Chapter 3 - Devland

2460 Words
“Congratulations! You're alive!” May kalakasan at masayang bungad ni Cozbi nang mapansin niyang nagmulat ako ng mata. Ngumiti siya na puno ng sarkasmo kaya muntik ko na maitirik ang aking mata dahil sa inis. Itinukod ko ang aking siko at akmang uupo sana pero mabilis na pinigilan ako ni Sphynx, maingat na itinulak niya ako pabalik sa paghiga. “Ang lalim ng mga natamo mong saksak,” mahinang sabi niya sa'kin. Agad kong tiningnan ang aking dibdib, ngayon ko lang napansin na wala akong suot na damit. Napapalibutan ng puting tela ang sugat kong may bakas pa ng dugo at ang telang 'yon ang nagsisilbing takip upang hindi tuluyang malantad ang aking dibdib. Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari. Kung paano ako saksakin ni Cessair na parang wala kaming pinagsamahan. “Bakit hindi niya ako maalala?” Mahinang tanong ko sa aking sarili, panandaliang nilingon ako ni Cozbi. Nagkibit balikat siya at ibinalik ang atensyon sa paglilinis ng kanyang sungay—binabalewala ang aking tanong. “Answer me,” kalmadong utos ko subali’t biglang naglaho si Cozbi, tiyak kong iniiwasan niya ang aking katanungan. Wala sa sariling napatingin ako kay Sphynx na nasa aking tabi. Nanlaki ang mata niya at napansin ko ang bigla niyang pagkataranta. “Ahh... Wala rin akong alam kung bakit hindi ka makilala ng kaibigan mo.” May kabilisang sagot ni Sphynx bago tumakbo palabas ng aking silid. Naiinis na sinipa ko ang mga unan na nasa aking paanan. Pinilit kong tumayo habang iniinda ang pagkirot ng aking sugat. Bakit ba nila iniiwasan ang aking tanong? Nais ko lamang malaman kung ano ang maaaring rason kung bakit hindi ako maalala ng aking Cessair. “Walanghiya ka, Cessair! Parang 'di tayo magkaibigan. Kinalimutan mo na nga ako, sinaksak mo pa ako.” Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mata habang marahang naglalakad. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Nang gabing mangyari ang insidente, akala ko ay handa na akong talikuran ang lahat. Pati si Cessair, akala ko ay makakaya kong iwan ang nakagisnan kong buhay. Ngunit nagkamali ako, hindi ko pala kaya. Hindi ko pala layang iwanan ang lahat ng gano'n kadali. Marahang naglakad ako patungo sa loob ng walk-in closet. Kinuha ko ang isang romper na kulay puti. I tied my hair in a messy bun, then I wore a white sneakers. Naglagay ako ng pulang lipstick para hindi halata ang pamumutla ng aking mukha. Inalis ko ang aking contact lenses at isinuot ang isang shade na may tatak na Gucci. I'm going to see him. Lumabas ako sa aking silid matapos kong magbihis ngunit nakasalubong ko si Sphynx na naglalakad papunta sa'king kwarto. May dala siyang tray na may pagkain at isang bote— na sa tingin ko'y isang gamot. Nang mapansin niya ako ay tumigil siya. Lumalim ang gatla sa kanyang noo habang sinusuri ang aking suot. "Saan ka pupunta?" May kalakip na inis ang kanyang boses. "None of your business!" Nilampasan ko siya pero napako ako sa aking kinatatayuan. "Sphynx, stop using your ability on me. Kailangan kong makita si Cessair." Subali't hindi niya ako pinakinggan. Bumaon ang paa ko sa semento kaya pinukol ko siya ng masamang tingin. "Sphynx," nagbabantang sambit ko pero patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. "Hindi pa magaling ang 'yong sugat. Hindi kita pihihintulutang umalis. Mas mabuting bumalik ka na lang sa iyong silid." Aniya sa mahinahong paraan. Wala akong mabakas na galit o inis sa kanyang tinig ngunit batid kong sa oras na siya'y suwayin ko'y sapilitan niya akong ikukulong sa aking silid hanggang sa tuluyong maghilom ang aking mga sugat. Subali't kailangan kong makaharap si Cessair, upang masagot ang bumabagabag sa aking isipan. "I need to see him!" I frustratedly