Jordan Ngayon ay araw ng martes at ito ang nakatakdang sandali sa planong pagdukot kay Charmaine dela Torre. Five a.m natatapos ang shift ko at kinakailangan kong dumiretso sa meeting place namin dahil kabilang ako sa mga miyembro na dudukot kay Charmaine. Kailangan kong maghanda. Kahit wala pa akong tulog ay buo ang loob kong mapasakamay namin sya. Magkasabay kaming naglalakad nila Paolo, Chito at Marian palabas ng building ng Citel. "Hoy Chito! Ingatan mo ang bestfriend ko! Iuwe mo sya ng buo kundi gigilingin ko yang apdo mo!" Pagbabanta ko kay Chito na nakabakod kay Marian. Nakita ko na lang na inakbayan ni Chito si Marian. Parang tinusok tusok ng ice pick yung puso ko habang nakatingin ako sa kanila. s**t! Hindi pa rin talaga ako sanay na may ibang humahawak sa bestfriend ko!

