KABANATA 5

1391 Words
Matapos ang naging away ni Alleia at Mateo sa office niya ay hindi na muling nagparamdam pa si Mateo. Sunday ngayon at inaaya ni Jayden si Alleia mag simba. "Simba tayo." Pag aaya ni Jayden kay Alleia. "Sige." Pag payag naman ni Alleia, gusto niya rin humingi ng tawad at tulong sa panginoon sa nangyayari sa kaniya. "Now na." Sambit ni Jayden at pinatayan siya ng call. Hapon na ngayon, mag aalas singko kaya sakto sa misa. Gumayak na si Alleia at hinintay nalang si Jayden na sunduin siya. Nang makarating na ang susundo kay Alleia ay agad siyang sumakay sa sasakyan. Pupunta sila ngayon sa Manila Cathedral upang bumisita at magsimba. Saglit lang ang binaybay nila at nakarating na rin sa simbahan. There's something about Alleia na napansin ni Jayden. Parang may bago. Of course mapapansin ni Jayden, para saan pa at gusto niya si Alleia kung hindi naman niya ito kilala. "You don't usually wear this kind of clothes ah?" Takang tanong ni Jayden. Alleia is wearing a turtle neck long sleeves at nakapantalon. Balot na balot, tinatago kasi ang mga pasa. Mabuti nalang at hindi napansin ni Jayden ang sugat sa kaniyanng mukha. "New style." Pagsisinungaling ni Alleia. Tumango nalang si Jayden kahit na hindi siya naniniwala sa sinabi nito. Lumuhod na si Alleia matapos makapasok sa simbahan, she wants to tell God how she is. Lord, ganito po ba talaga ang dapat mangyari sa akin? nararapat po ba ito? napapagod na po ako. Guide me Lord. Huwag niyo po akong pababayaan. Ilan lang yan sa naging dasal ay hiling ni Alleia. Matapos mag dasal ay nag sign of the cross na siya at umupo saka hinintay si Jayde. Nang matapos ay lumabas na rin sila. "I want to tell you something." Sambit ni Jayden. "Ano yon?" Takang tanong ni Alleia. "Dinner muna tayo." Nakangiting sambit ni Jayden at pinagbuksan ng pinto si Allleia. Little did Alleia know.... Mateo is watching and stalking them. "Saan tayo?" Tanong ni Alleia. "Sky deck at bayleaf hotel." Sambit ni Jayden. "What the?" Gulat na sambit ni Alleia. Natawa naman ng bahagya si Jayden. "Halika na." Sambit nito kay Alleia at muling pinagbuksan ng pintuan. Lumabas na rin si Alleia doon at pumasok na sa hotel. Sobrang ganda ng lugar, nakadagdag pa ang cit lights na matatanaw mo sa ibabaw. "Wow." Sambit ni Alleia habang tinitignan ang city lights. "Picture-an mo ako." Sambit ni Alleia at tumakbo papunta sa may railings. "Pose ka na." Natatawang sambit ni Jayden at inilabas na ang kaniyang cellphone upang mag picture. Nang matapos ay umorder na muna si Jayden habang si Alleia ay patuloy sa pag picture gamit ang cellphone ni Jayden. "Hey!" Tawag ni Jayden at inaya si Alleia sa kanilang table. "Picture-an kita dito." Pag aalok ni Jayden na tinanguan naman ni Alleia. "Go! Gusto ko yan." Nakangiting sambit ni Alleia. Habang nag pipicture-an sila ay halos patayin na ni Mateo sa titig si Jayden. Hindi nag tagal ay dumating na rin ang mga orders ni Jayden at Alleia kaya umayos na sila sa pwesto. "Ano ba sasabihin mo?" Takang tanong ni Alleia kay Jayden. "First and foremost, I know na nakakagulat ang sasabihin ko at unexpected pero wala naman sigurong masama. Alleia I like you, not as my ate or my friend. I like you more than that." Pag amin ni Jayden kay Alleia. Hindi nakapag salita si Alleia sa gulat. "Austin..." Ang tanging nasambit ni Alleia. Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Alleia ng hawakan ni Jayden ang kaniyang kamay. "Alleia I want to court you, can I?" Tanong ni Jayden. At bago pa makasagot si Alleia ay bigla ng sumulpot si Mateo at sinapak si Jayden. Hindi naman nakailag si Jayden sa gulat. "Who the f**k are you?" Inis at gulat na sambit ni Jayden. "I'm her boyfriend. Now back off." Gigil na sambit ni Mateo. Napatingin naman si Jayden kay Alleia. Kitang kita ni Alleia ang pagtataka at sakit sa mata ni Jayden. She didn't expect that Mateo will be here at sasaktan din si Jayden. "Stop it Mat." Sambit ni Alleia at hinawakan ang kamay ni Mateo. Dumapo doon ang tingin ni Jayden at doon niya narealize na talo nga. But knowing