Giyo’s POV Tumawag si Mia sa akin nung gabi na habang nakahiga na ako. Sinabi niya na sinabi na sa kanila ng papa niya ang nangyari. Umayaw daw ako sa trabaho kasi pagod na ako. Siniraan pa niya ako sa kay Mia at sa asawa niya. Ako pa ang pinalabas niyang mali. Hindi ko naman alam kung sasabihin ko pa ba sa kaniya ang totoong nangyari. “Sabihin mo, ano ba ang totoong nangyari. Kasi, alam kong hindi ka naman bigla-bigla mapapagod sa trabaho mo?” tanong niya. “Ang mama mo kasi. Siya ang totoong may kasalanan. Ayoko na sanang sabihin ito pero hinipuan niya ako kanina. Bukod doon, inalok pa niya ako ng malaking pera para lang matikman ako sa kama.” “Giyo, hindi ako nakikipagbiruan!” sigaw niya sa kabilang linya. Hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Mia, nagsasabi ako ng totoo. Nagtatrabah