said between my breath. She tilted her head while staring at my chest and pointed me. "I won't let you leave, go back to your room." Ilang sandali ay lumitaw sa palad ko ang isang Rapler, itinutok ko 'yon sa kanya. She smirked before shifting into her natural form. Unti-unting lumitaw ang sungay sa kanyang ulo— ang sungay na katulad ng nasa tupa. Inilabas niya rin ang kanyang itim na pakpak. Ang kulay ng mata niya ay nagbago, mula sa kulay asul ay naging itim ito. Ang suot niyang damit ay naging isang kulay pulang bestida, ang dulo ng damit niya'y umabot hanggang sa kanyang talampakan. "Kung gusto mo ng away ay hindi kita uurungan." Pati ang boses niya ay nagbago. Parang nanggagaling iyon sa ilalim ng lupa. Inalis niya ang sementong pumipigil sa'king pagkilos para malaya akong makalaban sa kanya ng patas. Ilang sandali ay sumiklab ang apoy sa kanyang mga palad. Ang buong katawan niya ay nabalot ng nangangalit na pulang apoy. Tsk! Wala akong laban sa kanya. Ngunit kailangan kong makaalis dito kaya tatalunin ko siya, sa kahit na anong paraan. Tumakbo ako para sugurin siya ngunit bago pa siya tamaan ng Rapler ay naglaho siya bigla. Kaya natumba ako at tumama ang buong katawan ko sa sahig. Napaigik ako dahil sa pagsigid ng sakit mula sa aking sugat. Lumitaw siya sa aking likod at inapakan ang aking ulo. "Bumalik ka na sa kwarto mo para hindi ka masaktan." "Mukhang nagkakasiyahan kayong dalawa. Maari ba 'kong sumali?" Masayang tanong ni Cozbi na sumulpot sa aking harap. "W-wala kang h-hiya! T-tulu— ackk!" Hindi ko naituloy ang nais kong sabihin ng tuluyan akong nasubsob dahil diniinan ni Sphynx ang pagkaka-apak sa aking ulo. "Ayan ang napapala ng mga pasaway na kagaya mo. Uulit ka pa?" Mapang-asar na tanong ni Cozbi habang binubuksan ang isang piraso ng jelly ace. Umupo siya sa aking harap habang masayang kumakain ng jelly ace. Tinitigan niya ako habang marahang ngumunguya pagkalipas ng ilang sandali ay bigla siyang nataranta. Sa tingin ko'y may biglang pumasok sa kanyang isipan. "P*tang**a! Bitawan mo si Morana! May pupuntahan pala kami!" Itinulak niya paalis si Sphynx at nagmamadaling itinayo ako. Pinagpag niya ang duming dumikit sa aking damit at inayos ang nagulo kong buhok. "Hindi pa maayos ang kalagayan niya kaya hindi mo siya maaaring dalhin sa kung saan." Natigilan si Cozbi sa ginagawa niya. Nakangusong tiningnan niya ako at ang aking katawan bago batuhin ng upuan si Sphynx gamit ang kanyang kapangyarihan. "Sorry, but not sorry, Sphynx. May ililigtas pa kaming tao." Humalakhak siya ng malakas bago kami tuluyang maglaho. Bumagsak ako sa damuhan nang bitiwan niya ako basta. "**ck you, Cozbi!" Pagmumura ko pero ngumiti lang siya at tuluyan na akong inignora. Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang lugar na ito. Nakapunta na ba ako rito? Marahan akong tumayo at sinuri ang buong paligid. Sa 'di kalayuan ay may nakita akong Mansion. Kitang-kita mula sa pwesto ko ang mga guard na nag-iikot, pati na rin ang mga katulong na abala sa kanilang tungkulin. "Mukhang may piging sa Mansion na iyan. Imbitado ba tayo?" Tanong ko kay Cozbi na ngayon ay nakasuot na ng isang itim na maxi dress. I rolled my eyes in annoyance. "I invited myself," she answered nonchalantly. Taas-noong naglakad siya papunta sa Mansion. Samantalang nanatili ako sa aking kinatatayuan, hindi makapaniwalang sinundan ko ng tingin si Cozbi. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na parang pag-aari niya ang mundo. "What a crazy devil!" I exclaimed. Mabilis na sumunod ako sa kanya nang mapansin kong matiwasay siyang nakapasok sa Mansion. Ngumiti ako sa nagbabantay bago pumasok, laking pasasalamat kong hindi sila nagtanong at naghanap ng invitation letter. Napadaan ako sa isang salamin kaya tiningnan ko ang aking kabuuan, buti na lang at umakma ang suot kong damit. Kinuha ko ang isang champagne glass sa mesa at tahimik na nagmasid sa paligid. Hindi ko na makita kung nasaan si Cozbi, saan naman kaya siya nagpunta? Nagpasya akong pumasok sa loob ng Mansion. Walang nakapansin sa akin dahil ang lahat ay abala. May nagkukwentuhan at napansin kong ang iba sa kanila ay nagsasayawan sa saliw ng malamyos na tugtugin. Kaunti lang ang bisitang narito sa loob, dahil ang karamihan ay nasa entrada o kaya naman ay nasa bulwagan. Inubos ko ang laman ng champagne glass sa isang laghok at nagtungo sa kusina. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinadala ng aking paa. "Where can I put this?" Tanong ko sa isang katulong na nakasalubong ko, may bitbit itong mga platong naglalaman ng finger foods. "Ay Ma'am! Doon na lang po sa sink." Itinuro niya sa'kin ang daan at nagbigay ng kaunting paalala. "Thanks!" I walked confidently but I stopped midway. I heard a muffling sound in one corner. Tahimik na naglakad ako upang sundan ang tunog na naririnig ko. "Kailangan mong ilagay ang lason sa inumin niya!" Rinig kong utos ng isang boses. Pasimpleng dumaan ako sa harap ng dalawang babae na nag-uusap. Napansin ko ang mabilis na pag-abot niya ng maliit na bote sa isang babae. "H-hindi ko kayang g-gawin..." Naiiyak na sambit ng isa pero ipinagduldulan ng kanyang kausap ang bote. "Gagawin mo o ako mismo ang papatay sayo? Pumili ka dahil kaya ko 'yong gawin, ngayon mismo." Banta niya sa kanyang kasama. Mukhang hindi pa rin nila ako napapansin. Pinagmasdan ko sandali ang kanilang mga mukha. Bakas ng takot ang mukha ng babaeng inuutusan, habang ang isa nama'y nakataas ang kilay at mukhang seryoso sa binitiwang banta. Napapailing na umalis na lang ako sa aking pwesto. Wala naman akong gagawin sa lugar na ito, pupuntahan ko na lang si Cessair. Kailangan ko siyang kausapin upang maliwanagan. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi niya ako maalala. Dahil nasa malalim akong pag-iisip ay hindi ko napansin ang pagtakbo ng isang bata papunta sa aking direksyon. Dala nang gulat ay umiwas ako, pero dahil sa ginawa ko ay naapakan ko ang basang sahig at nadulas. Mukhang hindi maganda ang pagkakabagsak ko. "Miss! Are you okey?" Nakakahiya! Mukhang may nakasaksi pa ng aking katangahan. Hinawakan ng estranghero ang aking siko upang alalayan sa pagtayo. "I'm fine, thanks for helping." Tiningnan ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. Nagtama ang aming paningin at agad na napansin ko ang kulay ng mata niya. Kulay berde, bumaba ang tingin ko sa kanyang ilong. Matangos 'yon, mapula rin ang kanyang manipis na labi. Tumayo ako ng maayos at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. Makapal ang kanyang kilay pero maayos tingnan. Muling nagtama ang aming paningin, hindi ko alam pero parang nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niya. "Miss?" Bumalik ako sa aking katinuan ng tawagin niya ang aking pansin. Bigla akong nailang dahil sa ginawa kong pagsuri sa kanyang kabuuan. "Thanks again, I need to go." Humakbang ako paalis ngunit hinarang niya ako. "May I know your name?" Nahihiyang tanong niya. Umiwas siya ng tingin at hinawakan ang kanyang batok. "Morana.” I didn’t said my full name. Alam ko namang hindi niya iyon maaalala at ito ang huli naming pagkikita. "Morana," he whispered. "I like your eyes." Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ngayon lang pumasok sa isip kong wala akong suot na shade at wala rin akong suot na contact lenses. "Oh ***k!" Tanging sambit ko bago tuluyang tumakbo paalis. "Morana, wait!" Sinubukan niya akong habulin. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para hindi niya ako abutan. Nagtago ako sa isang madilim na parte ng Mansion. "Ang tanga mo, Morana! Napaka-careless mo!" Saway ko sa aking sarili. Narinig ko naman ang mahinang tawa ng kung sino sa aking likuran. "Tumigil ka sa pagtawa, Cozbi!" Galit na utos ko pero mas nilakasan niya pa ang pagtawa saka muling naglaho na parang walang nangyari. Huminga ako ng tatlong beses bago lumabas sa aking pinagtataguan. Napansin ko ang mga nagtatakbuhang guest, ang iba ay natataranta. Naglakad ako pabalik sa pinanggalingan ko kanina. Doon sila patungo, ano kaya ang nangyari? Sumiksik ako sa gitna ng nagkukumpulang bisita. May lalaking nakadapa sa sahig at mukhang walang malay. Lumuhod ako at hinawakan ang balikat niya para iharap pero gano'n na lang ang pagkagulat ko nang mapagsino iyon. Ang lalaking tumulong sa'kin kanina. "Miss! Umalis ka jan! Tumawag na kami ng ambulance!" Hindi ko pinansin ang babaeng nagsalita. Napansin ko ang pamumula ng leeg niya. Muling bumalik sa isipan ko ang usapan ng dalawang babae kanina. Tumayo ako at hinanap silang dalawa. Buti na lang at natagpuan ko siya sa kusina. Nagpupunas siya ng mga basang plato. Kitang-kita ang pagiging balisa niya. Good! She’s aware of her commited crime. Walang pagdadalawang isip na sinakal ko siya. Nanlalaki ang matang tinitigan niya ako habang sinusubukang alisin ang aking kamay. "Nasaan ang antidote?" "H-hindi k-ko alam a-ang s-sinasabi mo..." Pagkakaila niya, mas hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanya. "Nasaan ang antidote?" Pag-uulit ko sa aking tanong. Ramdam ko ang pagbaon ng aking kuko sa kanyang leeg. Mukhang wala siyang balak na sabihin kung nasaan kaya binago ko ang aking anyo. Ramdam ko ang paggalaw ng ugat sa aking leeg, patungo sa aking pisngi. Mas luminaw din ang aking paningin at tumalas ang aking pandinig. "Nasaan?!" Dumagundong ang galit kong boses. Namutla naman siya habang nanginginig na inilabas ang maliit na bote. "Kapag namatay siya, hahanapin kita." Nakangising banta ko bago siya bitawan nang marahas. "D-d-demonyo...demonyo! May demonyo!" Histerikal niyang sigaw at mukhang nawala sa kanyang sarili. Ibinalik ko sa dati ang aking anyo bago balikan ang lalaking nalason. Sinugatan ko ang aking sarili, hinalo ko ang aking dugo sa antidote bago inumin. Hinawi ko ang nagkukumpulang panauhin at lumuhod. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ng lalaki saka yumuko upang gawaran siya ng halik. Narinig kong suminghap ang ilang nakasaksi. Ibinuka ko ang bibig niya gamit ng dila ko at isinalin ang antidote sa bibig niya. Pagkatapos kong gawin 'yon ay tumayo na ako at umalis na parang walang nangyari. "Gising na si Devland!" Sigaw ng isang lalaki. Nagpatuloy ako sa paglalakad paalis sa lugar na ito. I smirked before memorizing his name, Devland. “Gising na si Devland!” Malakas na anunsyo ng isang panauhin nang mapansing bumalik na ang aking kamalayan. Hinawakan ko ang aking leeg at marahang hinaplos habang sinusundan ng tingin ang babae. Batid kong hinalikan niya ako, dahil ramdam ko kung paano maglapat ang labi naming dalawa. Ramdam ko rin ang pagsalin niya ng isang matamis na likido mula sa kanyang bibig patungo sa aking bibig. “Are you okey? I think we should bring you to the hospital.” I feel the urgency in my secretary’s voice as she gently touched my hands. Umiling ako at tumayo. “Hindi na kailangan,” maikli kong saad bago sabihin sa kanilang magpatuloy sa pagsasaya. Nagtungo ako sa aking opisina at ipinatawag ang aking pinagkakatiwalaan. “Hanapin mo kung sino ang naglagay ng gamot sa aking inumin.” “Masusunod,” magalang siyang tugon bago umalis sa aking harapan. Napangisi naman ako habang naglalaro sa aking isipan ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD