwasan mo siya." Madiin na sambit ni Mateo.
"No!" Matigas na sambit ni Alleia.
"Ano bang problema mo? Pupunta ka pa dito para lang guluhin ako? Ni hindi ka nga nakarinig sa akin ng kahit anong reklamo at salita sa tuwing inuuna mo yang mga babaeng kaibigan mo!" Sigaw ni Alleia.
Sound proof kasi ang kaniyang office kaya hindi sila naririnig sa labas.
"I told you Alleia, iwasan mo yang kaibigan mo." Nagbabanta ang boses ni Mateo at kahit natatakot at kinakabahan si Alleia ay hindi ito pumayag.
Alleia doesn't understand why he needs to avoid Jayden tapos kapag kay Mateo hindi pwede? That's unfair.
"You're being unfair again Mateo." Sambit ni Alleai.
"Bitawan mo na ako at nasasaktan ako." Sambit ni Alleia sa mas mahinahon na boses.
"Iwasan mo." Sambit muli ni Mateo at tila hindi naririnig ang mga sinasabi ni Alleia.
"I don't want to. Stop it Mat." Mapait na sambit ni Alleia.
"Ang kulit mo, sinabing iwasan mo e." Pikon na sambit ni Mateo at ibinalibag si Alleia sa may lamesa.
Alleia couldn't move her body and she's shocked.
Sanay siyang pinagsasalitaan siya ni Mateo ng masasakit ngunit ito ang kauna unahang pagkakataon na sinaktan siya ni Mateo.
"Umiwas ka kung ayaw mong masaktan." Sambit ng galit na si Mateo at muling itinayo si Alleia.
Tila ba namanhid ang buong pagkatao ni Alleia sa gulat.
"I told you, lalayuan ko si Austin kung lalayuan mo rin ang mga kaibigan mong babae." Sambit ni Alleia.
"Wala kang karapatang utusan ako." Sambit ni Mateo at sinampal nalang bigla si Alleia dahilan para matumba siyang muli.
Muntikan na rin tumama ang ulo niya sa lamesa, mabuti nalang ay nakaiwas pa siya.
Ang tanging nararamdaman nalang ni Alleia ay ang sakit at pagkamanhid.
"W-wala ka ring karapatan para diktahan ako." Matapang na sambit ni Alleia.
At dahil sa sinagot niya ay nakatanggap nanaman siya ng panibagong sampal kay Mateo.
Hindi na napigil ni Alleia ang mga luha sa kaniyang mata at unti unti n itong bumagsak.
Doon naman natauhan si Mateo at mabilis na iniupo si Alleia saka humingi ng tawad.
"B-babe..." Nauutal na sambit ni Mateo matapos makita na umiiyak si Alleia.
"S-stop, don't touch me." Umiiyak na sambit ni Alleia habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.
"I-im sorry babe, I didn't mean to.... Nag seselos lang ako, I'm sorry." Mahinahon na sambit ni Mateo habang pilit na hinahawakan si Alleia.
"I said don't touch me!" Sigaw ni Alleia na ikinagulat ni Mateo.
Nag ibang muli ang awra ni Mateo.
Tinignan niya si Alleia ng walang awa at walang emosyon.
"Tama lang sayo yan para magtanda ka. Nakasama mo lang ang lalaking yon naging palasagot ka na sa akin." Sambit ni Mateo at bakas pa rin ang pagseselos sa kaniyang boses.
"Sinabi ko naman kasi sayo Alleia. Layuan mo ang taong yon, nagmakulit ka pa." Sambit ni Mateo.
Hindi na nagsalita si Alleia at patuloy na pinupunasan ang luha niya.
"I said what I said Mateo, kung hindi mo lalayuan ang mga babaeng kaibigan mo ay hindi ko rin lalayuan si Austin." Seryosong sambit ni Alleia.
"Gusto mo talagang masaktan ulit e hano?" Sambit ni Mateo at hinawakan ng mahigpit ang baba ni Alleia.
"Be a good girl for me Alleia, or else." Pananakot at pagbabanta ni Mateo.
Nakipag titigan lang si Alleia at ipinakitang hindi siya natatakot.
"Be a man Mateo, grow up." Sambit ni Alleia at iniiwas ang mukha kay Mateo.
"I want you to leave. Right now." Sambit ni Alleia kay Mateo.
"Babalik ako Alleia." Nagbabanta ang boses ni Mateo bago lumabas at isara ng malakas ang pintuan sa clinic niya.
Naiwang tulala si Alleia at umiiyak.