him? Hindi siya kabod titigil. "I'll go now." Tipid na sambit ni Jayden. Kahit basted-in siya ni Alleia ay kaibigan niya pa rin ito, sana. Sambit niya sakaniyang isip. Naiwan si Alleia na tulala habang si Mateo ay masama ang tingin sakanya. Hinitak na niya si Alleia palabas ng Sky deck at bayleaf hotel at sapilitang ipinasakay sa passenger seat ni Mateo. "What was that?" Pikon na sambit ni Alleia. "Were just having a diiner." Tipid na sambit ni Alleia. "Having a dinner tapos liligawan ka? At ikaw naman mukhaang kinikilig, malandi ka rin e hano?" Sambit ni Alleia. Hindi nba nagulat si Alleia sa narinig dahil palagi naman iyon ang bukambibig ni Mateo sakanya, na malandi siya. "Kung hindi mo sinuntok edi nasagot ko sana ng maayos." Sambit ni Alleia. "He's an attoryney, paano kung sampahan ka ng kaso?" Sambit ni Alleia kaya napahinto naman si Mateo saglit. "Iwasan mo na." Tipid na sambit ni Mateo at pinaharurot na ang sasakyan pauwi. Dinala ni Mateo si Alleia sa kaniyang bahay. "I have a condo Mat, doon mo sana ako dinala." Reklamo ni Alleai. "Shut up." Sambit ni Mateo at pwersahan siyang inilabas ng sasakyan. "Ano ba?!" Inis na sigaw ni Alleia dahil sa gulat. "Sasaktan mo nanaman ba ako?" Tanong ni Alleia kay Mateo. "Can you just shut your mouth? Ang ingay ingay mo." Inis na sambit ni Mateo at hinala na papasok ng bahay si Alleia. "Cook me food." Sambit agad ni Mateo ng dalhin si Alleia sa kusina. "I am not your maid Mateo. Magluto ka mag isa mo!" Sigaw ni Alleia at magwo walk out na sana siya ngunit hinagit ni Mateo ang kaniyang braso. "Do what I said Alleia. I'm not in the mood to play around." Nagbabanta ang boses ni Mateo. "I;m tired Mat, just cook your own food." Malumanay at nakikiusap na sambit ni Alleia at akmang iaalis ang pagkakahawak ni Mateo sa braso niya ay nagalit ito. "Cook me my dinner Alleia, o gusto mong hmmmm." Sambit ni Mateo at tinignan si Alleia mula dibdib hanggang sa gitna niya. Nakaramdam naman ng pandidiri si Alleia sa ginagawa ni Mateo. "Stop it Mat, you're making me uncomfortable." Sambit ni Alleia pero as always, nagmistulang walang naririnig si Mateo. Napiloitan din si Alleia na mag luto dahil sa pagbabanta ni Mateo sakanya. Aminin man niya o hindi, kahit na hindi siya pumapayag, kahit na sinasagot sagot niya si Mateo ay natatakot siya. "Susunod ka rin pala ang dami mo pang arte." Sambit ni Mateo at marahas na binitawan ang braso ni Alleia. Tinignan niya ang kaniyang braso at sobrang pula na nito dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Mateo. "Faster!" Sigaw ni Mateo kaya na ikinagulat ni Alleia. Nang makaluto siya ay hindi niya inexpect ang magiging reaction ng lalaki. "Come here!" Sigaw ni Mateo. Alleia thought ayos na si Mateo dahil malumanay na magsalita ngunit nagulat siya sa ginawa nito. Mabilis na dumapo ang palad ni Mateo sa pisngi ni Alleia. "Ano ba naman yang luto mo? Ppatayan mo ba ako?!" Sigaw ni Mateo at itinapon ang pagkaing niluto ni Alleia. She knows how to cook per hindi niya alam kung bakit at paanong hindi nagustuhan ni Mateo ang niluto niya. "Wala ka talagang kwenta." Sambit ni Mateo at itinulak si Alleia sa sahig. Nang bumagsak ang katawan ni Alleia ay sinundan ito ni Mateo. "Sinabi ko sayo, magpakabait ka kung ayaw mong masaktan ka. Pero anong ginawa mo?" Galit na sambit ni Mateo at hinawakan nanaman ng mahigpit ang baba ni Alleia. "B-bitawan mo ako!" Sigaw ni Alleia at nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Mateo. "Huwag ka ngang malikot!" Sigaw ni Mateo at muling sinampal si Alleia. "Manahimik ka diyan, nasa pamamahay kita." Nakangising sambit ni Mateo. "I wanna go home." Naiiyak na sambit ni Alleia. "Subukan mong tumakas Alleia." Pananakot ni Mateo. Nakaramdam ng panginginig at takot si Alleia dahil baka ang kapatid niyang si Ciela ang targetin ni Mateo kapag hindi ito sumunod. "What?" Tanong ni Alleia. Bumabang muli si Mateo at bumulong. "Isang maling gawa mo, buhay ang nakasasalay dito." Sambit ni Mateo at itinulak muli si Alleia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD