You're Still There Chapter 42 Gulong g**o ang isip ni Cham kung saan makikita si Chamiya na kanina pa nila hinahanap. Hindi na rin mapakali si Rain nag-aalala ito sa itsura ni Cham ngayon. "Mamaaaaaa" napalingon silang lahat ng marinig ang boses ni Chamiya. Nakangiti itong tumatakbo papunta sa kanya, may hawak na medium-sized na pink teddy bear. "Chamiya!" Umiiyak pa rin, tumakbo si Cham para salubungin ang kanyang anak. Agad namang binuhat ni Cham ang anak at pinupog ng halik sa buong mukha nito "Bakit ka umiiyak mama?" "Kanina ka pa namin hinahanap, saan ka ba nanggaling?" Lalong umiyak si Cham, naghalo-halo ang emosyon sobrang natakot siya kanina. “Lumabas ako tapos nakita ko si Tito, family friend daw natin siya." "Diba sabi ko wag kang sumama sa stranger? Akala namin nawawal

