CORINTHIAN
"Thank you for coming," I said to the first ever customer today.
It was a sunny Monday morning and everything seemed perfect. I wish the good weather would help us to be more productive and shower us lots of sales. I was busy checking some orders through the company's i********: account when my phone rang. I was engross of what I've been browsing that I didn't bother to go check on it. Tumigil ito sa pagtunog kaya naman itinuloy ko ang ginagawa. I started to make a business letter for a particular company when my phone twittered again. I reached for it and stared automatically on the screen.
The number was not saved in my contacts, I'm having second thoughts on answering. But the caller seems persistent 'cause it didn't stop. I pressed the answer button and was about to say hello kaya lang nauna ang nasa kabilang line.
"Hello. Is this Mayumi's mom?" Malumanay na tanong ng nasa kabilang line.
"Yes. Who's this?"
"Adviser po ako ng anak niyo. Kailangan niyo po pumunta dito sa school. This is an urgent and important matter, ma’am.”
Bigla akong ginapangan ng sobrang kaba. Paranoia started to kick in. I am caught in the middle of so many things running in my head. The ideas were voracious. s**t!
"Sige po. Papunta na ako diyan." I answered and got my bag immediately.
Mabilis na tinapos ng teacher ang tawag. I texted Teroy to fetch me from the store at the same time drive for me also. I'm not capable of driving at this point. I really am anxious. I tried hard to stay calm and poised when my twin brother came.
"Bakit? May nangyari ba?" He worriedly asked the moment we got inside his car.
Gano'n siguro kahalata ang kaba ko dahil iyon ang bungad niya. Habang biyahe ay ikinuwento ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ng adviser ni Yumi.
"Kalma. Malamang away bata lang 'yun," alo ni Teroy sa akin.
Unfortunately, I was dying inside and freaking out with worries! Ibang usapan kapag si Yumi ang involve. Kahit sinong nanay ang nasa sitwasyon ko ay malamang na ganito rin ang magiging reaksiyon. The traffic jam added tension. Kung kailan naman nagmamadali ay saka pa ayaw umusad ng maayos ng mga sasakyan.
"Oh my god, Teroy. We need to get there fast. Baka umiiyak na ang anak ko." Pumiyok ako dala ng matinding pagpipigil ko sa nagbabadyang pagpatak ng luha.
I wiped the mist in my eyes, putting myself together. Ramdam ko ang paglingon ng kapatid ko. Alam ko na nag–aalala rin siya kay Yumi. Nang makahanap ng chance para makapag–overtake ay mabilis na pinasibad niya ang kotse. Almost an hour sa tantiya ko ang naging haba ng biyahe namin. I walked so fast that I bumped in to Yumi's teacher on my way to her classroom. Hindi ko na nga nagawang humingi ng pasensya.
"Hi, ma'am. Kanina pa po kayo hinihintay sa GC office. Tara na po doon,” aya nito. Mabilis akong sumunod sa kanya.
I took deep breaths as the teacher slowly opened the door. I was greeted by an unpleasant atmosphere though the office was too silent. My eyes searched for my princess, our gazes met. Mayumi stood up and ran towards me. I met her halfway.
"Mommy!" She whined, wrapping her small arms against my hips.
"What happened, baby? You're not supposed to be here. I told you to be a good girl while in school, right?”
I reached for her hand and gently pressed it. My little girl lifted her head and looked at me before shifting her gaze to the strict aura of the guidance counselor. Bahagya akong tumango sa huli pero nanatiling seryoso ang mukha nito.
"Good morning." Mrs. Lativa, the guidance counselor said. .
"Good morning. Sorry for the long wait, ma'am." I apologized.
"Have a seat, please." Alok nito at mabilis ko naman sinunod.
The moment I sat down, my whole world spin around. I couldn't believe my eyes! I was hyperventilating though the room was air-conditioned. No. This was not happening! Panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi ko inaasahang sa ganitong eksena kami magkikita ulit. Of all places, my goodness! Pilit kong ikinalma ang sarili dahil ayokong mahalata niya ang pagkataranta ko.
"Katniss, can you tell us what happened?" The guidance counselor told the annoying kid.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang maging kalmado sa harap ng lalaking ito. Pakiramdam ko nagsanib pwersa ang large intestines at small intestines sa sikmura ko. Bigla akong nahilo at nanuyo ang lalamunan ko.
"That loser stole my memento!" The little girl shouted, pointing her finger to my Yumi.
"I did not and I'm not a loser." Mayumi shot back heatedly and stuck her tongue out.
Sinaway ko siya kahit pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil sa sobrang hilo. Hindi ko matagalan ang nanunuring titig ng taong nakaupo sa harap ko. Ibang–iba na siya ngayon. Back then, he was charismatic, and now he’s powerful, authoritive, intimidating.
"Kids, stop it. Nandito tayo para ayusin ang gulo, okay?" Saway ng guidance counselor.
"This is my dad's." Padabog na inilapag ng batang si Katniss ang half- heart memento sa mesa. "Bakit mo kinuha 'to kung hindi ka pala magnanakaw?" Masungit na tanong niya pa. Umirap pa ito kaya naman napailing na lang ako.
My baby girl crossed her small arms over her chest and shook her head slowly. Narinig ko din na pumalatak pa siya ng ilang beses. Mga galawan ni Mandy talaga ang ginagaya niya. I let out a deep breath and waited for her to say her piece.
"Sa mommy ko ‘yan. Can't you see the letters DJR? Binigay ‘yan ng daddy kay mommy.” Yumi hissed and rose from her seat. “Ikaw ang magnanakaw, Katniss!”
"Mayumi sit down." Malumanay na saway ko na mabilis naman niyang sinunod.
The guidance counselor slapped her forehead. Baka may hypertension ito at ang dalawang bata pa ang maging dahilan ng atake nito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or ewan. These kids were the human version of headache.
"You're lying again. Kay daddy ko 'to!" Simangot na sabi ulit ng malditang bata. Kinuha ang keychain at ibinulsa.
"Children." Mariin na saway ni GC. Palipat-lipat ang tingin sa dalawang bata.
I looked at my daughter. Her face was crumpled and almost ready to cry any moment now. Hinagod ko ang likod niya para mapakalma. Alam na alam ko na aatungal na ito ng iyak kaya hangga’t maaari ay iniiwasan kong mangyari ‘yon.
"Excuse me, ma'am, I think pagod lang ang mga ito dahil kakatapos lang ng exams.” Out of the blue na sabi ko. “Maybe we should let them rest now.”
The man in front of me cleared his throat. His face grim as his eyes were like arrows darting on me. Inirapan ko siya.
"With all due respect, madame,” bumaling siya sa guidance counselor, “I know it is your responsibility to fix this, but I have the best way to settle this issue.”
“What exactly do you mean by that, Mr. Reedus?” manghang tanong ng matanda.
Umiling si Dashiel saka diretsong tumingin ulit sa akin. “You should’ve told me directly, Corinthian. Hindi na sana tayo umabot dito.”
Nag-init ang mukha ko nang mahuli ko ang makahulugang tingin ng guidance counselor. Hindi naman ito tanga para hindi makuha ang logic sa sinabi ni Dashiel. Balak ko sana kontestahin ang sinabi niya pero biglang nagsalita si Yumi.
"S-sige okay lang, Katniss.” She sniffed and wiped her tears. "S-salbahe ang keychain na ‘yan! It always make my mommy cry! I got it from her purse to throw it away! Sa'yo na yan, saksak mo sa baga mo! Bungi!"
"Daddy o! she called me bungi." Sumbong ng malditang bata kay Dashiel.
Ang tindi ng pagkakatitig niya sa akin na para bang anak niya pa ang dehado. Though, I could almost hear the pounding sound of my heart, still I managed to met his irritating gaze. Aba! Ako ba ang may atraso at kung makatitig siya ay wagas? Siya nga itong basta na lang nagpunla sa akin at humabol pa kay Emilia. Kapal ng mukha ng kumag na 'to!
"Sweetheart, say sorry to Mayumi." Maya-maya ay utos niya sa bata. “Mali ang magbintang, alam mo ‘yon di ba?”
Saka ko lang iniiwas ang tingin sa kanya nang magsalita ulit ang anak ni Zuma. Kamukhang-kamukha ni Emilia!
"I will say sorry because dad said so," nakanguso na bira nito. "Sorry." Mabilis at walang sincerity ang bigkas sa bawat salita.
I silently mutter a curse. She's really like her mom. Matigas din ang mukha! Bully na nga ang nanay bully pa ang anak. Bullying to the tenth power, square root of two!
"Mayumi, you should also apologize to her,” I gently told my baby.
“No way!” tanggi ng anak ko bago ipinaling patagilid ang mukha niya. “She scratched my face, mommy.”
Sinipat ko ng malapitan ang kanyang mukha at nandon ang ebidensya. Bahagya na ang pamumula pero bakat pa rin ang marka ng kalmot sa may pisngi niya. Lalong tumindi ang inis na nararamdaman ko. Galit na binalingan ko ang batang babae na isinisiksik ang sarili sa katawan ng daddy niya. My eyes then turned to Dashiel and the bastard mouthed sorry. Tarantado ‘to. Alam kong away-bata ito pero nakakainis talaga. Gigil nila akong mag‐ama!
“Look what your daughter did to my Yumi. Turuan mo kasi ng magandang asal 'yang maldita mong anak.” Pinilit kong kontrolado ang boses ko.
Hinapit niya palapit sa kanya ang bata at kinalong. Katniss throw her arms around his neck. I looked at my daughter only to find out that she was staring at her father. I could see the curiosity in her innocent, expressive eyes. Hindi ko matagalan ang ganoong eksena kaya naman kinalong ko si Yumi at tahimik na niyakap.
"Don't worry about your daughter. I'll bring her to the hospital to get check,” he offered, never leaving his eyes on his child, “kung iyon ang gusto mong mangyari.” He added.
For a fleeting moment, I saw pain cross his eyes. But maybe it was just my imagination. Hindi ko alam kung paano natapos ang usapan. Go with the flow lang ako dahil nawindang ako sa mga kaganapan. Naunang umalis si Dashiel at Katniss samantalang kami ni Yumi ay nagpaiwan. May ilang bagay pa kasi akong ipinakiusap sa guidance counselor. At bago kami tuluyang lumabas ay inayos ko ang nagulo niyang uniform. Saka lang niya sinabi na nagsabunutan sila ni Katniss kaya natanggal ang ilang butones ng blouse niya.
“I'm sorry, anak. Hayaan mo ililipat na kita ng school.” Naiiyak na sabi ko habang yakap siya.
“Its okay, mommy. I want to go home na po.” Sagot niya.
Paglabas namin ay nagulat ako sa lalaking nakatayo sa gilid ng pintuan. Dashiel was leaning on the wall, his hands were inside his pockets. His eyes fixated to Mayumi. It took a bit second before I collected myself.
“Let's go, baby.”
Inakay ko na si Yumi at mabilis na lumakad palayo sa kanya. Halos kaladkarin ko na ang anak ko dahil gusto ko nang makarating kami sa parking lot. Hindi ako makahinga sa presensiya ni Dashiel. Panay ang tawag niya sa akin pero hindi ko siya nililingon. Ubos na ubos na ako para sa araw na ito. Ayoko ng makipagtalo sa kanya.
“Mommy, tawag ka po ng daddy ni Katniss." Yumi said and turned her head back.
“Corinthian! Huwag mong kaladkarin ang anak ko!” Dumadagundong sa paligid ang galit na boses Dashiel.
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Panay ang pagmumura ko sa isip dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ano pa ba ang gusto nito? Kung tutuusin ay hindi niya dapat kami bigyang atensiyon bilang pamilyado na siyang tao.
“Mommy..." Yumi called out. "Why are you crying?”
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. My whole body was trembling in fear, anger, and so much anxiety. Pinahid ko ang mga luha at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.
“Just keep on walking, baby. Uncle Teroy is waiting for us in the car.”
Nasa bungad na kami palabas sa building nang maramdaman ko ang biglang paghila sa braso ko. I closed my eyes tight then filled my lungs with air.
“Mag-usap tayo.” He said in a stern voice. “Please, for the sake of our daughter.”
Itinutok ko ang tingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
“Hands off, Reedus.”
Agad naman niyang binitawan ang braso ko at dinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Wala akong pakialam kung stressed at triggered siya sa biglang paghaharap namin.
“Mommy...” Yumi's voice brought my senses back.
"Let's go home."
Iniwan namin si Dashiel at wala akong pakialam sa kung anong paandar niya. I wish him and Emilia rot in hell! f**k them both!