Marian Hindi ako makapaniwala sa ibinunyag ni Paolo sa akin. Hanggang ngayon ay para akong nangingilabot sa mga pangyayari. Dininig nga ba ng Diyos ang panalangin kong si Jordan na lang sana ang ama ng batang dinadala ko. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay malalaman kong sya naman pala talaga ang ama ng aking anak. Sobra naman magbiro ang destiny? Nilinlang pala kami ni Paolo dahil sa galit at inggit nya sa amin. Ginamit nya ang pagkakataong lasing na lasing kami pare pareho at mga wala nang alam sa mga nangyayari sa aming paligid upang maisakatuparan nya ang lahat ng ito. Pero alam ko pa ang ginagawa ko nung gabing iyon. Alam na alam ko talagang si Jordan ang kasama ko nung mga panahong iyon, kaya ko nga naibigay ng ganun kadali ang sarili ko dahil alam kong si Jordan iyon. K

