Mia’s POV Kinaumagahan pa lang, gising na ako, pero parang hindi pa buo ang isip ko. Mula nang tumawag si Giyo kagabi, hindi ko na makuha ang tamang tulog. Pumikit man ako, patuloy lang na umaalingawngaw ang boses niya sa isip ko. “Sa hotel tayo magkita,” sabi niya. “Huwag kang mag-alala, kailangan ko lang talagang makausap ka. Isang beses lang.” Sa hotel? Bakit sa hotel? Hindi naman kami sanay sa ganitong lugar. Minsan sa kainan, sa park, o kahit sa simpleng coffee shop kami nagkikita. Pero sa hotel? Nakakapagtaka. Saka, bakit sa Manila pa? Ano ba kasing nangyayari. Simula nung mamatay si Salve, ganito na. Ang dalang ko siyang makausap. Ingat na ingat pa siya kapag tatawagan ako. Miss na miss ko na rin siya kaya talagang gagawa ako ng paraan para makita siya, pero heto na, siya ang gum

