Chapter 6: Chasing After the Wind

1401 Words
CHASING AFTER THE WIND Nanlamig ang buong katawan ko sa mga narinig ko sa sarili ko. Live with me? How could I say that to a stranger? But I waited for her answer. Kinakabahan ako dahil parang ang tagal nyang sumagot. I heard her sighed, ramdam ko kung gaano kabigat ang paghugot nya ng hinga, "..just so you know, I'm not a prostitute." nanlaki ang mata ko sa narinig ko and I regret saying those words. Tumalikod na sya kaya agad akong nagsalita, "It's not what I meant, ahm.." hindi ko na alam ang sasabihin ko. Pero bago pa ako muling magsalita, inunahan na nya ako. "I would still say no." natigilan na ako sa sinabi nya. "But thanks for the offer, and.. hindi ko alam bakit ako andito sa bahay mo, but the last thing I remember nahihilo ako kanina, so I guess I have say thank you to you." "No harm done." I don't know kung saan nang galing yung mga sinagot ko na yun. Basta ang alam ko nakatago sa dilim. Mahirap pala makipagusap ng hindi mo nakikita ang kausap ko, lalo na I have this urge to see her face while she's talking, and every bit of reaction from her face. "Alis na ako, bye..." then she's gone. .. .. .. Limang oras na ang nakalipas, and I'm still alone. Hanggang ngayon, sinisisi ko parin ang sarili ko for using those words, nagmukha tuloy akong p*****t. Wala naman akong gusto eh, I just wanted someone who can cook for me, at isama mo na ang curiousity ko sa babaeng yun. She's different sa lahat ng babaeng na-encounter ko, malayong malayo sya kay Gwen. Pero wala na sya. She turned me down. So I don't have a choice kundi magluto ulit. Gutom na ako kaya hindi na ako aasa na makakapagluto ako ng mga gusto kong kainin like pork nilaga, adobo at kung ano-ano pa. Babalik nalang ako sa kaya ko- nilagang noodles. Habang kumakain ako mag-isa, I turned around. This place is really big for me and once again naramdaman ko how lonely I am. Ni minsan sa buhay ko di ko naisip na darating ako sa point na to. Hindi ko maiwasang masaktan, malayo man ako pero andoon parin yung sakit. Siguro nga kailangan ko ng masanay mabuhay mag-isa. .. .. .. .. Tatlong araw na ang lumipas simula ng sa unang pagkakataon ay may ibang tao na nasa loob ng bahay ko. tatlong araw pero madalas ko parin syang naiisip, ganoon na ba ako kadisperado kumain ng pork nilaga? Minsan iniisip ko nalang na hindi marunong magluto yung babaeng yun. Ilang linggo na ako dito sa Quezon mag-isa at hindi parin ako sanay. Mula sa buhay ko bilang Axl na laging puno ang schedule, ngayon wala akong magawa ni isa. Ganoon kalaki ang pagbabago sa buhay ko. Sa kagustuhan kong may pagkaabalahan, I turned on my phone. Since I already changed my contact number, hindi na ako nagaalala na baka macontact nila ako. Naglakas loob akong makasagap ng balita mula sa mundong galingan ko. Using my cellphone, I got a chance na makapagbasa ng mga latest na balita. HIndi ko alam why I am doing this, but I did anyway. Una kong binuksan ang twitter, wala sa trending list ang pangalan ko or anything related to me. So I do the research. Napangiti ako na makita ko kung gaano ako na miss ng mga fans ko. How they send me well wishes dahil ang alam nila ay simpleng aksidente lang at kailangan lang ng pahinga. Hndi ko naman ang mararamdaman ko sa mga kasunod na nabasa ko. Gaano ba katagal mawawala si Axl at si Vince ang pinalit nila sa movie na dapat para sa Gwexl? yan ang isa sa tweet na nabasa ko at kasunod nito ang mga pictures ng pictorial nina Vince at Gwen. Ngayon ko lang narealized how Gwen's look can deceived anyone. May iilang link din na naglabasan as I go on with my search, isang video ito ng interview ni Dad. I wonder paano nya nalusutan ang pagtakas ko sa kanya. "He's doing great, kailangan lang nya talagang magpagaling. The management allowed him so for now, rest muna si Axl." the way my father talk, the