Chapter 44 Tila ba tumigil ng saglit ang mundo ni Cham nang makita niya ang taong nasa harapan niya ngayon. Mas lalong nawala siya sa sarili ng lumapit ito at dumampi ang pinsgi nito sa kanyang pisngi. Lalo na nang may sabihin ito sa kanyang tenga. Wala sa sariling napaurong siya ng bahagya. "Nice to meet you Mister, my name is Cham." Agad niyang nasabi. Isang malaking ngiti ang nakita niya mula sa kaharap. "Hello Miss Cham, I'm Torrance the owner of T.M publishing and advertising." Nilahad nito ang kamay para makipagkamay sa kanya. Dinaluhan naman niya ito pero saglit lang ay tinanggal na din niya ang kamay niya dahil hindi na niya alam if makakalakad pa siya if tumagal pa ng ilang segundo na magkalapat ang mga kamay nila. "Welcome to Hacienda Sepulveda. Tara, alis na tayo hab

