Jordan "Anong ginawa mo kay Marian? Nasaan sya? Anong nangyari? Hayop ka! I-Ilabas mo ang kaibigan ko!" Sigaw ko sa kanya Napatayo na din ako sa aking kinauupuan dahil sa sobrang kabog ng dibdib ko. Pero nagsalubong lang ang kilay nya sa akin. "What?! Wait! Could you speak in English? Or else, I will give you an initial warning for speaking in Tagalog!" Bulyaw nya sa akin Lahat ng mga ka team members namin ay napukaw ang atensyon dahil sa pagkakasigaw ko. Dahil sa naramdaman kong kaba ay nakalimutan ko nang magsalita ng Ingles. Dapat ay Ingles ang salita namin kapag nariyan si TL lalo na kung nandito kami sa room na ito. Pero nawala sa isip ko! s**t! Agad kong hinatak si Chito palabas ng room na iyon. Alam kong nakamasid sa amin ang iba pa naming mga ka Team pero wala akong

