Ready na sa online selling niya si Faith. Maging ang mga back up girls niya sa likod na taga record ng mga bumibili ay ready na rin.
“Magandang umaga mga suki kong magaganda at guapo! Kumusta kayo? Salamat pala sa mahigit 20k na online ngayon at live na live dito sa aking online tindahan!”, paunang bati niya.
“So ngayon ay may bago na naman tayong mga bag na magaganda ang designs. Hindi kayo magsisisi sa mga bag na ito , promised!
Napaka-tibay ng mga ito, fashionable at ang design ay personally handmade po ng yours truly”, panimula niya.
Hanggang may nag Mine sa lahat daw ng bag.
“Ahmm.. Maam or Sir with user name MylovableFMT143’, sigurado ho ba kayo na bibilhin niyo lahat?”, paninigurado niya dito.
“Bawal po ang bogos buyer dito, okay?”, dagdag pa niya.
Nag message ulit ang buyer na sigurado daw ito at magbabayad kaagad ito.
“Okay po, maraming maraming salamat username MylovableFMT143 sa pagbili ng aking paninda ngayon! Napaka galanti naman po ng aking mga sukiloves!”
By the way, kukontakin ka po namin Maam/Sir para sa detalyi ng shipping at mode of payment, okay?”, kausap ni Faith sa live selling niya partikular sa bumili ng kanyang mga bag.
“Paano ba iyan nga sukiloves, mukhang hanggang dito na lamang ang ating live selling. Sold out kaagad eh! Maraming-maraming salamat talaga sa pagsusuporta niyo at sinamahan niyo ako ngayon, hanggang sa susunod muli!”, paalam niya dito.
Maraming nag send ng message na nanghihinayang at hindi nakabili.
May nag message na sayang at madali lang natapos ang live selling, at gusto pa nitong makita ang magandang host ng matagal-tagal.
Napangiti siya. Inaamin niyang maraming napapalipad hangin sa kanya sa online man o sa personal. Ang ibang online followers niya ay nag oonline lamang para makita siya.
Ngunit wala sa isipan niya ang pumasok sa relasyon. Masaya na siya sa buhay dalaga.
——-
Pagkatapos ng maikling online Selling niya ay kinontak na niya ang bumili. Siya na mismo ang tumawag para iwas mali-mali.
Nagbigay naman ito ng telepono na tatawagan niya.
Nag dial na siya at nag ring naman ito.
“Hello? Magandang umaga po!”, paunang bati niya ng may sumagot na.
“ Si Faith Torres po ito ng Lola Maria’s online selling”, dagdag pa niya.
Ngunit hindi sumasagot ang nasa kabilang linya. Parang nakikinig lang ito sa kanya.
“Hello? nandiyan ka po ba?”, tanong niya.
“Ah, Oo nandito ako!”, sa wakas ay sagot ng nasa kabilang linya.
Parang pamilyar ang boses pero binaliwala na niya, minsan may mga tao namang magkasing tunog at magkaboses.
“Kukunin ko po ang buong pangalan mo at address po”, sagot niya dito.
“Oh, okay. Maari bang itetext ko na lamang ang impormasyon?”, sagot nito.
“ah, Oo okay po, Mag sesend rin po ako ng qr code for the payment, okay?”, anas niya dito.
“Okay. Will send the payment right away then!”, sagot ng lalaki sa kabilang linya.
Napahilig ng ulo si Faith. Bakit parang pamilyar talaga ng boses nito.
“Okay po, maraming salamat ulit sa pagtangkilik ng aming produkto! hanggang sa uulitin!”, pamamaalam niya dito.
Naputol na rin ang tawag pagkatapos.
Maya-maya pa ay natanggap na kaagad ni Faith ang bayad ng mga nabiling bag at ang name and address ng recipient.
Glen Salcedo at taga Marikina.
‘Mmm.. okay! wala siyang kilalang Glen in person. So binaliwala na lamang niya ang kaninang agam-agam na pamilyar ang boses ng lalaki.
At inihanda na niya ang mga bags na ipapadala.
Pagkatapos niya doon ay nagtungo na rin siya sa kanyang opisina.
Mostly ay mag-iisip siya ng mga bagong design sa kanyang bag collections at maging sa mga wedding invitation, gumagawa din sila ng mga personalized gifts for giveaways.
Ginagawa niya ito para maging busy at para ang isip at puso niyay wala ng oras para mag emote.
Kaya ang buong araw at oras ni Faith ay nauubos lamang sa pag-aasikaso ng mga negosyo niya at pagdedesign.
Si Lola Maria ay malusog na ngayon at busy rin sa kanyang mga pananim na nga bulaklak at mga gulay.
Nang araw na iyon ay may natanggap na namang bulk order si Faith galing sa kanilang website.
“Wow! maswerti ako ngayong araw na ‘tu ah!”, masigla niyang wika.
At agad niyang tinanggap ang order.
Tiningnan niya ang calendar upang masiguro niyang may sapat silang panahon para gawin ang personalize gift na order ng customer.
At naalala niya ang petsa ngayon.
Isang taon na ngayon, ngayong araw na ito, ang annibersaryo ng napakasakit na nangyari sa kanya. Isang taon na ng natuklasan niya ang tungkol kay Greg Sebastian at Michelle Chua.
May natanggap pa siyang mga larawan ng lalaki at ng babae nito mula sa di niya kilalang numero na nagpabiyak ng kanyang puso.
Mga larawan ng kamundohan ng dalawa. Masakit na nga ang malaman na pinaglalaruan lang siya ng lalaki , pinadalhan pa siya ng ebidensiyang mga larawan.
Nanumbalik tuloy ang mga hinanakit niya sa binata.