Nice Seeing You Again!

1123 Words
Masakit ang ulo ni Faith ng magising dahil sa dami ng alak na nainom kagabi. Naalala niya ang lalaking nakausap. Magaan ang loob niya sa lalaking iyon. She check her phone at talagang numero iyon ni Ced noon, hindi siya na wrong dial kagabi. Is this another Destiny’s joke sa kanya? Kahit ano pa man ito ay ini-add na niya ang numero nito sa contact list niya at pinangalanang Chingu. Naghanda na siya para sa bagong araw na naman. Mga bandang tanghali ay nakatanggap siya ng email. It was an email galing sa isang malaking cosmetic company. They are offering a job collaboration to her. They are looking for a company na mag dedesign at mag piprint ng Label ng bagong cosmetic product nila. Hindi makapaniwala si Faith. Binasa niya ang terms and conditions doon. Napakalaking halaga ang kapalit. At possible pang gawin siyang partner company at siya na ang magsusuply ng lahat ng mga print ads and labels ng mga products nila kapag nagustuhan nila ang gawa niya. Isa itong napakalaking pagkakataon sa kanya na isang maliit na businessman. Kaya buong tapang niyang tinanggap ang offer. At ilang oras lang ang lumipas ay nakatanggap siya ng tawag mula sa marketing team ng kompanya. They asked to have a meeting with her para pag-usapan nila ang concept at contract signing din ng kanilang collaboration. Nag set ng date si Faith kasi malayo siya sa Maynila. At puno ang schedule niya sa araw na ito, marami siyang gagawin at aasikasuhin sa tindahan at company ngayong araw. Dapat iclear niya ang isa o dalawang araw para lumuwas ng Maynila. At sa isang iglap ay luluwas siya ng Maynila sa susunod na araw. ——————— Madaling araw pa ay gising na si Faith. Ibinilin na niya si Lola sa butihing kasambahay nila. Mawawala siya ng iilang araw, dependi kung kailan matatapos ang meeting niya sa kanyang client. Nagpaalam na siya sa kanyang lola na maaga ring nagising. “Lola, tatawagan kita ha, kaya dalhin mo ang telepono mo kapag nasa hardin ka, at huwag kang masyadong magpapagod doon, okay?”, habilin niya dito at hinalikan sa pisngi ang mahal na lola. “Sige apo! at mag-iingat ka sa pagmamaneho ha. Malayo ang Maynila. Kung aantukin ka habang nagmamaneho mas mabuti pang huminto ka, naiintindihan mo ako? ha?”, kulit ng lola maria niya. “Opo lola! huwag kang mag alala sa akin, okay? Dadalhan kita ng pasalubong pagbalik ko!”, pangako niya dito. “Mag-iingat ka, apo!”, paalam nito. Kinawayan pa niya ang kanyang lola bago tuluyang umalis. Mga dalawang oras mahigit din ang kanyang biyahi patungong Maynila. Nag drive through na lamang siya ng coffee at sandwich niya. At hindi naman nag laon ay nasa Maynila na siya. Nanibago siya sa lugar kahit isang taon lamang siyang hindi nakaluwas doon. Nasa Makati ang address ng kompanya at hindi naman siya naligaw, salamat sa waze app. At ilang minuto pa ay nasa basement parking na siya ng companya. Isang malaking building ito at kilala sa mga beauty products sa buong bansa. Matapos mag park ay sumakay na siya ng elevator. Nasa 12th floor ang pakay niya. Kaya pinindot niya ang kaparehong numero. Pagdating niya sa floor ay agad siyang nagtanong sa receptionist. “Hi! magandang umaga. I am Faith Torres from FMT printing. I have a scheduled meeting with Mr. Cruz by 9 am”, kausap niya sa babae na agad naman ngumiti ng makita siya. “Ah, Yes Ms Torres. Hinihintay ka nga ni Mr Cruz sa conference room. This way po!”, anas ng babae at nagpatiuna na itong maglakad. “Salamat”, sagot niya dito at sumunod na sa babae. Nilibot niya ang kabuoan ng opisina. Maganda at malaki ang opisina. Typical office na maraming office desk at busy lahat ng naka-corporate attire na mga employees sa kani-kanilang cubicle. Hanggang nakarating na sila sa conference room. Isang glass walled room pero may mga blinds naman. “Magandang araw Ms Torres! Nice to finally met you!”, tumayo sa upoan ang nasa middle age ng si Mr Cruz para kamayan siya. “Magandang araw din ho, Mr Cruz. Nice to meet you po sir!”, balik bati niya dito at tinanggap ang kamay nito. Pagkatapos magkamayan ay naupo na sila. “Before we will discuss the product and the concept ay hintayin na muna natin ang iba pang mag jo-join sa meeting Ms Torres”, anas ng Ginoo. “Walang problema po”, sagot niya dito. Habang nag hihintay ay kinuha niya ang brochure na nasa harapan at nagbasa upang kahit papaano ay may idea siya sa mga products at usual theme ng mga ito. Hindi naman nag tagal ay isa-isa ng dumating ang mga empleyadong kasama sa meeting. Isa-isa rin siyang ipinakilala doon. Halos napuno na ang mga upoang nakapalibot sa mesa pero hindi pa sila nag sisimula. May hinihintay pa yata sila. Ah, wala pa ang uupo sa pinaka dulong sentro ng conference table. Parang aattend din siguro ang CEO ngayon, sa isip ng dalaga. Na realized niya ngayon na ang laki talaga ng project na sinalihan niya sa isang malaking kompanya. Dapat seryoso siya dito dahil nakakahiya kung papalpak siya. Hindi naman nag laon ay narinig niyang dumating na ang CEO. At agad na ngang nagsitayo-an ang mga kasamahan sa mesa bago pa makapasok sa silid ang CEO. Ganito ka kapangyarihan ang may-ari. Halos mag bow lahat dito kahit wala pa ito doon. At bumukas na nga ang pintoan at iniluwa doon ang matangkad na lalaking papalapit sa mesa. Hindi nag-angat ng tingin si Faith kaya ay hindi niya kita ang mukha ng CEO. “You can now take your seats”, wika ng Lalaking alam niyang ang CEO iyon. Pero nagulat siya sa pamilyar na boses kaya ay nag-angat na siya ng tingin. At parang na stunned yata siya sa nakita. Walang iba lang naman kundi ang lalaking hindi niya malimot-limot. Ang lalaking namimiss niya. Nakangiti sa kanya ngayon at napaka guapo. ‘Ced? Mr Sebastian?’ , anas niya sa sarili. Ang nakikita niya ngayon ay mukha ni Ced na nag mature. Hindi balbas sarado at very clean and neat. Halos maaamoy niya ang after shave nito dahil sa napaka fresh na look. “Nice to meet you again Ms Torres!”, Bati niya sa dalaga. Hindi siya nakasagot dito. Parang natulala na lamang siya. Si Ced ba ito o si Greg Sebastian? Bahagyang umiling-iling si Faith para iwaksi ang nasa isipan. Si Mr Sebastian ito dahil impossibleng si Ced. “N-nice to meet you too Mr Sebastian!”, bati niya dito. At hindi na siya muling tumingin sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD