Surprisingly Meet the Founder

722 Words
Napangiti na lamang si Faith habang pinagmasdan ang papalayo ng lola. 'Nakalimutan ko pang itanong ang pangalan ni Lola', sa isipan niya. 'Hindi na bali', dagdag pa niya at naglakad ng pabalik ng Hotel, doon nalang siya kakain sa hotel. ______________________________ Pasado ala-una ng hapon ay nasa building na siya ng G&F Cosmetics. Agad na siyang nag tanong sa Reception kung saang floor ang Marketing Team. Pagkatapos ay sumakay na siya ng elevator patungong 10th floor. Pagdating doon ay nagtanong ulit siya sa isang babaeng naka-upo malapit sa pintuan. "Magandang Hapon po. I am Faith Torres and I have an appointment with Ms Bautista this 2pm?", anas niya sa babae na nag-angat naman ng paningin pagkarinig sa kanya. "Ah, Yes Ms Torres. This way po!", at nagpatiuna ng maglakad ang empleyado sa kanya. Dinala siya sa nito sa Conference Room. Naupo na muna siya pagdating doon pero maya-maya naman ay naroon na si Ms Bautista. Nagkamayan sila pagkatapos nagpakilala sa isa't isa. 'Would you like a drink Ms Torres?", tanong pa nito sa kanya. "No, hindi na! Katatapos ko lang din mag Lunch, anyway, thank you!", sagot niya dito. Ngumiti ang babae na nasa middle age na din. "By the way, hintayin na muna natin ang HR and I think mag jojoin then si Madam, I guess", anas nito. "Madam? you mean the CEO?", tanong pa niya. "Ah, currently ay wala ang CEO nasa ibang bansa, ang apo ni Madam ang nagpapatakbo sa ngayon ng kompanya, but he won't be here. Si Madam Francisca ang baka mag join kung narito pa siya", explain ng babae. "Oh? Okay", sagot na lamang niya dito. 'Ang founder pala. Naku! parang nakakanerbyos naman', sa isipan ni Faith. Parang hindi pa siya ready na humarap sa malalaki at bigating mga tao sa business world. Pero kakayanin niya kung sakaling dadalo nga ito. Hindi naman naglaon ay dumating na rin ang taga HR. At tulad noong una ay nagpakilala si Faith dito ganoon naman sa kanya ang HR employee. Nagsimula na sila sa discussion ng contrata nila pagkatapos. Nakahinga ng maluwag si Faith mukhang hindi na makakadalo ang may-ari ng Kompanya. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay my dumating. Ang Sekretary ng Founder. "Good afternoon everyone. Sorry kung na Late kami. Madam will join the meeting", anas nito. At napatuon ang paningin nila sa pintoan. Sa wakas ay iniluwa doon ang isang maganda pa ring matandang babae. Nasa kanan nito ang lalaking nakita ni Faith sa Mall kaninang umaga lang. Nagtaka si Faith. Bumalik ang tingin niya doon sa matandang babae. Naka make up ito at sopistikada sa mamahaling suot na damit, bumaba ang tingin niya sa paa nito. At ganoon nalang ang gulat niya ng makita ang suot nito. Kapareho ito sa nabili niyang doll shoes para sa nakilalang lola kanina. 'Si Lola ba ito?', sa isipan niya. "Magandang hapon! Pasensiya na at na Late ako, ipagpatuloy niyo nalang ang discussion niyo, makikinig lamang ako!", wika ng matanda pagkatapos maupo sa pinaka sentrong upo-an sa conference table. "Ah, Yes po madam! By the way. Siya po si Miss Faith Torres ang bagong business partner natin at ang magsusupply ng lahat ng Printing materials at bagong designer natin" , pagpapakilala ni Miss Bautista sa kanya. "Ikinagagalak ko pong makilala kayo, Madam!", nakangiting naglahad ng kamay si Faith sa matanda. "Oh?! Ikaw iyan Faith? My gracious goodness! Kay liit lang talaga ng mundo ano iha? Akalain ba namang magkikita tayong muli dito iha!", nagagalak na wika ng matanda na tinanggap ang kamay niya at mukhang ayaw ng bitawan. Nagtinginan na lamang ang ibang tao doon. "Siya nga po Madam! Hindi ko din akalain na makikita tayong muli dito!", sagot niya sa matanda. "Anong Madam! tawagin mo akong Lola, okay? mas komportable ako doon!", anas pa ng matanda. "Naku po! parang nakakahiya po at nasa meeting pa tayo, siguro kapag tayo nalang ang naroon, tatawagin kitang Lola", nahihiyang anas niya dito. "Nevermind them, basta lola nalang itawag mo sa akin!", kulit pa ng Matandang Ginang sa kanya. "Ahm.. sige po lola!", anas na lamang niya para matigil na ito. "Siya Sige magpatuloy kayo at akoy makikinig lamang. At Faith, I wanna talk to you in private after, okay?", anas pa nito. Tumango na lamang siya dito. Nagpatuloy naman sila sa discussion at formal na pag pirma ng kanilang kasunduan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD