Chapter Twenty Five " Who started it? " para akong teacher na isa isa silang tinitingnan habang nakaupo sila sa aking harapan and mind you nasa loob kami ng napakalaking banyo ng aming kwartong mag asawa habang parang mababait na bata na nakatingin sila sa aking apat.. yeah apat sila that includes my husband whose smiling widely at me na para bang may nakakatuwa sa mga pangyayari kanina. Sinesermunan ko na sila pero parang ang saya saya pa niya. Katabi niya si Kristian, na sinundan ni Khloe at huling huli si Toffee. Binigyan ko ng nakakamatay na tingin si Toff pero tila hindi niya alintana ang galit ko. Para siyang batang pinagmamasdan ang aking mga anak habang nagsesermon ako na alam niya sa sarili niyang damay siya. Diyos ko ha!! Bakit pakiramdam ko imbis na magkaroon ako ng asawa e

