Cedric Sebastian’s Memory

1025 Words
Nakatulog muli ang Lola Maria niya pagkatapos uminom ng gamot. Pinagmasdan ni Faith ang nahihimbing na ngayon na nag-iisang taong nagmahal sa kanya ng walang hinihinging kapalit. Mapayapa ang mukha ng lola Maria niya, ibig sabihin ay wala itong sakit na nararamdaman sa ngayon. Inayos na lamang ni Faith ang kumot ng lola niya. Nasa ward lamang sila kaya maraming tao sa paligid at midyo maingay. Ma swerti pa ngang maituring na solo ni Lola ang kama, dahil ang iba ay dalawahan sa kama, lalo na kapag marami ang pasyenti at kunti lang ang bakanting higaan sa hospital. Ganito ang realidad ng mga taong kapos palad na nasa hospital. Naalala niya ang paparating na operasyon ng lola niya. Agad niyang binuksan ang bank app niya at sinipat kung magkano ang ipon niya. Nasa 100k lamang iyon. At ang sabi ng doctor ay baka umabot pa hanggang sa 200k ang bayad ng operasyon dahil itoy komplikado. Pero maaari naman daw siyang dumulog sa mga government offices para manghingi ng tulong . Napabuntong hininga na lamang si Faith. Naalala niya sa ganitong sitwasyon ang kanyang ex boyfriend. Kung nandito lamang ito ngayon ay may karamay sana siya sa hirap at problema. She open her messenger app at nag tipa ng mensahi. “Hi Ced! kumusta ka mahal? sana ay nasa mabuti kang kalagayan kung nasaan ka man ngayon”. “Alam mo bang miss na miss na kita?” “Sana’y narito ka ngayon sa piling ko, mahal”. “Alam mo ba? nasa hospital si lola ngayon at ooperahan sa puso. Napakahirap na pagsubok ang ibinigay sa akin ngayon, pero pipilitin kong malampasan ito. Please gabayan mo rin ako mahal” “Magparamdam ka naman oh! kahit sa panaginip lang please..” Sunod-sunod na mensahi ang pinadala niya para sa yumaong boyfriend. Kahit alam niyang kailanman ay hindi na ito mababasa ng binata at kailanman ay hindi siya makakatanggap ng sagot mula dito pero ito ang naging paraan niya para manatiling matino. Napapikit si Faith habang inaalala ang mga sandaling kasama pa niya ang pinakamamahal na boyfriend. Ito ang naging pampalakas niya sa mga sandaling tulad nitong nahihirapan siya, ang memorya nila ni Ced. *** Naging magkaklasi sila ni Cedric Sebastian sa huling taon ng kanilang Senyor High School. Transfer student ang lalaki sa paaralan nila, kahit halos midterm na ay nakapasok pa rin ito sa paaralan nila. At dahil siya ang First Honor sa kanilang klasi ay sa kanya ina-sign na turuan at ipakopya sa lalaki ang mga nagdaang lessons nila. Na naging tulay para magkapalagayang loob at ma inlove sila sa isa’t isa. Guapo si Ced, mestiso at matangkad. Naging instant crush ng bayan pa nga sa school nila, pero ang binata ay sa kanya lamang tumitingin, matindi ang tama din sa kanya. Hanggang sila’y naging mag nobyo. Napaka sweet ni Ced sa kanya, alagang-alaga siya nito. Madalas nga ay tinutulungan siya nitong magtinda sa palengke. Kapag may problema siya o kaya’y may sakit ay ito kaagad ang sumbungan niya. Inaalagaan siya ng binata hanggang umayos ang pakiramdam niya. Kahit hindi ma-kwento si Ced tungkol sa pamilya nito, at kunti lamang ang alam ni Faith tungkol sa background ng binata ay buo ang tiwala niya sa nobyo at nirerespito niya ito. Sa loob ng isa at kalahating taon na magkasama sila ng nobyo ay akala ni Faith ay tuloy-tuloy lamang ang kanilang masasayang mga sandali. Napag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal kahit sa murang edad nila noon. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan ng umalis at pinapa-uwi na sa States si Ced ng kanyang ama. Noong una ay ayaw ng binata ngunit ng mabalitaang nadisgrasya ang ama ay hindi na nakatanggi ito. Sa pagkaka-alam ni Faith ay hiwalay ang magulang ng binata. May ibang pamilya na ang ina nito at nakabase sa Singapore samantalang ang ama nito ay Foreigner at nasa Amerika. Naalala ni Faith ang huling tagpo nila ni Ced. Inihatid pa niya ito sa airport noon. Labis-labis ang iyakan nila bago tuluyang umalis ang binata. Nangangako si Ced sa kanya noon na babalikan siya nito kahit anong mangyari. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nabalitaan na lamang ni Faith na na crash ang eroplanong sinakyan ng nobyo, at isa si Ced sa hindi nakaligtas doon. Bagama’t hindi nakita ang katawan ng binata pero pagkatapos ng ilang linggong search ang rescue hanggang naging search and retrieval operation ay idineklara ding missing at one of the casualties ang binata. Halos mabaliw si Faith sa balitang iyon, hindi niya matanggap na wala na si Ced na hindi na niya ito makikita pang muli kailanman, na hindi na niya ito makakausap man lamang. Kung hindi dahil sa lola niya ay baka nagpatiwarik na rin siya upang samahan ang namayapang nobyo. Kaya naging comfort niya ang mga naiwang mensahi ni Ced para sa kanya. Kaya sa ganitong mga pagkakataon na nahihirapan at nalulungkot siya ay nagpapadala siya ng mensahi sa binata. Wala siyang pakialam kung para na siyang baliw. Hanggat nariyan pa ang messenger account at f*******: account ng binata ay patuloy siyang mag memesage sa binata kahit wala ng reply, kahit hindi na ma-seen. Napabuntong hininga na lamang si Faith. Sadyang mapagbiro ang tadhana. Ang mga mahal niya sa buhay ay hindi nagtatagal sa kanya, ang mga magulang niya ay kinuha ng Panginoon ng bata pa siya, ni hindi na niya maalala ang mga mukha ng kanyang mga magulang. Pati ang lalaking minahal niya ng buong puso at buhay niya ay kinuha rin. Si Ced ang unang lalaking minahal niya at possibleng pang huli na rin. Hindi pa siya nakaka move-on kahit tatlong taon mahigit ng wala ang nobyo. Mahal na mahal pa rin niya ito at miss na miss na niya. At ngayon ang lola naman niya. Ang nag iisang kakampi , nag alaga at minahal siya ng buong puso kahit hindi sila magka dugo. Itinuring siyang anak nito at kadugo. Gayun pa man ay hindi niya kailanman sinisisi ang panginoon. Itinuring na lamang niyang mga pagsubok ito sa kanyang buhay na dapat niyang lampasan. She still believe na balang araw ay may kapalit ang lahat ng mga pagsubok na ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD