bc

Ikaw Pa Rin (He Robbed My Heart Book 2)

book_age12+
632
FOLLOW
5.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

Masaya na sila dapat! Pero bakit ngayon he don't even know her? Even just one thing about her. Daig niya pa ang pinaglaruan ng tadhana for the nth time.

© He Robbed My Heart Book 2 ™️ Shairaluane

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Sir, Sir please naman po pakibilisan naman po ang takbo natin. Parang awa niyo naman masama ang tama niya.” Paulit-ulit kong sigaw sa bangkero, para na akong sirang plaka dito kanina pa ako salita ng salita. Natatakot ako dahil ang tama ng bala ni Ellsworth ay sa kaliwang dibdib niya, ang hina na ng hinga niya kahit ang pulso niya ay hindi ko na masyado maramdaman. “Ellsworth naman eh sabi mo diba hindi pa tayo tapos sa pagmamahalan natin? Tanda ko pa yun ng sinabi mo, pero bakit ayaw mong lumaban please wag mo kaming iwan. Lumaban ka please.” Kanina pa ako iyak ng iyak mas pipiliin ko pang sumama kay Brandon kung ikakawala naman ng tuluyan nito ang buhay ng pinakamamahal ko. Kanina ko pa hinihimas ang dalawang pisngi niya, I want him to feel that I will be here all along ang sakit- sakit na ng dibdib ko. Nilagay ko ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko, I want him to feel my heartbeat, the heartbeat that only belongs to him. “Mam andito na po tayo, halika muna po bahala na ang mga medics kay Sir.” Sabi ng isa sa mga pulis sa akin, inalalayan niya ako pababa sa Bangka agad naman na ipinasok sa ambulansiya si Ellsworth at sumunod na din ako. Kung ano-ano na aparato ang nilagay sa kanya. “Sir gawin niyo lahat para mabuhay siya please, parang-awa niyo na please. Hindi ko kayang mawala siya.” Pahina ng pahina ang boses ko, para na akong kandila na nauupos ni hindi ko pwede lapitan si Ellsworth dahil ang daming ginagawa dito. “Blood pressure 90/80, heart rate 45 per minute.” Sabi ng nurse sa kasama niya. “Anong ibig sabihan niyan kuya?” hysterical na sabat ko alam kong hindi na ito normal. “Mam, relax lang po malapit na tayo sa hospital. We will do all our best to rescue him.” Pagdating pa lang namin sa entrance ng emergency room ay nagkagulo na ang mga nurse on duty at ang doctor. Ang bilis ng takbo nila papunta sa operating room para tanggalin ang bala sa dibdib ni Ellsworth. “Sasama po ako please.” Pakiusap ko sa doctor na andito na kami sa pintuan ng operation room. “Sorry Mam restricted area po dito, we will inform you after the operation for now maghintay muna kayo doon. Pasensya na po.” sabi ng doktor sa akin. Nanlulumo ako na naglakad pabalik sa nurse station, hiningan nila ako ng statement at information about Ellsworth wala ako sa sarili na sumasagot sa kanila. Lumipas ang isang oras pero wala pa din ako balita about him. Naglakad-lakad ako wala pa rin ako sa sarili ko hanggang sa napadpad ako sa Chapel ng hospital. May naabutan akong isang ginang na taimtim na nagdadasal. “Panginoon alam kong madaming kasalanan sa akin ang aking asawa, pero alam ko pong lahat ito ay itinutuwid na niya ngayon bigyan niyo naman po siya ng isa pang pagkakataon, pagkakataon na maging masaya kaming pamilya” Narinig kong dasal ng ginang, hindi ko na naman maiwasan na humikbi at napalakas pa ito. Agad akong lumuhod at nakiusap sa kanya. Napalingon siya sa akin, marahil ay narinig niya ang malakas na iyak ko. “Ang sakit diba? Ang sakit isipin na baka mawalan ka ng mahal sa buhay mo?” usal sa akin ng ginang, magang-maga din ang mata niya. “Sobra po, sobrang sakit po. Marami pa kaming bagay na dapat pagsaluhan, marami pa kaming dapat itama. Ang sakit po. Totoo kulang pa ang salitang sakit para i-explain ang nararamdaman ko ngayon.” Napasapo ako sa mukha ko ang hirap ang bigat sa dibdib hindi ko talaga kakayanin. Pinahid ko ang mga luha ko at tinignan ng tuwid ang imahe ng rebulto ni Hesus. “Lord, parang awa niyo na po wag niyo po muna kuhain si Ellsworth kailangan pa namin siya ni Chelsea. Pinatawad ko na siya sa lahat ng ginawa niyang masama sa akin kaya wag naman po ngayon hindi pa kami handa.” Hindi ko alam kung ilang santo na ang tinawag ko at ilang beses ako humingi ng tawad sa kanya, sa bawat pikit ko ng aking mga mata tanging ang masayang mukha ni Ellsworth ang nakikita ko. “Cham” napabalikwas ako ng may biglang humawak sa balikat ko. “Nanay Mitring?” agad akong tumayo kahit nangingimay pa ang mga tuhod ko at niyakap siya. “Si Ellsworth Nanay, hindi ko kaya.” Tanging nasabi ko sa kanya, hinangod niya ang likod ko at sabay na kaming napaiyak. “Halika na Cham tinatawag na tayo ng Doctor.” Yaya sa akin ni Nanay. Masaya ako pakiramdam ko ay maganda ang balita sa akin ng Doctor, alam kong hindi nila ako bibiguin. “Ms. Hontiveros.” Bungad sa akin ng Doctor, pinahid ko ang mga natirang luha sa mga pisngi ko ang binigyan siya ng maliit na ngiti. “Saan na po ang room ni Ellsworth? Okay na po ba siya?” nagulat ako ng hinawakan ako ni Nanay Mitring ng sobrang higpit sa kamay ko. “I’m sorry” usal ng doctor. Pero hindi ko na siya pinatapos. “Doc naman eh, asan na po ba siya gusto ko na siya makita.” Parang gusto ko magwala, dahil napayuko ang doctor at napailing. “I’m sorry but we did our best to revive him, pero masama ang tama niya. Dumaplis ito sa puso niya.” Automatikong nawalan ng lakas ang tuhod ko. “Hindeeeeeeeeeee” paulit-ulit na sigaw ko. “Hindi totoo yan” All of my memories with Ellsworth flashback. From the very first time we met until the last time we made love. “Nanay Mitring please wake me up.” I beg her. “Please Nanay this is just a bad dream. Hindi ako pwede iwanan ni Ellsworth.” Hindi na ako makahinga, ang sakip na ng dibdib ko. I just want to wake up from this nightmare. Ellsworth won’t leave us I’m sure of that.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook