Isang babae ang palihim na nagngingitngit sa isang tabi habang pinagmasdan ang kaibigan niyang bumibili ng mga gamit sa loob ng isang store sa loob ng mall. Napupuno nang galit ang kanyang dibdib at utak. Ang paninibughong nararamdaman ay mas lalong tumindi habang patulot na dumarami ang binibili ng kanyang kaibigan. Walang kamalay-malay ang kaibigan niyang siya'y nilalamon ng inggit. Upang mawala ang nararamdaman, nagpasya siyang paslangin ang kaibigan. Dadalhin niya ito sa kanyang penthouse at lalasunin. Palalabasin niyang aksidente ang mangyayari. Napangisi siya saka niyakap ang braso ng kaibigan. Tinulungan niya pumili ang kaibigang babae na mamili ng mamahaling damit, sapatos at mga palamuti. Siya'y nagbubunyi sa kanyang isipan. Pinag-iisipan niya nang maigi ang kanyang plano.

