Chapter Twenty Four Hindi ko na alam kung papaano matatanggal ang malaking pagkakangiti ko na halos ikapunit na ng aking bibig. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking kanang kamay dahil iniiwasan kong may kumawalang halakhak doon dahil sa aking nadatnan sa kusina ng aming bahay. Nagkalat ang harina, itlog, asukal sa sahig at kitchen counter. Bukas ang mga drawer nakatumba ang mga upuan. Gulo gulo ang mga groceries na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid ng water dispenser. Bukas ang refrigerator.. ang mga kutsara at tinidor nakakalat sa paligid. Yung mga mixing bowls nakatihaya sa lapag.. yung mga pancake mix bukas lahat at kasalukuyang isinasaboy ng mga makukulit na bata na nasa ibabaw ng malaking lamesa sa pinakang gitna ng kusina.. in other words dinaanan ng bagyo.. dahil lahat ng

