Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Faith.
Kaya naman ay nagtungo siya ng kusina at kinuha ang imported wine na regalo pa ng isang customer nila na nakapag-asawa ng Foreigner, nasiyahan ito sa gawa nilang wedding invitation at giveaways kaya niregaluhan siya ng mga ito ng mamahaling wine.
Ngayong gabi ay may silbi ang wine na iyon na akala niya’y magiging display na lang yata.
Kinuha niya ito at binuksan, kumuha na rin siya ng wine glass at nagsalin.
Matamis at maanghang ang wine. Sa bawat lagok niya dito ay umiinit ang kanyang lalamunan pero bumubuti ang pakiramdam niya.
Hanggang di na niya namalayang malapit na niyang maubos ang isang bote.
Naramdaman niyang nahihilo na rin siya.
Ngunit ayaw pa niyang tumigil sa pag-iinom.
Pero imbis na makalimot sa lalaki ay mas naalala niya ang kanilang kahapon.
Ang mainit at matamis na mga kahapon nila ni Mr Sebastian.
She grab her phone at nag dial. She is calling Ced’s number.
Saulo pa niya ang numero ng yumaong nobyo, walang nagmamay-ari ng numero nito gaya ng may ari noon patay na rin ang linya nito kaya kung tatawagan ay hindi nag riring.
Ngunit nagulat siya ng may sumagot dito.
May sumagot na sa wakas sa kanyang tawag.
“Ced.. where are you? Are you coming back to me? please come back my love!”, lasing na wika niya sa kabilang linya.
Hindi sumasagot ang kung sino man ang nasa kabilang linya.
“Bakit lahat kayo ay iniiwan at sinasaktan ako? huh? Ikaw o si Mr Sebastian! bakit niyo ko iniiwang mag-isa?”, umiiyak na siya sa telepono.
“Miss na miss ko na siya.. Ced.. Greg.. hindi ako galit sa iyo. Mahal na kita eh.. hindi kita kayang kasuklaman ng matagal. Paano kita makalimutan?”, hinagpis niya sa telepono na para na siyang baliw.
At finally may nagsalita na sa kabilang linya.
“my love.. I am sorry!”, anas ng lalaki sa kabilang linya.
Biglang parang natauhan si Faith sa narinig. Nanaginip lang ba siya o kathang isip lamang iyong naririnig niya.
“Ced? Greg? ikaw ba iyan?”, tanong niya dito
Pero wala na ulit sagot sa kabila.
Marahil ay guni-guni lamang niya iyon.
“I am sorry kung naabala kita. Hindi ko sadyang abalahin ka dis-oras ng gabi”, anas niya sa tao sa kabila. Na realize niyang baka na reycle na ang numero ni Ced at may nagmamay-ari nang ibang tao nito.
“Salamat sa pakikinig sa akin! hindi na kita aabalahin pa”, at akma na niyang papatayin ang tawag pero nag salitang muli ang lalaki.
“Wait! donot end the call yet”, anas ng lalaki sa kabilang linya.
Napatigil din naman si Faith.
“Ahm.. I can stay on the line if you want to. So there's someone who will listen to you”, dagdag pa ng lalaki.
“Don’t you worry, I will forget everything after. Afterall we don’t know each other anyway.”, anas nito.
“I can be your friend too if you’d like”, dagdag pa ng lalaki.
Alam ni Faith na lasing na siya pero napakalinaw ng mga naririnig niyang mga kataga ngayon. Napatulala na lamang siya lalo pa’t ang ganda ng boses ng lalaki sa kabilang linya.
He sounded like Mr Sebastian or Ced pero mas magaan at mas malumanay ito.
“Ahmm.. Sorry.. pasensiya ka na!", Sagot niya dito.
Pero bagaman nahihiya siya sa pinaggagawa niya ay na touch naman siya sa sinabi ng lalaki.
Naawa siguro ito sa kanyang pagka-disperada
"Ahmm..Okay! We can be friends then!”, sagot niya sa lalaki.
“Pero hindi ko sasabihin ang pangalan ko sa iyo! at ganoon din ako, hindi ako magtatanong ng pangalan mo!, okay?”, dagdag pa niya.
Mabuti na iyong hindi talaga sila magkakilala dahil nakakahiya ang mga pinagsasabi niya kanina.. naku!
Narinig niyang tumawa ang lalaki sa kabilang linya.
“Ikaw ang bahala.. bastat’ kapag kailangan mo ng maka-usap ay tawagan mo lang ako”, sagot ng lalaki.
Tumango-tango si Faith na animo’y nakikita siya ng kausap.
“Okay! tatandaan ko iyan. How about tatawagin nalang kitang Chingu? okay ba sa iyo iyun?”, tanong niya sa lalaki.
Napangiti na rin siya, atleast may nickname itong new found friend niya over the phone.
Natawa na naman ang lalaki sa kabilang linya.
Mabuti pa ito at madali lang ang tumawa.
Nakakainggit.
“Okay Chingu!”anas ng lalaki sa kanya, sinasakyan ang trip niya.
“So, friends?”, dagdag pa nito
“Yep! friends!”, sagot niya naman.
“May tanong pala ako sa iyo? Kailan mo pa nakuha ang numero na ito?”, dagdag tanong niya sa lalaki.
“Well.. about a month ago lang, bakit mo naitatanong?”..
“Kasi noon ay walang nagmamay-ari ng numerong ito, kaya nagulat akong meron na akong kausap ngayon”, paliwanag niya dito.
Katahimikan.
Hindi sumagot ang lalaki sa kabila
"Hello?", tanong niya sa kabila.
"So that means, you always called this number? even you know no one is answering?", biglang naging seryoso ang lalaki sa kabila.
"Ahm.. I know, I am weird. But Yes! I can find peace kasi pag ginawa ko iyon, huwag ka ng magtanong kung bakit", anas niya dito.
“Well.. I understood. Maybe you had find redemption in doing such thing", pag-uunawa ng lalaki sa kanya
"And probably its the destiny's working on us now. Baka binigay niya itong numerong ito sa akin para meron ka nang tagapa-kinig sa mga sentiments mo”, dagdag pa nito.
'Ang bait naman ng kausap niya. Sana'y pagpalain ka ng may kapal at bigyan ng mahabang buhay!', sa isipan ng babae.
"Naks! Pero possible nga!," anas niya dito.
"Ahm.. I have to go now, okay? Thank you again sa pakikinig sa mga ka weirdohan ko! Hanggang sa muli Chingu!", paalam na niya dito at pinatay na ang telepono.
Napabuntong hininga siya.
Hindi niya akalain ang nangyari. Gumaan talaga ang pakiramdam niya. Sa tingin niya'y makakatulog na siya ng mahimbing ngayon
Para na din siyang galing sa telebabad at kausap ang lalaking na mimiss.. Si Mr Sebastian.