She’s Back But Cold

752 Words
Nagsimula na ang meeting nila. Pinag-uusapan nila ngayon ang concept at ang magiging budget. Faith presented some of her works before that may apply to the concept. At pati ang klasi ng papel na gagamitin sa label ay napag usapan. Nakikinig lang ang CEO sa discussion nila at parang busy sa laptop o may sinusulat ito. Hindi na pinansin ni Faith ang kaba sa tuwing magtatama ang tingin nila. Siya ang unang nagbabawi ng tingin. Hanggang malapit ng matapos ang discussion nila. “Ms Torres! all your designs were all good but can you design a new concept like specifically for this product? Yung tipong habang nag iisip ka ng desinyo ay itong product lamang ang laman ng isipan mo!”, anas ng lalaki. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Pero sinagot niya ito. “Ofcourse Mr Sebastian. I knew my past works were not really for this specific products, it was just a reference. I will be sending you sample designs for this products tomorrow”, sagot niya dito. Nakatingin yata lahat ng empleyado sa kanya. Parang wala pa siguro sa kanila ang direktahang sinagot ang CEO “Good! that’s what I like! Very responsive and fast! aasahan ko ang sample designs bukas at ako mismo ang susuri sa mga iyon, okay?”,nakangiting anas nito. “Makakaasa kayo Mr Sebastian”, anas niya dito. “Then meeting is adjourned!”, wika nito sa kalahatan. “Ms Torres please stay!”, wika sa kanya ng makitang nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit. Napatingin siya sa mukha ng binata. Seryoso ito. Kaya naman ay bumalik siya sa pagkaka-upo. Nang nakalabas na ang lahat ay nakita niyang inilock ng binata ang pintoan. At naglakad ito patungo sa kanya. He leaned towards her at walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa mga labi. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki. Pumalag siya at sinampal niya ito. She saw him getting stunned pagkatapos ng malakas na sampal sa mukha. “Mr Sebastian! I am not the same woman who fell for you and will instantly jump onto your bed”, anas niya dito. “Hindi na ako magpapagamit at magpapaluko pa sa iyo!”, dagdag pa niya dito. “Ms Torres! there was a misunderstanding. I was very true to you, hindi kita pinaglalaruan noon. Ikaw nga ang biglang nang iwan. Bigla ka na lang nawala. At hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko! ako dapat ang magagalit sa iyo ngayon”, anas naman ng lalaki. “Mr Sebastian! hindi mo rin alam ang pinagdadaanan ko! At hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo o sadyang matamis lang talaga ang dila mo para mahulog ang mga babae sa iyo!”, turan niya dito. Tinitigan siya sa mga mata ng lalaki. “Tell me kung anong nangyari noon? Wala akong ideya kung bakit bigla ka nalang umalis. May nagawa ba akong kasalanan? all I know was I was in Singapore and we have this promises that you will wait for me. But what happened? wala ka na ng umuwi ako!”, may hinanakit na wika ng lalaki. Napatitig din si Faith sa mukha ng Lalaki. Wari’y sinusuri kong nagsasabi siya ng totoo o hindi. “Patawarin mo ako kung may nagawa akong kasalanan. Babawi ako sa iyo Faith! Miss na miss na kita at ayokong malayo na naman sa iyo”, dagdag pa ng binata. Napapikit si Faith sa mga naririnig ngayon. “Mr Sebastian, Hindi ako handa na muli kang tanggapin. I am sorry!”, anas niya dito at akma ng tatayo upang umalis. Ngunit hinawakan siya ng lalaki sa kamay at hinila pabalik. Niyakap siya nito ng mahigpit. “I am really sorry! Please come back to me please!”, anas nito sa kanya. “Let me go. Mr Sebastian! I’m tired I need to go!”, sagot niya dito. Binitawan naman siya nito. At hinayaang makaalis. ——————- Napapikit si Faith ng nasa loob na siya ng elevator. Hindi niya naiintindihan ang sarili. Masaya siyang makitang muli ang lalaki pero bumabalik din sa kanya ang mga alaala ng gabing iyon. Ang katotohanan. Kahit hindi niya nababalitaang kasal na ang lalaki pero engaged pa rin ito sa iba. Dapat ba niyang kausapin muli ang lalaki? Hindi niya alam ang gagawin. Sa ngayon ay magfocus na muna siya sa design na ipapasa bukas. Isasantabi na muna niya ang isipin tungkol sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD