Kaarawan

873 Words
Lumipas pa ang mga araw at kaarawan na nga ni Ced. Kahit matagal ng wala ang binata ay taon-taon pa rin itong sine-celebrate ni Faith. Bibili lang naman siya ng paborito nitong cake iyon lang ang pinaka celebration niya. At ngayon nga ay maaga siyang nagsara ng printing shop niya upang mag bake ng cake! Hindi siya bibili this time kundi susubukan niyang mag bake. Nasa sasakyan na rin niya ang mga ingredients na gagamitin. Kumuha na siya kanina sa kanyang convenience store ng mga sangkap. Halos komplito na kasi ang mga mabibili doon sa tindahan niya, para na rin itong Maliit na Mall sa Nayon nila kasi nag expand pa sila at dinagdagan ng houseware and ready to wear items. Nagdagdag na rin siya ng mga tauhan doon. Kaya naging busy siya ng mga nakaraang mga araw. Hindi naman nag tagal ay nasa bahay na siya. Agad niyang inihanda ang mga sangkap sa kusina. Kahit may mga katulong na siya ngayon ay siya pa rin mismo ang naghanda ng ibi-bake niya. May YouTube video pa siyang sinundan pero alam na naman niya paano gawin iyon. At ilang minuto pa ay na komplito na niya Ang batter. At isinalang na niya ito sa oven pagkatapos. Habang nag-aantay maluto ay naglinis na muna siya ng katawan at nag bihis. Insakto ding naluto na ito pagkalabas niya ng silid. Hinango na niya sa oven ang nalutong red velvet cake at pinalamig muna. May ready made frosting siya kaya iyon na ang ilalagay niya sa ibabaw. Bumili din siya ng number candle 28. Pagkatapos niyang lagyan ng frosting ang cake at lagyan ng design gamit ang cake toppers at ang number candle ay sinindihan na niya ito at pinicturan. Ipinadala niya ang picture sa message app ni Ced with a caption of: 'Happy 28th Birthday My Love!' At nagpadala rin siya ng mensahi pagkatapos. 'Ako nalang ang mag bo-blow ng candle and mag wiwish para sa iyo, okay? Pero wala naman talaga akong maisip na iwish eh, sana lang talaga ay masaya kana kung nasaan ka man ngayon. Well.. to be honest! I am still wanting you to be here by my side. Kahit alam kong impossible na. Gusto ko lang sana ay narito ka sa mga panahong malungkot ako, sa mga araw na masaya ako, at sa mga oras na kailangan kita! Pero Ced, unti-unti naman ding natatanggap na ng puso kong wala ka na talaga. Baka balang araw ay papalayain na kita, love! Makaka move on din ako sa iyo! humanda ka! ' - biro pa niya sa chat. Binuksan din niya ang last picture nila ni Ced, kuha iyon sa airport bago ito sumakay sa eroplano. Who would have known that this will be their very last picture. Isa iyong selfie, namumugto pa ang mga mata nila sa kaiiyak, dahil ayaw niyang umalis ang binata. Maging si Ced ay ayaw din sanang umalis pero kinakailangan talaga. Kung buhay si Ced ano kaya ang magiging hitsura nito ngayon. The picture was taken 5 years ago. 23 lang noon si Ced at 22 siya. At biglang pumasok sa isipan niya si Mr Sebastian. Siguro ay mag-mature din ang hitsura ni Ced at maging kamukha ni... Umiling-iling si Faith para burahin ang naiisip. She is thinking two men all at the same time, ang dumi-dumi ng isip niya. 'Sorry Ced! I didn't intended to cheat! eh kasi kamukhang-kamukha mo eh! sino bang hindi maiinlove. Feeling ko nga ikaw siya eh!', message niya dito. Nasa message app pa rin siya hanggang ngayon. 'But Yes! I am working and doing my best to forget him, okay? para na rin maka move on nako sa iyo, sa inyo pareho!', huling mensahe niya dito bago isinara na ang app. Ang cake na niluto niya ay ibinigay rin niya sa mga kasamahan sa bahay. Kumuha lang siya ng isang hiwa. At na proud pa siya sa sarili dahil talagang masarap ang cake. Pagkatapos niya sa mga kadramahan niya sa buhay patungkol kay Ced ay nag-check siya ng mga emails at mga orders sa online. Meron na namang mga orders doon na inaccept na niya. Hanggang nakita niya ang isang email na nakaligtaan niya. It was from last week pa. Naku naku! bakit ba hindi niya ito nakita? At pagbukas niya ng email ay job offer ng isang cosmetics company. Nagulat si Faith. Kapareho sa panaginip niya noon. Pero last week pa ito, baka nakahanap na sila ng ibang printing company? Ni-replayan pa rin niya ang email. Pinaliwanag niyang ngayon lang niya nakita ang email nila at bukas siyang makipag usap sa kompanya kung open pa hanggang ngayon ang offer nito. Inexpect na niyang wala siyang sagot na makukuha kaagad dahil ay gabi na, pasado alas 7 na ng gabi. Pero ilang minuto lang ay may sagot na ang email niya. Wow! nag overtime siguro ang empleyadong na assign dito. At ang sabi ng email ay bukas pa rin ang offer at may tatawag na empleyado galing marketing team sa kanya bukas ng umaga. Natuwa naman si Faith sa nalaman. Napakalaking oportunidad talaga ito sa maliit na kompanya niya. 'At kung Mr Cruz ang pangalan ng taga Marketing Team na tatawag sa kanya bukas ay talagang ayawan na!', anas niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD