Chapter 4

2464 Words
“Gusto kong hanapin niyo si Morana, ang babaeng nagligtas sa akin. Nais ko siyang makitang muli upang mapasalamatan ko sa ginawa niya.” Mahinahong utos ni Devland sa kanyang mga tauhan na nakatayo sa kanyang harapan at nakikinig sa kanyang ipinag-uutos. Nakatutok ang kanyang mga mata sa harap ng TV screen at pinapanuod ang footage sa CCTV, kung saan hinalikan siya ng babaeng may nakakabighaning kulay ng mga mata. “Masusunod po,” magalang na tugon ng kanyang mga utusan. Panandaliang yumuko ang kausap niya upang magbigay galang sa kanya bago umayos ng tayo at lumabas sa kanyang opisina. Nang lumabas ang kanyang mga tauhan ay napangiti siya ng matamis. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang mukha ng babaeng 'yon. Kakaiba ang taglay nitong kagandahan, walang tulak-kabigin. And her eyes, it's mesmerizing. Iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng taong magkaiba ang kulay ng mata o mas tamang sabihin, taong may heterochromia. It is fascinating, hindi ko lang alam kung bakit nagmadali siyang umalis nang banggitin ko ang tungkol sa mata niya. Maybe I made her feel uncomfortable. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa litrato ng aking ama na nakapatong sa maliit na bookshelf. Masayang nakangiti si Papa sa litrato at buhay na buhay. Mariin kong ikinuyom ang aking kaliwang palad na nakapatong sa aking hita habang umiigting ang panga ko sa galit. Mananagot sa akin ang taong pumatay sa kanya. Gaganti ako sa paraang alam ko. I called someone. “I need someone,” kalmadong sabi ko bago patayin ang tawag. Alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin. Wala sa sariling napangisi ako. I needed a release. I need to relax my mind and think of how to catch the woman who killed my father. I hissed at Sphynx and glared at her. Idiniin niya kasi ang kanyang kamay sa aking sugat. She just ignored me and continued to put a pressure on my wounds. Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa dahil ginamitan niya ako ng kapangyarihan. Hindi ko magalaw ang buo kong katawan. “Malapit na,” she said in an icy cold voice. I scoffed and rolled my eyeballs, 360 degrees. I really hate how she controlled my body. “Bakit mo hinalikan ang lalaki 'yon?” Tukoy niya kay Devland—ang lalaking nalason sa isang piging at iniligtas ko. “Pwede mo namang ipa-inom na lang ang antidote. Gano'n ba ang tipo mo lalaki?” Hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o ako ang nag-iisip ng nang-aasar siya, ngunit wala namang bahid nang malisya ang kanyang tanong. Talagang nagtataka lang siya kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon gayong batid niya kung gaano ko iwasan ang ibang tao. “I... Uh... Exactly don't know why the hell I did that thing.” I shuttered while trying to explain myself. “Parang may magnet ang kanyang bibig, tapos ang labi ko ay isang uri ng metal kaya hindi ko namalayang biglang nagkadikit.” Gusto kong mawala na lang bigla dahil walang saysay ang aking pinagsasasabi. “What a dumb explanation.” Aniya bago tumayo. Inalis niya ang suot na gloves saka itinapon sa basurahang nasa gilid ng aking silid. “Ano ba dapat? Sabihin ko na attracted ako kay Devland kaya ko ginawa 'yon?” Naiiritang tanong ko at pakiramdam ko'y umakyat ang lahat ng aking dugo sa pisngi ko dahil sa inis. Her eyes narrowed in amusement then she laughed hysterically while holding her stomach. Just wow! Ngayon lang ako nakakita nang masayang demonyo. Hindi mapigilang naitaas ko ang aking kilay at humalukipkip. “Saya mo naman,” sarkastikong saad ko habang pinagmamasdan siyang tumawa at hinihintay na tumigil. Mabilaukan ka sana, piping dasal ko. “You know what? A fish is caught by its mouth, so there's no point in denying.” She smirked playfully and winked at me. “Wala akong itinatanggi! Wala akong gusto! Talagang hindi ko lang alam kung bakit ko siya hinalikan!” I shouted angrily trying to save myself from humiliation but she just grinned evilly, not believing my reasons. “Tell that to a goat,” she said nonchalantly. Binuhat niya ang tray na pinaglalagyan ng mga panlinis sa sugat at mabagal na naglakad palabas sa aking silid. Tiningnan ko siya ng masama hanggang sa tuluyan siyang lumabas. Totoo naman, ah. Wala akong gusto kay Devland. Well, maybe I’m attracted? I asked myself in hesitation. I blew the hair that was covering my face and frowned. Ano ba ang pumasok sa isipan ko. Sumandal ako sa headboard ng aking kama habang hinaplos ang aking sugat at napatingin sa ceiling ng aking kwarto at gano'n na lang ang pagkahindik ko nang makita ang salamin. “Sphynx!” Malakas kong sigaw habang nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. “Sinabi ko sa'yong huwag mo lalagyan ng salamin ang aking kwarto! Bakit mo nilagyan ang ceiling!” Galit kong sigaw na umalingawngaw sa apat na sulok ng aking silid. Kinuha ko ang 45 colt gun sa ilalim ng unan ko at walang habas na pinagbabaril ang salamin hanggang sa tuluyan itong mabasag. Nahulog ang mga basag na parte ng salamin sa akin ngunit hindi ko iyon ininda. Pinagpag ko ang bubog sa aking damit bago tumayo. Itinapon ko ang baril sa isang tabi. Kinuha ko ang isang kahon ng sigarilyo at lighter sa drawer. Hinugot ko ang isang stick at nilagay sa aking labi bago sindihan iyon habang naglalakad palapit sa bintana. Marahang binuga ko ang usok habang pinagmamasdan ang bata na naglalaro sa gitna ng kalsada. The little boy was playing a small red ball but I noticed something strange behind him. What is that thing? Tanong ko sa likod ng aking isipan. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa isang pangitain. Ano ba ang nangyayari sa'kin, bakit bigla akong nagkakaroon ng pangitain? Ilang sandali ay nawala rin ang sakit ng aking ulo. Marahang huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili ko. F**k this curse! Ano naman ngayon kung mamamatay ang bata? He's not my responsibility. Pangungumbinsi ko sa aking sarili. I’m not obligated to save people and stop their death. I nodded, yes, it’s not my obligation. No one can stop death. Itinapon ko ang sigarilyo sa labas ng bintana at tumalikod habang nilalagay sa loob ng bulsa ang hawak kong lighter. Kinuha ko ang puting coat na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot. Isinuot ko rin ang isang pares ng puting cone heel. “Saan ka naman pupunta?” Tanong ni Sphynx nang makitang naglalakad ako palabas ng bahay. Nakasunod siya sa aking likuran at bahagyang sinisilip ang aking mukha upang makakuha ng sagot. “I need to work. Walang nag-aasikaso ng aking kompanya.” Nagmamadaling sabi ko habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko. “Ingat sila sayo,” bulong niya sa'kin. She tossed the car key to me. Buti na lang at nasalo ko. I ride my white Chevrolet Cruze and stepped on the gas. Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan at nilampasan ang bata. As what I've said, he's not my responsibility. Subali't nasa kalagitnaan ako pagmamaneho ay bigla akong napaisip. Paano ang taong maiiwan niya kung sakaling mamatay siya? “Oh gosh! I f**k**g hate this feeling!” Kinabig ko pakaliwa ang manibela at pinaharurot pabalik. Hindi ako tumigil upang kunin at iligtas ang bata sa tiyak na kapahamakan, deretso ako sa pagmamaneho at sadyang ibinangga ang aking kotse sa paparating na van. Malakas na nauntog ang ulo ko sa steering wheel dahil sa pwersa nang pagkakabangga ng aming mga sasakyan. Ipinilig ko ang aking ulo upang bahagyang mawala ang aking pagkahilo. Marahan kong inangat ang aking kamay upang haplusin ang aking noo, buti naman at wala akong natamong sugat dahil tiyak akong magagalit nanaman si Sphynx at Cozbi. “Hoy! Lumabas ka! Lumabas ka jan!” Galit na sigaw ng driver habang bumababa sa van at papalapit sa akin. Tsk! Palatak ko at nilingon ang isang lalaki na kinakalampag ang salamin ng aking kotse. “Lumabas ka jan! Tingnan mo ang ginawa mo sa sasakyan ko! Nayupi ang harapan! Bayaran mo ito o kakasuhan kita! Hoy! Lumabas ka!” Oh what-the-hell-ever! Malakas na itinulak ko ang pinto kaya natumba ang lalaki. Mukhang mas lalo lamang siyang nagalit sa aking ginawa. Halos pumutok ang litid niya sa galit habang pinapatay ako sa kanyang isipan. Pasimpleng nilingon ko ang bata, nakapasok na ito sa kanilang bahay at masayang kausap ang kanyang Yaya. Good thing the kid is safe, now I have to deal with this annoying creature. Binalingan ko ang harapang bahagi ng kotse ko, gusto kong manlumo nang makita kung gaano kalaki ang pinsala. Kakabili ko lang naman nitong sasakyan noong isang linggo at ito ang unang beses na ginamit ko ito. “Bakit mo ako binangga! Alam mo ba kung gaano ka importante ang sasakyan ko?! Irereport kita sa pulis!” Dinuro niya pa ako habang may pinipindot na kung ano sa kanyang cellphone. “Go ahead, report me. Then I'll report you for drunk driving and illegal possession of firearms.” Kumpiyansang saad ko habang sinusuri ang kanyang mukha. Namumula pa ang kanyang tenga dahil sa sobrang pag-inom ng alak. “P-paano m-mo nalaman?” Kinakabahang tanong niya at naging aligaga. Nabitawan niya pa nga ang kanyang cellphone sa sobrang pagkagulat at palinga-linga siya sa paligid, sinisigurong walang nakarinig sa sinabi ko. I shrugged my shoulder before turning my back on him. Kinawayan ko siya bago umalis. “You can report me,” sabi ko at iniwan siyang nakatulala. Dumeretso ako sa aking kompanya—ang MC corporation. Taas-noong naglakad ako papasok at hindi inalintana ang bulungan ng mga nagtatrabaho. Gawain naman nila ang bagay na 'yan. Hindi sila mabubuhay kung hindi sila nakakapagtsismis sa isa't isa. “Nakasuot nanaman siya ng puti.” “Oo nga, tingnan mo may sugat siya sa pisngi. Tiyak akong may inaway nanaman siya bago pumasok dito.” “Nakita ko rin ang kotse niya sa parking kanina, yupi ang harapan at maraming gasgas.” “Hinaan niyo ang boses niyo dahil baka masesante kayo, gusto niyo 'yon?” Singit ng isang babae habang nakatitig sa akin. Nagtagpo ang aming paningin at mabilis siyang umiwas saka bumalik sa kanyang trabaho. Hatalang iniiwasan ako. Hindi ko sila pinansin. Ayokong masayang ang oras ko sa kanila, dahil kahit pansinin ko sila'y walang magbabago. Tumigil ako at tumayo sa harap ng elevator, walang nagtangkang lumapit o makisabay sa akin. Iniiwasan nila akong lahat sa hindi malamang dahilan. Bakit ba nila ako kinakatakutan? Wala naman akong ginagawang masama. Iniiwasan ko nga silang lahat dahil alam kong kapahamakan lang ang dala ko. “Miss Morana!” Napasinghap ang nasa paligid dahil sa pagtawag ng kung sino sa aking pangalan. “Patay ka jan, bakit mo siya tinawag na ganyan?” Kabadong bulong ng isang empleyado. “Sure akong maaalis 'yan sa trabaho.” “Goodluck na lang sa kanya.” Nakangiting hinarap ko ang isang lalaki. Mukhang bago lang siya dahil hindi ko kabisado ang kanyang mukha. I took a glimpse of his name plate. It says Ryan. “Come with me in my office,” seryosong utos ko bago pumasok sa Elevator. Agad siyang sumunod at tumayo sa aking likuran. Tahimik niya akong pinagmamasdan at halata ang kaba sa kanyang mukha. Mukhang narealize na niya ang ginawa niyang mali. Bumukas ang elevator at taas-noo akong lumabas at pumasok sa aking opisina. Ang buong executive floor ay para sa akin at sa aking sekretarya. Merong maliit na lobby at sa dulo ay merong pantry. Mayroon ding meeting room para sa mga VIP clients. Dere-deretsong naglakad ako papunta sa aking swivel chair. Prenteng umupo ako at iniharap ang upuan sa malaking salamin. Kitang-kita ko ngayon ang mga nagtataasang gusali sa buong ciudad. “Ryan...” I called out his name. I started twiddling my fingers as I wait for him to talk. “P-po, Miss?” Kinakabahang tanong niya. Nautal pa siya ngunit bakas naman ang kumpiyansa sa kanyang boses na siyang nagustuhan ko. “You know what's my only rule? Don't address me with my name, it's forbidden. Do you want me to kill you.” I asked him in a calm but threatening voice. “S-sorry po, Miss. H-hindi na po mauulit. Patawarin niyo ako.” “Forgiven, ipagtimpla mo ako ng kape.” Mahinahon kong utos kay Ryan. “Po?” Gulat na tanong niya. Mukhang hindi niya inaasahang magiging mahinahon ako. Itinaas ko ang aking daliri at sumenyas na umalis siya. “Want me to repeat? By the way, you're now my assistant.” Masayang nagpasalamat siya bago umalis upang ipagtimpla ako ng kape. Pasalamat siya dahil good mood ako ngayon. “Mukhang mabait ka ngayong araw,” sabi ni Cozbi na sumulpot nanaman sa aking tabi. “Ano nanaman ba?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko habang iniikot ang aking swivel chair paharap sa mesa. “Nasaksihan ko ang ginawa mong pagligtas sa bata, akala ko ba hindi mo siya responsibilidad?” Natahimik ako sa kanyang tanong at tiningnan ang litrato ko sa mesa. “He's too young, marami pa ang magagawa niya sa buhay.” “Magagawang kabutihan o kasamaan?” Nakangising tanong sa'kin. Mukhang binibigyan niya ako ng pala-isipan. “Desisyon na niya kung ano ang tatahakin niyang landas sa kanyang paglaki.” Sumandal ako sa swivel chair saka ngumiti kay Cozbi. “Paano kung lumaki siyang mamamatay tao?” Muli niyang tanong, mukhang sinusubukan niya ako. Palihim akong napangisi at hinaplos ang dulo ng aking buhok bago sumagot. Walang ganang tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. “Should I kill him now?” Seryosong tanong ko. Natigilan naman siya at tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan ang aking naging tugon. I scoffed a little and shake my head in disbelief. “Evil,” komento niya at naglaho. Saktong bumalik na si Ryan dala ang aking kape. Nilapag niya ang tasa sa aking mesa at tumayo sa aking harap. Mukhang may hinihintay siya kaya tinikman ko ang tinimpla niya bago tumango. “It's good, Doon ka sa labas magtrabaho, merong bakanteng mesa roon, that will be your workplace.” “Salamat po, Miss. Pasensya na ulit.” Tumango na lang ako at binasa ang files na nakatambak sa aking mesa. “When will you stop controlling that human?” He asked me seriously. I poured a little bit of Rum in an old fashioned glass and swirled the liquor. I just smirked evilly. I'm just going to stop when I already get what I want. “We should start doing our plans now, before it’s too late.” Ininom ko ang alak at kinuha ang isang litrato sa loob ng aking bulsa. “We are going to use this girl,” I placed the picture in the table and tapped it thrice. Kinuha niya naman ang larawan at pinagmasdan ng maigi. “Paano naman natin siya magagamit laban sa kanya? Mukhang wala naman silang koneksyon.” Naguguluhang tanong ng aking kasama at pinitik ang litrato. Mukhang nag-iisip siya ng maaring dahilan kung bakit nais kong gamitin ang babaeng nasa larawan. Ngumisi ako at muling nagsalin ng inumin sa old fashioned glass na aking hawak. “The curse, it will connect their fate. I’m just going to manipulate it, a little bit. We’re going to have some fun.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD