Chapter 1-Morana

1491 Words
I held my head up high while walking gracefully towards my black Bugatti Veyron car. I can feel the stares of the people around me and I can clearly hear them whispering, talking something about me. I secretly smirked sarcastically. "Pathetic!" I cursed under my breath and continued to walk, not minding them. "Grabe! Nakakatakot talaga siya!" "Hindi ko kinakaya ang presensya siya. Parang may itim na aura ang nakapalibot sa kanya." "Tama nga sila, she's the devil in white." Gusto kong matawa dahil sa mga sinasabi nila. Anong nakakatakot sa akin? Naglalakad lang naman ako, I'm not even doing anything that can harm them. Pabagsak kong isinarado ang pinto ng kotse nang makasakay na ako at basta na lang pinaharurot paalis. Naiinis kong hinigpitan ang pagkakahawak sa steering wheel. Those people are annoying! I can't stand them! Why do they have to talk like that when they can't stand another person? "Bagalan mo ang sasakyan mo kung ayaw mong mamatay. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi unlimited ang buhay mo." Hindi ko pinansin si Cozbi na biglang sumulpot sa aking tabi. Cozbi is the spirit that cursed me. I don't know what exactly she is, hindi ko rin naman masabi na isa siyang fallen angel. But I think she's an evil, a mentally disabled evil. I laughed in secrecy because of my inside jokes. She's silently touching her bat like wings with a smirk plastered on her face. Another annoying creature! "You know I always chased death. Ikaw lang 'tong ayaw akong bitiwan. Bakit hindi mo na lang ako hayaang mamatay?" I said in annoyance and gripped the steering wheel tighter. She pouted and whined like a child. "You can't die! Hindi pwede, not now. Hintayin mong dumating ang araw na ako mismo ang pumatay sayo." Aniya habang nakangisi. Tumingin siya sa salamin at marahang hinaplos ang kanyang sungay. Mas lumapad ang nakakalokong ngisi sa labi niya, mukhang may tumatakbo sa kanyang isipan na siyang nagpapasaya sa kanya. "Such an evil!" Hindi mapigilang komento ko habang inoobserbahan siya. She just laughed evilly and vanished into thin air. Bigla ko naman naapakan ang preno dahil sa isang batang lalaki na biglang tumakbo sa gitna ng daan. "B*llsh*t!" Malakas kong pagmumura dahil sa gulat. Muntik na akong makapatay. Ilang metro lang kasi ang layo ng kotse ko sa bata. I frustratedly ran my fingers through my long, chestnut colored hair. Nakatitig sa akin ang bata, mukhang kahit siya ay nagulat. Hindi ko alam kung naaaninag niya ako dahil heavily tinted ang salamin ng ginagamit kong Bugatti Veyron. Mukhang wala siyang balak na umalis kaya ilang beses kong pinindot ang busina, mukhang nahimasmasan naman siya kaya mabilis siyang tumakbo sa tabi ng daan. B*llcr*p! Muling pagmumura ko at nagmaneho muli. Sino ba ang magulang ng batang 'yon at hinahayaan siyang gumagala. Paano kung tuluyan ko siyang nabangga? Nahampas ko na lang ang manibela dahil sa inis. Basta ko na lang iniwan ang pag-aari kong Bugatti Veyron sa labas ng bahay. Bumaba ako at mabilis na naglakad papunta sa harap ng pinto, sinipa ko 'yon ng malakas para bumukas at basta na lang itinapon ang susi sa center table. Hindi naman magkandaugaga si Sphynx sa pagsunod sa'kin. Sphynx is the one who saved me in the middle of the forest. I mean, not totally saved me. Dahil inutusan lang siya ni Cozbi na dalhin ako sa bahay na ito at pagsilbihan. Siya ang nag-aasikaso sa akin, para ko na nga siyang nanay. Sinipa kong muli ang pinto sa aking silid bago hubarin ang suot kong white, maxi dress. Itinapon ko iyon sa sahig at nagtungo sa loob ng banyo. Hinubad ko ang natitira kong saplot saka tinitigan ang sarili ko sa harap ng malaking salamin. I really hate seeing my face. It reminds me of my misfortunes in life. Inalis ko ang suot kong contact lenses at muli kong nasilayan ang kulay ng aking mga mata. My mismatched eyes, I really looked like a monster. Sinuntok ko ng malakas ang salamin, hindi ko tinigilan hanggang sa hindi 'yon nababasag. Ibinunton ko ang lahat ng aking nararamdaman sa salamin. Matapos kong suntukin ang salamin ay hinahapong hinawakan ko ang aking palad. Huminga ako ng malalim at pinabayaan ang dugong tumutulo mula sa aking sugat. Lumusong ako sa jacuzzi matapos kong sirain ang salamin. The warm water is soothing, I closed my eyes and massage my temple lightly. Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya binuksan ko ang aking mata. Nakita ko si Sphynx na papasok at may dalang tray. May laman na red wine at wine glass ang tray, meron ding mga fresh, sliced fruits. Ipinatong niya 'yon sa gilid ng tub kung saan maaabot ko. "Get out." Mariing utos ko ngunit lumalim lang ang gatla ng kanyang noo habang sinusuri ang buong paligid. "Basag nanaman ang salamin na nilagay ko," aniya habang pinupulot ang isang basag na piraso ng salamin. "Ilang ulit kitang pinagsabihan na huwag mong lalagyan ng salamin ang kahit na anong bahagi ng silid na ito. Ayokong nakikita ang mukha ko." Naiinis na saad ko ngunit parang wala lang 'yon sa kanya. Pinagpatuloy niya ang pagpulot sa mga basag na piraso. "Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong pagmasdan ang kagandahang taglay mo." Malumanay niyang sabi at bahagya akong nilingon. I laughed sarcastically. "Kagandahan? You must be blind, Sphynx. Get out!" Kinamot niya ang kanyang ulo bago tumayo at tuluyang lumabas upang iwan akong mapag-isa. I poured a little wine on the glass, swirled it and smelled the sweet scent. Marahang sinimsim ko ang likido, nanuot kaagad sa aking lalamunan ang masarap na lasa ng wine. Dinampot ko ang isang slice ng strawberry saka isinubo. Marahang nginuya ko ang prutas upang malasahan ko ang katas. I slowly crinkled my nose, I really don't like strawberries. Inalis ko ang lahat ng strawberry sa tray at basta na lang iyong tinapon sa sahig. Inubos ko ang laman ng wine glass at naisipan na sa bote na lang uminom. Tinapos ko ang pagbabad sa tubig, umahon ako at lumabas na nakahubad. I don't care if someone will see me naked. My body is a masterpiece, so they should appreciate the art. Paglabas ko sa bathroom ay may nakahanda ng damit sa higaan. Isang puting lingerie. Nilapag ko sa side table ang bote ng wine saka sinuot ang lingerie. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko muli ang bote at nagtungo sa harap ng bintana. A cool breeze touched my skin. Ipinikit ko ang aking mga mata upang namnamin ang lamig ng hangin. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba kong buhok. Ilang sandali ay nagmulat ako ng mata. Tinitigan ko ang itim na kalangitan. "Mukhang uulan," bulong ko sa aking sarili. I drank straight from the bottle and smiled bitterly. Naalala ko nanaman ang katagang binibitawan ni Cozbi nang araw na 'yon. "Lahat ng kasamaang ginawa mo ay pagbabayaran mo." Hindi ba sapat ang kamatayan upang pagbayaran ang kasalanang ginawa ko? Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang sumpa niya? Maybe I should ignore it. Yes, I should ignore it. Kakalimutan ko na lang ang mga sinabi niya sa akin. Pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Umalis ako sa harap ng bintana. Hinayaan ko 'yong nakabukas, dahil alam kong sisirain lang 'yan ni Cozbi. She has a weird habit of entering the house through the window. Humiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang aking mga kamay. Ito ang kamay na kumuha na ng ilang buhay. Kamay na kumitil ng inosenteng buhay. Biglang pumasok sa isipan ko si Cessair. Kamusta na kaya ang isang 'yon? Hinanap ba niya ang katawan ko? Siya lang ang tanging taong nag-aalala sa akin kaya batid kong nalungkot siya sa "pagkamatay" ko. Ipinilig ko ang aking ulo, dapat ko yatang kalimutan siya. Lumakas ang hangin sa loob ng aking silid at biglang lumitaw si Cozbi na nakasuot ng asul na bestida. May nakalagay pa na flower crown sa ulo niya, pero hindi maayos ang pagkakalagay dahil sa sungay niya. Pinigil ko ang sarili kong matawa. Ano nanaman kaya ang kabaliwang naisipan niya? "Matutulog na ako, kung ano man ang kailangan mo. Bukas mo na lang sabihin." She flapped her wings lightly. Inikot ko ang aking paningin dahil balak ko siyang inisin. "Someone needs your help." Kinuha ko ang unan sa aking tabi at itinakip sa mukha ko. "Just go away," I mumbled under the pillow. Biglang naalis ang unan sa mukha ko, nakita kong nakasuot na siya ng itim na bestida. Wala na rin ang flower crown sa ulo niya. Oh! I pissed her off. Natawa naman ako. "Umalis ka sa kinahihigaan mo kung ayaw mong gawin kitang inihaw." Banta niya pero hindi ko siya pinakinggan. Nang-aasar na ipinikit ko ang aking mata. "Morana!" She shouted angrily. Naramdaman kong bigla akong umangat sa ere. "Kahit na anong gawin mo, hindi ako sasama sayo." "Aalisin ko ang sumpa kapag sapat na ang kabutihang nagawa mo." Tiningnan ko siya, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Ibinaba niya ako sa sahig. May ngiti sa mga labi niya, batid niya sigurong natumbok niya ang aking kahinaan. I snapped my fingers, ang suot kong lingerie ay naging isang itim na short at puting sleeveless top. "Let's kick some ass off." Bulong ko bago tumalon sa bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD