Nakasandal ako sa isang puno ng santol habang hinihithit ang isang stick ng Marlboro midnight menthol. Cozbi said that someone needs help in this area. Ngunit wala naman akong nakitang kakaiba, baka pinaglalaruan lang ako ni Cozbi bilang ganti sa pang-iinis ko sa kanya.
Napansin ko siyang nakatayo sa isang madilim na parte ng pasilyo, binabantayan ako. Akala niya siguro ay tatakas ako.
Tsk! I irritatedly puffed the smoke out of my mouth, making circles. Pagkatapos ay itinapon ko ang sigarilyo sa harapan ko at nagpasyang mag-ikot sa paligid upang magmasid.
"Niloloko mo yata ako, Cozbi." Bulong ko, alam kong naririnig niya ako dahil isa iyon sa kanyang kakayahan. May tumamang bato sa aking paa kaya tiningnan ko siya ng masama.
Ngayon ko lang napansin na iba na ang kanyang anyo. She disguised herself as human. She's wearing a yellow tube and a green pants. Umiilaw pa ang suot niyang high-cut na sapatos. Hindi makapaniwalang napailing ako dahil sa suot niya.
Tarantadong demonyo! Walang sense of fashion.
Bigla akong natigilan sa paglalakad nang makarinig ng malakas na putok ng baril. "Oh sh*t!" Malakas kong sigaw at tumakbo papunta sa isang abandonadong building.
"I need a gun!" Malakas na sigaw ko, ilang sandali ay may lumitaw na pistol sa aking kamay. Nagugustuhan ko na ang kakayahang ipinagkaloob ni Cozbi sa akin. Ikinasa ko ang baril habang nagtatago sa likod ng mayabong na damuhan.
Sunud-sunod na putok ang naririnig ko mula sa loob. Nasundan 'yon nang malalakas na sigawan mula sa grupo ng kababaihan. Sigaw na puno ng takot at pighati. "The screams are making me alive. It fuels my desire!" Napatingin ako sa aking gilid ng may magsalita. Napansin ko ang pagpula ng mata ni Cozbi. Hindi ko namalayang sumulpot siya sa aking tabi.
I didn't know that she loves misery and death. Well, it's already given. She's an evil spirit, what do you expect?
Nakangiwing tiningna ko siya at ang kanyang damit. "Nakakasilaw 'yang suot mo. Para kang disco light." Panlalait ko sa suot niya bago tumakbo sa loob.
I hide behind the post and I shoot the two man hiding behind the pile of boxes. Now they're unconscious. Ang bala ng pistol ay maihahalintulad sa tranquilizer, hindi nakakapatay at makakatulog lang ang matatamaan.
"Help! Help! Tulong!" Paulit-ulit at malakas na sigaw ng isang babae. My forehead creased, her voice is familiar. Tahimik na tumakbo ako sa likod ng isang poste. Sinilip ko ang mga biktima upang alamin ang kalagayan nila.
Sumisigaw pa rin sila dahil sa takot. Napapalibutan sila ng mga lalaking nakasuot ng itim na damit at may hawak na rifle.
"Tulongg! Ahhhh!" Tinakpan ko ang aking tenga. Sobrang sakit ng boses niya. Hindi ba siya pwedeng tumahimik para mag-isip ng paraan na makatakas?
"Tumahimik ka! Kahit anong gawin mong pagsigaw ay walang darating na tulong!" Iritadong sigaw ng isang lalaki.
Napako ako sa aking pinagtataguan. Ang boses na 'yon, pamilyar 'yon sa akin. Wala sa sariling naglakad ako palapit sa kanila. Hinanap ko ang may-ari ng boses. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga 'yon.
"Tulongggg!" Mas nilakasan pa ng babae ang pagsigaw kaya hinampas ng isang lalaki ang hawak niyang rifle sa batok nito. Dahilan para mawalan siya ng malay.
Buti naman at nabawasan ang ingay. Para akong nakahinga ng maluwag.
"Cessair?" Tanong ko sa aking sarili nang makita ang kabuuan ng lalaki. Siya nga! Siya ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko, siya rin ang humampas ng rifle.
"Ilibing niyo na lang 'yan. Wala tayong mapapala sa kanila. Siguraduhin niyong hindi sila makikita, dahil malalagot tayo sa nakakataas." Maotoridad niyang utos bago umalis.
"Cessair," naglakad ako palapit sa kanya ngunit isang pagkakamali ang ginawa ko. May naapakan akong bakal na lumikha ng tunog kaya nabaling sa akin ang kanilang atensyon.
Itinutok nila sa akin ang hawak nilang rifle at ikinasa. "Isang espiya! Dakpin siya!" Utos ng isang lalaki, si Cessair naman ay nakatitig lang sa akin. Pinag-aaralan ang aking kabuuan.
Hindi niya ba ako nakikilala? Nagtatakang tanong ko sa aking isipan. Kitang-kita sa mata ni Cessair na hindi niya alam kung sino ako.
"Cessair," muling kong sinambit ang kanyang pangalan ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad. He is ignoring me.
Pinaulanan nila ako ng bala kaya wala akong nagawa kundi protektahan ang aking sarili. Tumalon ako sa likod ng pader at dumapa para 'di ako tamaan ng bala. Kinuha ko ang tear gas na nasa loob ng suot kong coat, inalis ko ang pin saka itinapon sa kanila.
"F*ck y'all!" I cursed between my breath before running to free the victim. Binitawan ko ang hawak na pistol at mabilis na kinalas ang lubid na nakatali sa kanilang kamay at paa.
"Tumakas ka na!" Mahinang sigaw ko, ngunit nakatulala lang ang babae sa akin. Marahil ay puno pa rin nang takot ang kanyang isipan.
"Alis na!" Muling sigaw ko at ikinumpas ang aking kamay sa ere.
"Si Lea po," naiiyak na sabi niya habang sinusubukang gisingin ang kaibigang nahimatay.
"Wala na akong oras!" Malakas kong sinampal ang babaeng nangangalang Lea para magising. Iyon lang ang paraang alam ko. Naalimpungatan naman siya dahil sa ginawa ko. "Tumakas na kayo!" Sigaw kong muli bago sila itulak paalis.
Kaya pala pamilyar ang kanilang mga boses dahil sila ang mga kabataang lagi kong nakikitang dumadaan sa labas ng aming bahay.
Nang makitang nakalayo na sila ay kinuha ko ang isang samurai na nakasabit sa pader.
Ako na mismo ang sumugod sa kanila habang iniiwasan ang mga bala. Isa-isang hiniwa ko ang kanilang mga tuhod, para hindi nila ako mahabol. Sinipa ko rin palayo ang mga rifle nila upang hindi sila mabigyan ng pagkakataong barilin ako. Hindi naman sila mamamatay dahil sa sugat na nilikha ko.
"Cessair!" Malakas kong sigaw para kunin ang pansin niya dahilan para tumigil siya sa paglalakad. He slowly faced me, there is no emotion on his face while staring at me. I know he's figuring out who am I.
Binitawan ko ang hawak na samurai. Nakangiting tumakbo ako palapit sa kanya. "Cessair! Ikaw nga!" Masayang saad ko. Hinawakan ko ang mukha niya at maingat na hinaplos. Hindi ko akalaing muli kaming magkikita pagkalipas ng ilang buwan.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to si Morana, ang kaibigan mo." Pagpapakilala ko sa aking sarili ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.
"Cessai—" naiiyak kong sambit. Bakit mukhang hindi niya ako naaalala? May nagbago ba sa aking mukha?
Itinulak niya ako nang malakas kaya natumba ako. Itinukod ko ang aking kamay para hindi ako tuluyang masubsob, pero dahil sa ginawa ko ay nasugatan ako. Naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na kahoy sa aking kamay.
I hissed because of pain but I endured it. I'm used to it. Hinugot ko ang bumaon na kahoy sa aking kamay at itinapon sa malayo. Hindi ko ininda ang dumudugo kong sugat.
"Bakit mo ako itinulak? Cessair, it's me, Morana. Can't you recognized me?" Pangungumbinsi ko ngunit napangisi siya.
"Mukhang nagkakamali ka yata Miss. Wala akong kilala na Morana, I don't even know that you exist."
"W-what..." Parang may biglang tumusok sa aking puso. "H-how... Why? Bakit hindi mo ako maalala?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nagbibiro ba siya? Paano niya ako makakalimutan?
He shrugged his shoulder and turned his back on me. He continued to walk away, leaving me, not even trying to help me like he always do.
Tumayo ako't hinabol siya. Hinarang ko ang sarili ko sa kanyang nilalakaran upang hindi siya tuluyang makaalis.
"Are you mad at me? Or you are just tricking me? Imposibleng makalimutan mo ako." Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako naaalala.
"Sa palagay ko'y hindi ka gano'n ka importante para alalahanin ko," aniya. I felt a pang of pain in my chest, it hurts to hear those words coming from him.
"Get out of my way," mahinang utos niya ngunit umiling ako.
"Cessair, try to remember me please." Nakikiusap na sabi ko sa kanya ngunit wala akong natanggap na tugon.
He took a side step and started to walk again. "Cessai—" natigilan ako dahil sa ginawa niya. He stabbed me in the chest. Kinuha niya ang kutsilyo ngunit sinaksak niya akong muli, paulit-ulit niya 'yong ginawa. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagbaon ng kutsilyo sa aking katawan. Napahawak ako sa kanyang braso dahil nawawalan ako ng lakas. Tuluyan akong napaluhod sa lupa at kalaunan ay natumba sa malamig na semento.
Hinawakan ko ang natamo kong saksak upang pigilan ang pagdurugo, ngunit sa tingin ko ay malalim ang bawat saksak na aking natamo. Nanlalabo ang aking mata ngunit hindi ko siya nilubayan ng tingin.
Binitawan niya ang kutsilyo sa aking harap at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.
"P-p-pighati..." Nanghihinang sambit ko. Tumigil siya kaya nagkaroon ako ng pag-asa. That's it, remember me Cessair.
Ngunit nabigo ako, hindi niya ako maalala. Hindi ko na sinubukang gumalaw sa aking kinahihigaan. Ipinikit ko ang aking mata at ngumiti ng mapait.
"I will wait until our path crossed again." I whispered before losing my consciousness.
Tuluyan kong tinalikuran ang estrangherang babae. Bakit niya ako kilala? Tinawag niya pa akong pighati, iisa lang naman ang tumatawag sa akin ng gano'n.
But it's imposible because she is dead.