Unfortunate Event

1282 Words
Napabalik sa kasalukuyang isip si Faith nang marinig ang bosena ng sasakyang paparating. Nag-aabang siya ngayon ng jeep patungong hospital. Nabasa ni Faith ang sign board ng jeep at ito nga ay dadaan sa City Hospital kung saan daw dinala ang lola niya. Pumara siya. Huminto naman ang jeep sa tapat niya at dali-dali nang sumakay si Faith doon. "Manong, sa City Hospital po ako" sabay abot niya sa pamasahi. Mangilan-ngilan lang silang sakay sa jeep noon, tapos na kasi ang rush hour, mag aalas 10 na ng umaga. Habang binabaktas nila ang kahabaan ng kalsada patungo sa kanilang paruro-unan. Hindi mawala-wala ang kaba at pag aalaa niya sa kanyang lola Maria. At muli pay nag lakbay na naman ang isipan ng dalaga. Maliit na bata pa lamang siya ay naulila na siya sa mga magulang, parehong namatay ang mga ito sa disgrasya sa Bus, isang malaking himala nga daw na siya ay nakaligtas ayon sa mga tao. At simula nga noon ay ang kanyang lola Maria na ang nag palaki at nag aruga sa kanya. May maliit na pwesto naman ang lola niya sa palengke at doon sila kumukuha ng panggastos sa pang araw-araw. Parang doon na rin siya lumaki sa palengke sa kadahilanang bitbit siya ng kanyang lola araw-araw upang mag hanap buhay. Nang magdalaga na siya ay siya na nga ang pumalit sa lola niya na mag tinda. Naaawa na rin kasi siya dito at umiinda na ng sakit sa katawan. Nakatapos naman din siya ng Highschool at vocational course sa Tesda. Ngunit mas minabuti na lamang niyang ipagpatuloy ang maliit na tindahan ng kanyang lola, marami din naman silang suki dito. At ngayong umaga nga, isang masamang balita ang inihatid sa kanya. Habang nag re-repack siya ng asukal at asin sa tindahan , nagulat siya ng biglang dumating si Fatima humahangos pa ito habang nag babalita. "Ate Faith! si Lola Maria isinugod sa hospital po, bigla daw natumba sa labas ng bahay niyo!" anas ng batang isa sa mga madali niyang matawag kung mayroon siyang ipagpapakiusap. "Ano?! saan daw dinala si Lola?" tanong niya na natataranta na rin. "Sa City Hospital daw po Ate!" "Pupuntahan ko si Lola, maaari bang ikaw na ang mag sara ng tindahan Fatima? itago mo ang susi ha?" "Sige po ate!" Dali-dali na niyang kinuha ang perang kinita niya kahapon at ngayong umaga. "Ikaw ng bahala dito ha!" "Ingat ka po ate!", pahabol pa na sigaw ng bata. Nabalik sa kasalukuyan si Faith. Malapit na ang sinasakyang Jeep sa hospital. Nang makarating sa hospital ay agad siyang nagtanong sa Information desk. "Miss, meron po bang isinugod dito ngayon - ngayon lang Matandang babae, ang pangalan po ay Maria Torres?" Bumaling naman sa kanya ang Nurse. "Tingnan ko po Maam, sandali lang ho" at nag tipa ito sa computer. "Opo maam, kasalukuyang nasa ER pa po ang pasyente. Maaari ka pong mag.antay sa ER waiting area po. Diretso ka lang sa pasilyo na iyan at tsaka kumaliwa ka sa dulo" itinuro pa ng nurse ang daan. "Maraming salamat po" Lalo yatang sumidhi ang kaba at pag aalala ni Faith para sa Lola niya. Hindi niya alam ano ang gagawin kung sakali mang pumanaw ito, hindi pa siya handa. 75 taong gulang na ang lola niya, malusog naman ito ngunit kamakailan lang ay madali na itong mahapo at umiinda ng sakit ng katawan. Sinisisi rin niya ang sarili dahil kapag inaanyaya niya ang lola na magpatingin na sa doctor, agad itong hihindi, siya naman na palaging abala sa tindahan ay hindi na kinukulit ang matanda, aktibo kasi ang lola niya sa mga gawaing bahay kaya di talaga aakalain na may malubhang karamdaman na pala ito. Nandoon nga ang lola niya sa ER ngunit hindi siya pweding pumasok doon kaya mataman na lamang siyang nag aantay sa labas, habang nag darasal na sana ay ligtas ang kanyang pinakamamahal na lola. Hindi nag tagal ay lumabas na ang isang doctor mula sa ER. "Doc, kumusta po ang lola ko?" salubong na tanong agad ni Faith sa doctor. "Stable na ang kondisyon ng lola mo sa ngayon iha, ngunit kailangan siya ng agarang operasyon, ang lola mo ay mayroong tinatawag na Thoracic aortic aneurysm o paglubo ng malaking ugat sa dibdib patungo sa puso, na kung hindi natin maagapan ng maaga ay maaaring ikamatay niya ito." anas ng doctor. Biglang parang nanghina yata si Faith sa narinig mula sa doctor. "Sige po doc, pumapayag akong maoperahan si lola sa madaling panahon, gagawin ko ang lahat para makalikom ng pera para sa operasyon" Tumango ang doctor sa dalaga. "Sige iha, ischedule natin ang lola mo para sa operasyon niya bukas. Maari mo na pala siyang makita mamaya-maya ililipat na siya sa ward". wika pa ng doctor. Tumango si Faith sa doctor at nagpasalamat muli. Umalis na din ang doctor pagkatapos mag bigay ng iilang paalala kay Faith para sa lola niya. Bumalik si Faith sa upo-an na parang wala sa sarili. Meron naman siyang naitabi na perang kinita nila sa tindahan. Bahala na basta ang importante ay mailigtas ang lola Maria niya. Maya-maya pa ay naroon na nga sa ward ang lola niya kaya pumaroon na rin si Faith. Tulog pa ang lola niya ng makita niya ito. Umupo si Faith sa gilid ng kama at kinuha ang isang kamay ng matanda na walang nakasabit na hiringgilya. Pinisil-pisil niya ito. Awang-awa siya sa lola niya , labis-labis siguro ang sakit na naramdaman nito kanina hanggang nahimatay nga sa tindi ng sakit. Napakabait ng Lola Maria niya, kahit kapos sila ay lagi itong may handa tuwing birthday niya, pasko at Bagong taon. Sinisiguro din nitong masagana at masarap ang ulam niya kahit ang lola niya ay hindi na kumain, lagi siyang inuuna nito. Sa eskwela din niya noon, pinilit pa siyang mag kolehiyo nito pero siya na ang umayaw kasi nga ay matanda na ang lola niya, at alam niyang napakamahal ng bayarin sa kolehiyo kahit pa sabihing may scholarship siyang pweding kunin pero mas minabuti niya talagang siya na ang magtrabaho upang makapahinga na ang lola niya. Sa wakas ay napapayag din niya ito subalit napilit din siyang kumuha ng vocational course sa Tesda, Bartending ang nagustuhan niyang kunin, pero hindi rin naman niya nagamit iyon . Maya-maya ay nagising ang lola niya. "Lola... may masakit po ba sa inyo?" tanong kaagad niya sa matanda. Umiling ang matanda. "Mabuti na ang pakiramdam ko apo, tayo nang umuwi baka mahal ang bayad natin dito" wika ng matanda at akma nang babangon sa pagkakahiga. Pinigilan ni Faith ang lola sa pag kilos. "Lola, hindi ka pa po magaling, tsaka na tayo uuwi kapag magaling na magaling na kayo!" Nakinig naman ang matanda at muling nahiga sa kama. Mahina pa ito, at ramdam ni Faith na pagod ang katawan ng matanda. Inayos naman ni Faith ang kumot nito, at hinalikan sa noo. "Pasensiya kana apo kung hindi na malakas ang lola mo at hito pa ay gagastos tayo dito sa hospital" "Naku lola! mas malakas ka pa nga sa kalabaw eh, imagine sa edad mong yan, napataob mo iyong tsismosang katapat natin na tindahan!" wika ni Faith na biglang napatawa niya ang lola. "Naku iha! Basta ikaw na ang gawan nila ng masama ay naku hindi ko talaga sila tatantanan” “Kaya nga mag pagaling ka Lola, Baka kantsawan nila ako na ang super hero ko ay mahina?” Natawa ulit si Lola Maria. Magaling talaga pagpatawa itong apo niya. Magaan ang loob niya talaga sa batang ito, kahit pa sa totoo ay hindi niya talaga kadugo ang bata. “Siya sige! Akoy magpagaling upang may lakas akong labanan kung sino mang aaway sa iyo!” At nagtawanan na lamang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD