Marian Hindi pa rin ako pinapansin ni Jordan simula nang malaman nyang buntis ako. Sabi ko nga sa sarili ko ay tatanggapin ko ang lahat ng iyon dahil ito na ang karma ko. Gusto ko na nga ring magresign sa Citel dahil hindi ko na maitatago pa ang lumalaki kong tiyan. Pero paano naman? Ako lang ang inaasahan ni Nanay. Kapag nagresign ako ay wala kaming pagkukunan ng pera. Hindi rin ako makakahanap agad ng trabaho dahil buntis ako. Tapos ay iisipin ko pa ang tungkol sa panganganak ko. Sobrang hirap ng sitwasyon ko. Talagang haharapin ko na lang ang matinding kahihiyan na nabuntis ako ng kung sino. Tatanggapin ko na lang ang lahat ng mga paratang ng mga tao sa paligid ko. Habang nakaharap ako sa monitor ng aking computer ay nagulat na lamang ako sa lalaking tumapik sa aking balikat.