way he smile, yung bawat tingin nya sa camera during the interview, parang pinipiga ang dibdib ko. I can't see any sense of care sa pagsasalita nya. And there I realized, maayos ang buhay nila kahit wala ako sa kanila, sa pagtakas ko palayo sa kanila, mas napatunayan ko lang how useless I am, dahil kaya nilang mas mabuhay ng wala ako. Sa sama ng loob ko, naibato ko ang cellphone ko sa pader. HIndi ko na naisip kung nabasag ba ito or what. I don't need a cellphone anyway. Pero kahit na natapon ko na ito, hindi parin mawala ang bigat sa dibdib ko kaya pati mga gamit sa table ay tinapon ko. I wanted to hurt my self, baka sakaling mabawasan ang sakit. There's no point of living. Nandidilim ang mata ko sa naiisip ko. Yung pakiramdam na  sigurado ka na sa mga naiisip mo? Na parang sasabog ang puso kapag di mo napagbigyan ang naisip na. Na parang yun nalang ang natatanging daan para makalaya ka sa sakit na nararamdaman mo. I firmly closed my eyes, kasabay nun ang isang katok mula sa pinto. "Okay ka lang ba?" natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun. She's a stranger pero tumatak na sa isip ko ang tono ng boses nya. "Papasok na ako," naramdaman ko ang pagpihit ng pinto, pero bago tuluyang mabuksan yun tumalikod na ako sa pinto. Ramdam ko parin ang bilis ng t***k ng puso ko sa mga nagawa ko kanina lang. Unti-unti akong natauhan, I almost killed myself. "Anong nangyari?" tanong sa akin nito. "Anong ginagawa mo dito?" sagot ko. "Kanina pa ako tumatawag sa labas pero hindi mo ako naririnig, since bukas ang gate pumasok ako then I heard something, so I'm here." paliwanag nya. The tone of her voice is so peaceful, parang hindi manlang sya naapektuhan ng sitwasyon kung saan nya ako nadatnan "Okay ka lang ba?" tanong nya. "Anong kailangan mo?" yan ang sagot ko. Unti-unti man akong natauhan pero hindi parin mawala sa isip ko ang katotohanan na that no one wants to be with me, the fact that they have a normal life at andito ako living like a real beast. "Ah... ibebenta ko kasi yung lupa ko sa iyo." sa tono ng boses nya alam ko na kinakabahan sya. "Kailangan ko kasi talaga ng pera, and about sa offer mo, I--" ako na ang nagsalita, di ko na sya pinatapos. "Diba sabi ko it's not what I mean?" sagot ko. "So, ano bang ibig mong sabihin?" "Kelan mo kailangan ang pera?" tanong ko instead of answering her question. "ahm, I only have five months para--" hindi ko nanaman sya pinatapos. "Three months, just give me three months. Samahan mo lang ako sa bahay na 'to." this is the first time na kulang nalang magmakaawa na ako. This is not about pork nilaga or what; I just have to prove myself kahit three months lang, hindi ako mag-isa. Inaabangan ko ang sagot nya pero wala, kahit sino naman siguro hindi papayag. Sino ba ako? And this girl looks decent. Natigilan ako nang bigla syang nagsalita, "I wanted to see your face..." "No, you can't." alam ko pag nakita nya ang mukha ko hindi sya papayag. Baka nga tumakbo pa sya palayo. "Ipagluluto mo lang ako sa loob ng three months, you can't see my face at hindi rin ako lalapit sa iyo. You have nothing to worry, you're safe with me." Hindi sya sumasagot. I fought the urge to turn around just to see her face. I wanted to see her expressions, I wanted to see her eyes. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. "Ayaw mo ba?" "Siguro isama mo na sa job description ko ang paglilinis ng bahay? Boring kung magluluto lang ako sa loob ng three months lalo na at nakita ko what this house really needs." saglit akong natigilan sa sinabi nito pero sa huli nakuha ko rin ang ibig sabihin nya. --------------- "Yes when I surveyed all that my hands had done and what I had toiled to achieve, everything was meaningless, a chasing after the wind; nothing was gained under the sun." Ecclesiastes 2:11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD