Marian Lumipas ang ilang taon ay kusa na akong lumayo kay Jordan. Nasaktan ako masyado sa huling mga sinabi nya sa akin. Nakatatak ang mga iyon dito sa puso ko. Walang katumbas na sakit ang paulit ulit na pagtataboy nya sa akin. "Wala ka ng maaasahan sa akin. Mas malabo pa sa tubig kanal na mahalin kita. Hindi tayo pwede. Huwag ka nang umasa pa.. please." Sobrang dinurog nito ang damdamin ko. Kaya simula noon ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang boyfriend kong si Chito. Gaya nga ng sabi ni Jordan sa akin noon, na si Chito ang dapat na bigyan ko ng pansin, kaya sinunod ko na lang sya. Naging mas malapit ako kay Chito nitong mga nakalipas na taon. Ngunit may isang bagay ang lagi naming pinatatalunan. Mahal nya ako. Pero mayroon syang gustong patunayan ko na hindi ko naman kayan

