Jordan Nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko sa Citel. Araw araw ay tinitiis ko ang sakit sa tuwing makikita ko ang panliligaw ni Chito kay Marian. And I witnessed how romantic Chito is. Ngayon ko lang nasaksihan na ganito kabongga kung manligaw o magpakita ng kanyang damdamin si Chito. Flowers, chocolates and teddy bears? Gasgas na kung tutuusin pero pinapaespesyal nito ang lahat dahil sa isang nakalakip na sulat or isang tula sa mga ito. Yes poem! Tula o isang makatang salaysay! Napakabaduy di ba! At hindi ko maisip na magagawa ito ni Chito. Hindi ganito ang pagkakakilala ko sa kanya. Ang isang playboy na gaya nya ay isa ring makata? Ang weird! Pero para sa isang babae ay napakaromantiko pa rin ng ganitong bagay. Lalo na kung alam ng lahat na ang lalaking nagbigay nito ay hindi na

