Chapter 7: Thirst Of Love

1556 Words
THIRST OF LOVE "So are you saying na tuwing mag-uusap tayo, nakatalikod ka sa akin?" yan ang tanong nya dahil simula kanina nakatalikod lang ako sa kanya. Hindi rin ako sanay, nahihirapan din ako. Pero mas ayaw kong humarap. "Oo, may problema ba?" "Meron, just a little problem lang naman." sagot nito. She's so casual, ang gaan nya kausap io mas nasanay lang ako na maraming na-iintimidate sa akin kapag kausap ko. "It's not normal na naguusap ang dalawang tao ng nakatalikod ang isa, I hope you know that." Of course I know that! Gusto kong sabihin ito sa kanya. "Hindi mo pwedeng makita ang mukha ko?" "Why?"tanong nya. Hindi ko na alam ang isasagot sa kanya, a part of me naiinis na sa kanya. Sa masyado nyang pagiging casual, masyado din syang matanong. "Okay fine! you don't want me to see your face. Fine." sagot nya. "Pero pwede ko naman siguro malaman ang pangalan mo diba?" "Call me A--" natigilan ako ng maalala ko ang pangalang Axl. HIndi ko dapat ito gamitin, "..ahm, call me Zander." "Nice name..." nobody called me Zander. Before I became Axl Ledesma, mas tinatawag akong Alex. "By the way, just in case you want to know my name, I'm Yna." "Yna? Who's Elena?" tanong ko. Naalala ko kasi Elena ang nakalagay sa title ng lupa na binibenta. "Yna, short for Elena" simpleng sagot nya, "ikaw? is Zander came from Alexander?" hindi ako agad nakasagot sa tanong nya. "No, just Zander." "Okay!" she sound bubbly. Parang napakarelax nyang tao. Sa tono ng boses nya parang wala syang problema. "So should I adressed you Sir Zander? Young master Zander? Boss, or--" "Zander, just Zander." "Okay," She pause for awhile and I heard her sighed. "Hindi ka talaga nahihirapan na nakatalikod ka? Ako kasi medyo.. medyo lang naman." hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya. Kung nahihirapan sya, nahihirapan din ako pero umiling ako. "Since very efficient ako sa trabaho, maglilinis muna ako ng bahay then around 5pm, maghahanda na ako ng dinner natin." paliwanag nya. "No," sagot ko. "yung mga gamit mo, kung may dala ka, ilagay mo nalang sa kwarto mo. Unang kwarto na makikita mo paglabas mo sa office na ito. After that, umalis ka para mag grocery, walang laman yung fridge." "Hm, I see." sagot nya. "Mahirap ang sasakyan dito eh." "You can use my car, sana marunong ka mag drive." sagot ko. And I wished marunong nga sya talagang mag drive, dahil alam kong mahirap sumakay papunta at paalis dito. "Or pwedeng ding ipagdrive mo ako." sagot nya with a playful voice. This girl is really something. HIndi ako sumagot sa sinabi nya. "Pero don't worry, marunong ako mag drive. Nagsasuggest lang naman, baka makalusot." "Iiwan ko nalang yung susi at pera sa kitchen, pwede ka ng pumunta sa kwarto mo." "Okay." the moment she stepped out of that door, I know things will change. .. .. .. .. Tumingin ako sa orasan ko. It's already 6:30pm. Andito ako sa mini office ko. Malinis na sya. Kanina nung umalis si Yna para mag grocery, nilinis ko 'to. Nakaramdam kasi ako ng hiya. Nakaupo ako sa swivel chair, pero nakatalikod ito sa pinto. Para hindi nakakangawit makipagusap. Then I heard a knock on the door, "Ito na ang pork nilaga na request mo!" sa tono ng boses nya parang lagi syang masaya. Kanina nagtanong sya kung anong ulam ang gusto ko, at sinabi ko lahat ng gusto ko para bilhin na nya. Sobrang dami nga nyang pinamili eh. Kanina habang nilalabas nya ang mga pinamili sa compartment ng sasakyan, nilabanan ko ang kagustuhan na tulungan sya. Pero nakaya nya naman. "Marami na yang rice ha, kasi mukhang ngayon ka lang makakakain ng ganito, so ayan damihan mo ang pagkain." sabi nya. "Pero hindi talaga ako masarap magluto, sakto lang." napailing nalang ako. Talagang may sakto lang pa sya na naidagdag. "Kain ka na." pero alam ko andoon parin sya nakatayo. "Hindi ka pa ba lalabas?" "Lalabas na, akala ko kasi gusto mo ng kasabay kumain.and medyo malinis na ito ha" medyo talaga? Kakaiba talaga ang babaeng ito. "Anyway, sige alis na ako. Enjoy your meal." napalingon ako sa pinto na pinaglabasan nya. Persistent talaga sya sa gusto nyang makita ang mukha ko. I turned the swivel chair at doon nakahain ang matagal ko ng gustong tikman. Kanina palang habang niluluto nya ito naamoy ko na. Kumakanta pa sya habang nagluluto. Tinitingnan ko kasi sya mula sa malayo. Una kong tinikman ang sabaw ng pork nilaga, and it's amazing. Talagang sakto lang ang talent nya sa pagluluto. Napangiti ako na ang dami ngang kanin ang nakahain, siguro nakita nya sa kitchen ang nagkalat na delata at plastic ng noodles. Pero may bigla akong napansin, isang maliit na papel na nakaipit sa baso. Kinuha ko ito at binasa. Hinay-hinay lang sa pagkain. Enjoy. :) All my life, ngayon lang ako napangiti sa isang simpleng note na ibinigay sa akin. .. .. .. .. One week na kaming magkasama ni Yna sa loob ng bahay. Wala paring nagbago, nakatalikod parin ako kapag kausap ko sya, hindi parin kami sabay kumain, at makulit parin sya, nasanay na nga lang ako. Kung pagbabago sa bahay ang pag-uusapan, malaki ang pinagbago. Malinis na ito, yung kusina maayos na ang pagkakalagay ng gamit. Minsan pati kwarto ko nililinis na nya, magpapaalam lang sya sa akin kung nasa office ako. Sa loob ng isang linggo, nagiging habit ko na ang pagmasdan sya habang nagtatrabaho. Kung paano nya punasan ang sahig and the messy look she has kapag pinagpapawisan sya, it won't changed the fact that she's beautiful. "Stalker ka talaga no?" nagulat ako sa sinabi nya. Nagdidilig sya ngayon ng halaman sa labas. Sabi nya last week isa-save nya ito dahil malapit ng mamatay at mukhang nakabawi ang mga halaman. "Kung gusto mo tumulong pwede naman..." Nakaramdam ako ng hiya, nakatago na nga ako napapansin nya pa ako. "Tinitingnan ko lang kung ginagawa mo trabaho mo.." "Ganun ba? Mas maganda kilatisin ang trabaho ko kung lalapit ka. Mas makikita mo kung gaano ka pulido ang trabaho ko." she always do that. Hinahamon nya ako na lapitan at kausapin sya. "May gagawin pa ako," sagot ko. Ganito kami mag-usap, kung hindi ako nakatalikod sa kanya, nasa malayo ako. "HIndi ka ba napapagod sa kakaupo sa trono mo?" tinatawag nyang trono ang swivel chair ko sa loob ng mini office. "HIndi ka ba nabo-bored?" Kung boredom ang paguusapan, marami ako nyan. Hindi ako sanay sa ganitong buhay, hindi ako sanay sa ganitong lifestyle, sa bawat kilos ko lahat hindi ako sanay, hindi ako ito eh. Si Zander ito not Axl. "Nasa office lang ako." Madalas kong iwasan ang mahabang pag-uusap namin ni Yna. Alam ko kasi na madaldal syang tao, na parang kaya nyang magsalita buong maghapon. Pero isang bagay ang napapansin ko sa kanya, yun ay ang kasipagan nya. Para syang hindi napapagod. On her first day, sabi nya very efficient sya sa trabaho, at nakikita ko yun. Parang nakaprogram lahat ang mga susunod nyang gagawin. Sa pagluluto, wala rin akong masabi sa kanya, masarap talaga syang magluto. Sakto lang. Minsan gusto kong tanungin kung ano ba talaga ang trabaho nya, hindi kaya katulong sya dati? Pero tuwing maaalala ko ang worth five million na lupa na binibenta nya, I'm sure hindi ito katulong. Lalo na kung minsan, sa pananalita nya makikita mo na may pinag-aralan sya. Napaka mysteryoso naman ng babaeng ito. .. .. .. .. Habang mag-isa ako sa office, nakatingin lang ako sa langit mula sa glass window ng office ko. Nakaupo parin ako sa trono ko habang nakatalikod ito sa pinto. DIto lang ako halos nakakakita ng liwanag, alam ko kasi walang makakakita sa akin dito. Si Yna, naglilinis nanaman. May plano din syang magtanim ng mga gulay para daw kapag umalis sya may maiiwan sa aking mga pagkain. Noong sinabi nya yung salitang aalis parang nakaramdam ako ng lungkot, pero yun naman talaga ang totoo eh. Mag-isa lang ako sa mundong ito. Halos mag-iisang buwan na kami ni Yna na magkasama, same old same parin ang ginagawa namin. Andyan lang sya sa tabi pero parang ang layo parin namin sa isa't isa. Pero mas mabuti na yun, kasi darating din naman ang panahon na aalis sya. At kung mangyayari yun, atleast mas hindi ko mararamdaman na iniwan ako ulit. Lumabas ako ng office, pero bago tuluyang lumabas. Tiningnan ko muna kong nasa tabi-tabi si Yna. Negative. Kaya lumabas na ako papunta sa kwarto ko. Yun lang naman ang iba ko pang pupuntahan dito eh. "Gumagawa na nga ako ng paraan, please. Don't worry, malalampasan din natin ito." hindi pa ako nakakalayo sa pinto ng office ko, nakarinig ko iyon. Napahinto ako dahil alam kong si Yna yun. Sino pa ba? Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba tao, pero nakita ko nalang ang sarili ko na lumalapit pa sa pinto ng kwarto ni Yna. "Don't worry, mabait naman 'tong tinitirahan ko dito at pag uwi ko,... please ingatan mo ang sarili mo." Sa pagsasalita ni Yna, ramdam mo ang pagmamahal sa kausap nya. Bakit parang nakaramdam ako ng inggit sa taong yun? Gusto ko rin kasing maranasan yung tunay na pagmamahal na ni minsan hindi ko pa naranasan.   ---------------- "Every good and perfect give is from above." James 1:17
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD