Giyo’s POV Labas-pasok si Madam Ofelia dito sa kuwarto nila ng asawa niya habang nagtatrabaho ako. Sa tuwing papasok siya rito, kinakabahan at natatakot ako kasi baka lumala pa ang gawin niya sa akin. Mabuti na lang at naiisipan kong gumawa ng paraan. Sa tuwing lalapit siya sa akin, nagkukunwari ako na magbabanyo para mag-ugas ng kamay o kundi naman ay mag-bawas ng panunubig. Gusto ko rin sanang tawagan si Mia tungkol sa ginawa niya, hindi ko lang magawa kasi alam kong kasama niya ngayon ang ama niya. Baka makita lang nito na nag-uusap kami ng anak niya. Nung tanghali na, bumaba na ako para mag-lunch. Nagulat ako kasi gusto ni Madam Ofelia na sabay kaming mag-lunch. “Halika na, dito ka na sa tabi ko. Sabayan mo na akong kumain ng lunch,” nakangiti niyang sabi habang nakakaramdam ako ng

