The Lost Heiress

955 Words
Kinabukasan ay nakatanggap nga siya ng tawag galing sa G&F Cosmetics. Pero hindi Mr Cruz ang tumawag na galing sa Marketing Team kundi Ms Bautista ang nasa linya ngayon. Pinag-usapan nila ang terms and condition ng collaboration at anu-ano ang magiging trabaho ng kompanya nila Faith. Sumang-ayon na siya dito. Malaking pera naman din ito at magiging permanent business partners sila kapag nagustuhan nito ang mga gawa nila. Sila na ang magsusupply ng lahat ng advertisement campaign materials nila, mula sa designs at printing. Pati ang mga label ng mismong products ay sa kanila na manggagaling, sila ang mag susupply. At tulad ng sa panaginip niya ay kailangan niyang lumuwas ng Maynila sa susunod na araw para sa formal na pag sign nila ng kontrata. Pero hindi sa Makati ang main office nito kundi nasa BGC, malapit sa condo ni Mr Sebastian. 'What is she thinking?', anas niya sa sarili. Pero hindi man niya aminin sa sarili pero ay excited siyang lumuwas, baka mag krus ang landas nila ng binata doon. Siya ay nahihibang na. Nang matapos ang tawag ay si-nearch niya ang G&F Cosmetics kung sinong may-ari. Aalamin na niya inadvance para hindi na siya magugulat kung bigla na lamang lilitaw si Greg Sebastian kung sakali kapag nandoon na siya. Mas mabuti na iyong ready siya. Francisca Lim ang Founder at ang current CEO ay Celistine Scott. "Ayun!", anas niya sa sarili. Ngayon sigurado na siyang hindi ma-iinvolve ang lalaki sa new venture niya. Nang gabing iyon ay naghanda na siyang lumuwas ng Maynila, mga ilang araw lang naman. Gusto rin niyang maglilibot doon at mamasyal. Gusto sana niyang isama ang lola pero tumanggi ito, hindi na nito gusto ang mahabang biyahi at trapiko. Bago pa siya matulog ay tumawag ulit ang phone pal niya. Excited rin niyang sinagot ito. Feeling niya ay meron siyang bestfriend sa ibang panig ng mundo. “Hi Chingu! musta ka?”, hyper niyang bati dito. “Wow! masaya yata ang aking Chingu ngayong araw ah!”, puna nito sa kanya. “Ahm.. marami lang sigurong mga magagandang bagay na nangyayari sa akin lately!”, anas niya dito. “That’s nice! By the way, may balita ako sa iyo!”, wika nito. “At ano naman iyon?”, tanong niya na na-curious tuloy kung ano ang balita. “Anong uunahin ko bad or good news?”, tanong pa nito bago ibulalas kung anong balita ito. “Naku! kinakabahan tuloy ako! Ahmm.. Sige! unahin mo na ang Bad para atleast mababawi ng Good later”, anas niya dito. “Okay! So ang Bad News ayy..”, panimula nito. Pigil naman ang hininga ni Faith habang nakikinig. “ay maraming Benjamin Cruz sa buong Pilipinas Pero ang Good News ayy.. One of the richest man in the Philippines is Ben Cruz which is owner of the largest mall chain in the Philippines, at baka siya nga ang Lolo mo!”, anas pa nito. Natawa naman si Faith dito. “At talagang hinanap mo si Benjamin Cruz huh? Well.. Maraming salamat naman sa effort mo pero okay na ako sa buhay ko, hindi ko na kailangan ng additional character sa storya ng buhay ko, okay?”, anas pa niya. “Okay? sa akin lang ay sayang kung ikaw pala ang the lost heiress ng mga Cruz, ‘Di ba ang gandang pamagat kung sakali sa isang Movie o Libro”, biro pa nito sa kanya. Natawa muli ang dalaga. “What a creative mind you have! pero isipin mo nga kung sakali mang may nawawala silang apo, eh ‘di kay dali dali lang nilang mahanap iyon kasi ang dami-dami nilang perang pang suhol para lamang makita ang nawawalang apo, ‘di ba?”, wika niya sa lalaki. “Well.. my point ka naman. Pero hindi din natin alam ang totoong nangyari. Dahil sa pagkakaalam ko’y may missing apo talaga sila. Baka wala lang talaga silang Lead kung saan hahanapin. ‘Di ba ang sabi mo ay namatay ang mga magulang mo sa bus accident, meaning untimely death. Kaya hindi nagka-usap ang mga magulang mo at ang mga magulang nito noon”, mahabang wika pa nito. Natahimik naman si Faith. “Teka! isa ka bang imbestigador? bakit ang husay mong mag analize sa mga ganitong bagay huh? Detective Conan ikaw ba iyan?”, biro na lamang niya dito, pero sa totoo lang ay may point ang lalaki. Na curious na tuloy siya sino talaga ang Benjamin Cruz. Pero may address na nakalagay doon sa Liham, that will be the solution then. Pero hindi na niya iyon sinabi sa kausap ang tungkol sa address. Natawa ang lalaki sa kabila. "Actually mahilig ako sa mystery cases. Kung magsusulat ako ng libro ay baka mala-sherlockholmes ang genre", sagot ng lalaki. "Ah, siguradong papatok ang libro mo kung sakali. Lalo na kung ang bida ay isang magandang lost heiress pala, at magkakatuluyan sila noong detective na magiging knight in shining armour niya, Oh diba?", pag sang-ayun niya dito. "Okay, sisimulan ko na ang pagsusulat", anas nito. "May share ako ha sa kikitain mo!", anas pa niya. Natawa ulit ang lalaki. "By the way, luluwas akong maynila bukas! Kita tayo?", anas niya sa lalaki! Hindi nakasagot ang lalaki sa kanya Natawa naman ang dalaga pero hindi inasahan ang sagot ng lalaki. "Sige ba!", maikling sagot nito sa kanya. "Pero may twist pa rin. Ang tawag dito ay 'blind-eye ball'. Magkikita tayo sa isang lugar yung madaming tao and then idi-describe mo lang ang iyong suot, at ganoon ka din sa akin! Ano Game!", hamon ng babae. "Sige! yun lang pala eh! ang easy!", tanggap nito sa hamon niya. Natawa na lamang si Faith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD