PERFECT TIMING
Ano bang ginagawa sa taong nahimatay? I don't know, I'm not a Doctor, not even a nurse. Kaya natatarantang pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang bagong tubig, natigilan ako nang bumalik ako sa babaeng nakahiga sa sofa.
"Paano sya iinom kung wala syang malay?" bulong ko sa sarili. "Stupid." Inilapag ko sa table ang baso naghanap ng pamaypay. Nakita ko ang envelope na dala nya at yun ang ginawa kong pamaypay pero muli nanaman akong natigilan.
"Paano kung bigla syang magising at makita nya ang mukha ko?" agad akong naalarma. Hindi nya ako pwedeng makita, pero muling nabaling ang tingin ko sa mukha ng babaeng ito. She's... I don't know. She got a simple face- there's no special in her face hindi katulad sa mga ibang babaeng nakapaligid sa akin. But still she looks captivating.
Oh no! What am I thinking?! Mas lalo akong naalarma sa mga nasabi ko kaya agad akong tumayo at lumayo sa kanya. I may not be a nurse or Doctor, but I'm sure she's not dying. Lumapit ako sa switch pero bago ko patayin ang ilaw, muli akong tumingin sa babae, I don't know why I smiled before I switch off the lights.
Hindi naman ganoong kadilim ang bahay dahil maliwanag pa sa labas, may unting liwanag na pumapasok mula sa labas. Makakapal na kurtina kasi ang nakapaligid sa buong bahay. Simula nang andito ako, mas pinili ko ang hindi masyadong maliwanag na paligid.
Nang makapasok ako sa kwarto ko, patamad akong humiga sa kama ko. What have I done? Anong pumasok sa isip ko at pinapasok ko ang babaeng iyon sa teritoryo ko? I shouldn’t have done this. Napapikit ako sa mga naiisip kong consequences ng ginawa ko, pero di rin nagatagal, naramdaman ko na may hawak pala ako.
Bakit nadala ko ang enveloped ng babae? Muli akong napabangon at tinitigan ang papel, saglit na nag-isip kung tama ba ang biglang pumasok sa isip ko na buksan ito. Pero and ending, binuksan ko ang enveloped. Napakunot noo ako sa mga documents na nasa loob.
Title ng lupa, kasama na doon ang appraisal ng lupa na nagsasaad ng presyo nito- at hindi basta-basta ang presyo nito. It cost a milyon.- 5 million pesos. Binalik ko ang tingin sa titulo ng lupa, nakapangalang ito sa isang, Elena Morales. Sya kaya ito? Pero bakit nya binibenta ang lupa na ito.
Lumabas ako at napatingin sa babaeng wala paring malay. Bigla akong nang-alala, paano kung may iba syang nararamdaman? Paano kung may sakit talaga sya? O baka naman gutom? Agad akong napatingin sa kusina ko. In times like this, you wished you had someone to prepare foods for your visitor, pero wala eh. No Axl, she's not a visitor.
Inilapag ko ang enveloped sa table malapit sa hinihigaang sofa ng babae at naglakad papunta sa kusina. Palinga-linga ako makahanap lang ng ihahanda sa babaeng ito. Paubos na ang supply ko, three weeks palang ako dito. Tapos ngayon kailangan ko pang handaan ng makakain ang babaeng hindi ko naman kilala.
Huminga ako ng malalim, "Hay, bahala na!" binuksan ko ang maliit na ref na meron ako, may isang bottled juice dito, at kumuha ng loaf bread at inihanda ito. I put some spread bago nilagay sa plato at hinain sa babae.
Muli nanaman akong napatitig sa babaeng natutulog na ito. She's small, kanina nung kinarga ko sya, napakagaan nya, pero bagay naman sa kanya ang size ng katawan nya, she's huggable. Wait, wait, huggable? No! She's just small.
Napapiling na tumalikod nalang ako sa babae at bumalik sa kwarto ko, pero bago ko pa mabuksan ang kwarto ko, may naramdaman akong gumalaw mula sa sala. Agad akong kinabahan. Buti nalang hindi agad makikita ang kwarto ko mula sa sala kaya madali akong nakatago habang tinitingnan kung anong nangyari.
Gising na sya!
Kinikilala nya ata ang lugar, pero hindi ko maaninag ang reaksyong ng mukha nya dahil bahagyang madilim. Tumingin ito sa table. Hindi ko alam kung ano ang napansin nya, yung enveloped nya o yung pagkain. Inaabangan ko ang gagawin nya. Mukhang nagdadalawang isip ata.
Pero gusto kong matawa nang makita ko syang kinuha ang plato na may tinapay. Inamoy nya ito pero mukhang di nya nagustuhan. Nilapag nya at kinuha nalang ang juice. Nakakainis, ang arte ng babaeng ito. Sya na ngang hinandaan sya pa ang mapili.
Matapos uminom ay kinuha ang gamit sa table, at tumayo. Aalis na sya! Bakit parang gusto kong lumipad at ilock ang pinto? Agad akong bumalik sa kwarto at kunuha ang hoody ko. Agad na lumabas ako at hinabol ang babae.
..
..
..
"Hindi ka manlang ba magpapaalam?" halos mapatalon sya ng marinig ako na nagsalita. HIndi pa nya nararating ang pinto. Lumingon sya at wala syang nakita, sana maliwanag so I can see her face na natakot.
"S-salamat." She has a very soft voice kahit na kinakabahan. Agad na tumalikod sya ulit at nagtangkang buksan ang pinto.
"Wag kang matakot, hindi ako multo." sabi ko. "Andito lang ako sa likod mo." dahan-dahan syang lumingon, alam ko takot parin sya. 'Sa kaliwa."
Nakatayo ako malapit sa hagdad habang nakataas ang hoody. Madilim naman kaya alm kong di nya maaninag ang mukha ko. "S-sino ka?"
"Ako ang may-ari ng bahay na ito."
"Ah,. sige, salamat ha.." tumalikod na ulit ito. Pero bago nanaman nya pihitin ang door knob ay nagsalita ako.
"Masyadong mahal ang 5 million, dapat ibenta mo sya sa mga taong mayayaman." halatang natigilan ito. Siguro kailangang kailangan nya ang maibenta ang lupa. "I could help you."
Hindi ito agad na sumagot, I'm sure kunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. I wonder how she look like kung ganoon ang itsura nya. "Paano?" yan lang nasabi nya.
"I will buy that property." kahit ako nagulat sa lumabas sa bibig ko. Pero bakit hindi ko ito pinagsisisihan.
"You don't even know me," yan ang sagot nya.
"May batas ba na bawal bumili ng property kung di mo kilala ang may-ari? What's the use of introducing ourselves." sagot ko.
"Pero you don't know me, baka manloloko ako. O isa akong masamang loob." this woman is different. May kakaiba sa kanya.
"Bakit? Niloloko mo ba ako?" tanong ko.
"Hindi!"
'Hindi naman pala eh," simpleng sagot ko. "...and don't worry, I have my condition sa pagbili ko nang property mo..."
"And what is it?"
"Live with me for three months."
---------
"He has made everything beautiful in its time..." Ecclesiastes 3:11