bc

Cursed

book_age16+
265
FOLLOW
1K
READ
curse
manipulative
mystery
genius
evil
another world
secrets
superpower
special ability
stubborn
like
intro-logo
Blurb

A cursed was bestowed upon Morana as a punishment for killing innocent people. Morana was chasing death and ignored her fate but in the end, she will do a good deed to save the mankind from evil spirits lurking in our world.

chap-preview
Free preview
Prologue
Lies, Pride, Anger, Greed, Lust, and Jealousy, ilan lamang ito sa mga pagkakamali na hindi maiwasang maramdaman ng mga tao. Well, no one is perfect. Lahat tayo nakakagawa ng masama, lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit habang tumatagal hindi natin namamalayan na napupuno tayo ng negatibong emosyon, na siyang sumisira sa atin, na nagmamanipula sa atin. Kinokontrol tayo ng mga emosyong iyon. Wala tayong magagawa, everything is a mistake, unless you make it right. Bawat tao ay may itinatagong kasamaan sa kanilang puso. Mas pinipili lang na gumawa ng tama, dahil sa takot sa karma. Dapat lang talaga na matakot ka, dahil ang lahat ng ginawa mo ay babalik sayo, sa panahong hindi mo inaasahan. Karma is like a boomerang. Halimbawa: Sinaktan mo ang kapwa mo, may tao ring dadating upang saktan ka—sa paraang hindi mo inaasahan. But we don't have to worry, kasi meron din namang good karma, 'yon ay kung gumawa ka ng kabutihan. But in this world that we are leaving, having a pure heart is rare. Everyone has an evil lurking inside their body. "Morana." Natigilan ako sa aking pagmumuni-muni dahil sa pagtawag ni Cessair sa'king ngalan. Sinamaan ko siya ng tingin, alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag na Morana. My name has a negative meaning and I hate it! Nakatayo siya sa pintuan ng aking silid at mukhang nagtataka kung bakit ko siya tinitingnan ng masama. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa kanyang salitang binitawan. "Oo nga pala, nakalimutan kong ayaw mong tawagin na Morana." Naaasiwang umiwas siya ng tingin habang kinakamot ang kanyang ulo. "Anong nais mo, pighati?" Muntikan na akong matawa dahil sa naging reaksyon niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Batid kong maiinis siya kapag tumawa ako. His name means sorrow, and he doesn't like it when I call him "pighati". "Tigilan mo ako, Morana." Pinandilatan niya ako ng mat saka pasalampak na umupo sa sahig, sa harapan ko. "Kailangan na nating gawin ang ipinag-uutos ng nasa itaas. Ipinapaalala ko lang dahil baka nakalimutan mo," seryosong saad niya. Hinawakan ko ang aking baba habang nag-iisip. Wala ako sa tamang kondisyon upang gawin ang ipinag-uutos ni Boss Devine. Kahit sanay na ako ay hindi ko pa rin ito masikmura, hindi ko masikmurang pumatay ng inosente. "Can I quit?" Wala sa sariling tanong ko, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Cessair habang umiiling. "You can't, failed to do the mission means death." Death, why should I fear death? Death is me. Huminga ako ng malalim at kinuha ang pistol sa ilalim ng couch na inuupuan ko. This will be the last. Napansin ko sa gilid ng aking mata ang paglabas ni Cessair sa aking silid. Mukhang maghahanda na rin siya para sa aming gagawin mayayang gabi. Tumayo ako upang magtungo sa loob ng walk-in closet ko para magpalit ng damit. Inilugay ko mahaba, kulot at kulay itim kong buhok. Pagkatapos kong magbihis ay tinitigan ko ang suot kong black tube at itim na cargo pants. Napangiti ako ng mapait. I hate this life but I can't do anything to stop this. Ito lang ang bumubuhay sa akin. Hinawakan ko ang gilid ng aking mata at at ang mapait na ngiting nakapaskil sa labi ko ay unti-unting napalis. I hate the color of my mismatched eyes. My right eye color is red and the left is blue. Itinatago ko lang sila sa pamamagitan ng contact lenses. I consider myself as a monster. A horrible, heartless monster! Hindi ko napigilan ang galit na namuo sa aking dibdib kaya sinuntok ko ang salamin nang malakas. Naglikha ng tunog ang pagkabasag nito at nahulog sa sahig ang ilang piraso, hindi ko alam ngunit habang nakatitig ako sa salamin ay nakaramdam ako ng kasiyahan. "Morana!" Malakas na kinalampag ni Cessair ang pinto, muli kong sinuntok ang salamin at tuluyang umalis sa walk-in closet. Mabagal akong naglakad patungo sa silid ng aking kwarto at marahas na binuksan ko ang pinto, nakita ko ang pagrehistro nang gulat sa mukha niya nang makita ang nagdurugo kong kamay. "Ano nanaman ang kalokohang naisip mo?" naiiritang tanong niya. Sumilip siya sa loob ng aking silid. Mukhang nakita niya ang basag na salamin sa closet ko kaya napailing siya. "Alam mo ba kung ilang taon na ang vanity mirror na iyan? Mas matanda pa iyan sayo tapos sinira mo lang? Pambihira, hindi ko alam ang takbo ng iyong isipan." Bahagyang tumaas ang boses niya dahil sa inis. Hindi ko siya masisisi, lahat ng bagay na narito ay mahalaga para sa kanya. "Stop blabbering, pighati. Gawin na natin ang misyon nang matapos na," malamig kong saad at mas nauna na sa kanya habang naglalakad palabas ng bahay kong ginawa naming hideout. Patalon na sumakay ako sa itim kong motorsiklo na nakaparada sa labas ng hideout. Pinasibad ko 'yon patungo sa lugar na ibinagay sa'min. Damang-dama ko ang paghampas ng malamig na hangin sa aking balat. Gabi na at papalapit na ang pasko kaya malamig ang ihip ng hangin. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho upang damhin ang hanging tumama sa balat ng aking mukha at braso. Pagkarating sa lugar ay iniwan ko ang aking motorsiklo—'di kalayuan sa tahanan ng aming biktima at naglakad sa gitna ng madilim na daan. Alam ko ang direksyon na aking patutunguhan. Tahimik akong pumuslit sa loob ng bahay na pagmamay-ari ng mga Sedeja, kailangan namin siyang mapatay. Wala kaming alam kung anong atraso niya kay Boss ngunit kapag kami naman ang pumalpak, buhay naman ang kukuning kapalit. Inalis ko ang kahit na anong emosyong nararamdaman ko habang palihim na pumapasok sa loob ng silid ni Mr. Sedeja. Hindi dapat ako makaramdam ng habag sa biktima. Ikinasa ko ang aking baril ng makapasok sa kwarto ni Mr. Sedeja, siya ang target namin. Payapa itong natutulog at hindi manlang alintana ang panganib na nakaabang sa kanya. Napangiti ako at pinagmasdan ang pistol na siyang hawak ko. Oye vey! Sambit ko sa likod ng aking isipan. Itinutok ko ang pistol sa kanyang dibdib at ipinutok ng tatlong beses. I didn't use a silencer to get the attention of his bodyguards. Nakarinig ako ng mga yabag patungo sa kwarto. Batid kong mga bantay na iyon ni Mr. Sedeja. Naglakad ako palapit sa bintana at binuksan ang sliding glass, sinilip ko kung gaano kataas ang aking babagsakan saka tumalon. Hindi ko akalaing ganito pala kataas ang tinalon ko mula sa silid ni Sedeja, malakas akong bumagsak sa lupa at nagtamo ng kaunting gasgas. Pakiramdam ko nga'y nabali ang aking buto ngunit hindi ko na 'yon pinansin. Ang mahalaga ay maisagawa ko ang aking plano. Dahil sa ginawa kong stunt ay mas nakaagaw ako ng pansin. Mabilis akong tumayo at tumakbo, napangiti ako nang matamis dahil hinabol ako ng mga nakabantay. "What are you doing?!" galit na sigaw ni Cessair mula sa earplug na nakasalpak sa aking tenga. Hindi ko sinagot ang tanong niya, inalis ko ang maliit na earplugs at itinapon iyon sa kung saan para hindi niya ako makausap. Sana ay mapatawad mo ako sa aking gagawin, Cessair. Piping usal ko sa aking isipan habang mas binibilisan ang pagtakbo. Dumeretso ako sa gitna ng gubat saka hinahapong tumigil. Nakangiting humarap ako sa mga humahabol sa'kin. Binitawan ko ang aking baril. "Itaas mo ang iyong kamay!" utos ng isa sa kanila. I nodded and raised my hand while smirking ambiguously. "What are you waiting for?" I asked them playfully. Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha. "Kill me!" utos ko sa kanilang lima. Mukhang ang balak lang nila ay hulihin ako at i-turn over sa kapulisan. Pwes, hindi ako makapapayag. Umiling sila kaya mabilis kong dinampot ang baril sa aking paanan at pinaputukan ang isa nilang kasamahan. Marahil dala ng gulat ay sabay-sabay nila akong binaril. I accepted the bullet that is piercing through my body. I already planned this beforehand. Ipinikit ko ang aking mata habang patuloy sila sa pagbaril sa'kin. Ngumiti ako, tinatanggap ko na ang aking kapalaran. Hanggang dito na lang. "Morana!" Rinig kong sigaw ni Cessair bago ako tuluyang mawalan ng malay. Morana, I smiled upon hearing my name for the last time. Finally, I can rest. Patawad Cessair. Hanggang sa muli nating pagkikita. Ngunit nagkamali ako, nang ipikit ko ang aking mata ay may babaeng lumitaw at nagpakita sa akin. She's wearing a black and red, satin dress. She has a horns and bat like wings. She was smiling evilly at me. Her eyes are red but she is staring blankly at me. Her eyes has no emotions at all. "You don't deserve to die this way." May lumabas na asul na apoy sa kanyang daliri. Idinikit niya ang daliri sa aking noo habang masamang tinititigan ako. Naramdaman ko ang malakas na pwersang nagmumula sa kanyang daliri at napupunta iyon sa loob ng aking utak. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit. Subali't hindi ako makagalaw dahil sa loob ako ng aking kamalayan. "Lahat ng kasamaang ginawa mo ay pagbabayaran mo. Hindi ka maaaring mamatay hangga't hindi mo pinagdusahan ang mga kasalanang ginawa mo." Iyon ang narinig kong huling sambit niya bago ako tuluyang kunin ng kadiliman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.8K
bc

SILENCE

read
381.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook