Chapter 5 - Culprit

2457 Words
“Isang bangkay ang nagtagpuan sa isang bakanteng lote na pag-aari nang—" Malakas kong ibinato ang suot kong itim na Stiletto sa flatscreen TV kaya iyon nahulog sa sahig at nabasag. Gumawa pa iyon ng malakas na tunog. Umagang-umaga ay tungkol sa p*****n ang nababalitaan ko, for some reason. I wanted to hear a good news, I wanted to have peace. Biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at humahangos na pumasok si Ryan na hinahapo. His eyes landed on the broken television. Mukhang nagulantang siya sa narinig kaya napasugod dito sa loob ng aking opisina. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ako ngunit ikinibit ko lang ang aking balikat bilang sagot. “Bakit po nabasag, Miss?” There's a hint of confusion in his voice while he was staring at me, still wondering. “Baka itinulak ng multo. I don't know, you can ask the television why it's broken.” Pabalang kong sagot at pinaglaruan ang ballpen na nakapatong sa aking mesa, samantalang siya ay naglakad palapit sa TV at kinuha ang aking Stilleto na nasira dahil sa lakas ng aking pagkakabato. Kita ko pa ang panghihinayang sa kanyang mga mata habang sinusuri ang sirang TV. I almost rolled my eyes at him. Magsasalita sana siya ngunit mabilis akong sumenyas na manahimik siya. “Shh! Don't say a word... Find someone to clean the mess,” I commanded and motioned Ryan to get out of my office to look for a janitor. Mabilis siyang lumabas upang maghanap ng maglilinis. Nag-isang linya ang aking kilay nang mapansin ko siyang bitbit pa rin ang aking Stiletto. I cringed, what a weird guy. Yumuko ako saka hinubad ang pares ng pag-aari kong Stiletto at itinapon sa basurahang nasa tabi ng mesa ko. Wala na rin naman 'yong kwenta dahil sira ang isa. I walk barefooted around my office, not minding the debris on the floor. Ramdam ko ang pagtusok ng ilang basag na salamin sa paa ko ngunit hindi ko inalintana. Dumeretso ako sa isang secret room. I made sure that no one's watching before pressing the secret button on the wall. Tumaas ang pader at bumungad sa paningin ko ang aking silid. Nagmamadaling pumapasok ako, agad namang sumara ang pader na nasa aking likuran nang ako'y nasa loob na. May sensor ang buong silid na ito kaya otomatikong nagsasara kapag nakapasok na ako o kahit na sinumang magtangka. “What the hell are you doing here?” Gulat kong tanong kay Cozbi na sinusukat ang ilan sa pag-aari kong heels. Hindi niya pinansin ang aking tanong bagkus siya'y ngumiti ng matamis habang naglalakad suot ang kulay pulang Wedge shoes. Matagal pa bago siya magsalita dahil ang buong atensyon niya ay sa mga sapatos kong naka-display sa loob ng kwarto. “Have you seen the news?” She asked in a low voice, her eyes are still fixed at the shoes. I shrugged my shoulder and stared at her while crossing my arms. “What news? Corruption? Forest fire? Pollution or Crime” Sarkastikong balik-tanong ko sa kanya. Tumigil siya at sumimangot habang nakatingin sa akin. Hinubad niya ang Wedge shoes makalipas ng ilang segundo saka ibinalik sa pinaglalagyan nito. "Uhh... Obviously, I'm asking about the crime. Maliligtas mo ba ang ilang hayop at tanim na nasunog sa forest fire? Masusolusyunan mo ba ang polusyon? May maitutulong ka ba upang mawala ang Corruption? Hindi ba wala? So yeah, I'm asking about crime." She gave me a knowingly look and crossed her arms in front of her chest. I rolled my eyes and reached for my peep toe heels in the upper part of the shoe rack. "What crime?" I asked her, pretending not to know anything about what she was asking a while ago. "Iyong tungkol sa bangkay na natagpuan sa isang lote. I know you heard the news." Cozbi sat in the couch and watched me intensely. Waiting for my response. "Yeah, so?" Walang pakialam na sagot ko. Ano naman kung may bangkay na natagpuan? Hindi ko sila responsibilidad. Hindi rin naman ako ang pumatay. "Find the culprit," seryosong sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. I gawked at her and scoffed then I plastered an evil grin in my lips. "Why would I?" I asked in a singsong tone. Subali't binigyan niya lamang ako ng isang makahulugang ngiti bago maglaho. Wala sa sariling napailing ako at umupo sa kamang narito. Nilinis ko ang aking paa, inalis ang ilang bumaon na bubog bago isinuot ang ankle boots heels at saka tumayo para lumabas sa tagong silid. Buti na lang dahil hindi naabutan ni Ryan ang paglabas ko rito. Ayokong may makaalam ng silid na 'yon. That room contain some weapons that can be used for killing evil spirits or fallen angels. Cozbi made them so I can easily summon it in just a snap. Lumabas ako sa'king opisina at pumasok sa aking private elevator. Hahanapin ko na lang si Cessair, gusto ko siyang makausap. Nais kong malaman kung talaga bang nakalimutan niya ako o nagkukunwari lamang siya dahil sa ginawa ko sa huli naming misyon. Paglabas ko ng elevator ay hindi magkamayaw ang mga nagtatrabaho sa pagbalik sa kani-kanilang desk. Ano naman kaya ang ginawa nila? I'm a hundred percent sure that they're gossiping, typical attitude of a human. Hindi na ako nag-abalang singhalan o pagsabihan sila. They have their own mind to differentiate things between what is right and wrong. Mas may mahalaga akong gagawin sa araw na 'to. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ang parking na nakalaan para sa akin. Sumakay ako sa pag-aari kong puting Bugatti Chiron at basta na lang pinaharurot patungo sa bahay ni Cessair. Sa pagkakaalam ko ay nakatira siya sa tabing-dagat. Napangiti ako nang maalala ang ginagawa namin kapag walang inuutos ang nakakataas. Pumupunta kami sa tabing-dagat, uupo sa buhangin o kay ay sa lilim ng puno para lang pakinggan ang tunog ng alon at pagmasdan ang nakakamanghang ulap sa taas ng dagat. I missed him. Sana sa pagkakataong ito ay maalala na niya ako. Kapag naalala niya ako, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Sasabihin ko kaagad kay Cessair ang lahat. Itinigil ko ang aking kotse sa labas ng mataas nilang gate nang marating ko ang kanyang address. Pinindot ko ang busina ng ilang beses. Lumabas ang isang dalaga na nakasuot ng uniporme para sa mga kasambahay. Lumapit siya sa aking kotse at kinatok ang salamin. "Good morning, Ma'am. Ano ho ang maitutulong ko sa inyo?" Magalang na tanong niya. Ngumiti ako ng matamis. "Luville, kamusta ka? Jan ba sa loob si Cessair? Gusto ko sana siyang makita." I gleefully approach Luville, we consider each other a close friend. Gosh, I missed her too. It’s been a long time. Napansin kong para siyang nagulat dahil nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nakatulala sa aking harapan. I snapped my fingers and forced a smile to get her attention. "P-paano niyo po ako nakilala?" Gulat na tanong niya sa akin. Huwag mong sabihin na kahit siya ay nakalimutan kung sino ako? Ano ba ang nangyayari? "You don't recognized me?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakangiwi, hinawakan niya pa ang kanyang baba. Mukhang hinuhukay niya ang kailaliman ng kanyang utak para alalahanin ako. "Pasensya na, Ma'am, ngayon ko lang po kayo nakita. Nagkakilala na ba tayo?" Kitang-kita sa mukha niyang hindi siya komportable sa akin. Naglilikot ang kanyang mga mata at pinaglalaruan niya ang kanyang hintuturo. "Nevermind, can I talk to him?" I asked her. Mukhang nag-aalinlangan siya dahil sa tanong ko. Mas lalo pa siyang naging balisa. "Pasensya na—" Mukhang balak pang tanggihan ni Luville ang nais ko. Batid kong hindi basta-basta nagpapapasok ng panauhin ang mga taong nagtatrabaho rito kapag walang permiso galing kay Cessair. Cessair is a private person and he doesn’t want anyone to interrupt him, well unless it was me but that was before, when he still remember me. "Kakausapin ko lang siya, importante lang talaga." Sinubukan ko siyang kumbinsihin ngunit mariin siyang umiling. Kahit anong pilit ko ay hindi siya pumapayag na pumasok ako sa bahay ni Cessair. Naiintindihan ko naman siya kung ayaw niya akong papasukin ngunit kailangan ko talagang makausap si Cessair. Kailangan kong maliwanagan. Kailangan kong makakuha ng rason kung bakit hindi nila ako maalala. Ilang sandali ay may dumating na sasakyan. Isang itim na Bugatti Veyron, batid kong siya iyon sapagkat magkatulad kami nang biniling sasakyan. Nagkaroon ako ng pag-asa. It's him, buti naman at dumating siya. The excitement filled my heart and it’s an overwhelming feeling. Bumaba ako sa sasakyan para makita niya ako. Maybe this time he'll recognize me. I’m really hoping that he will. I really missed him, I wish that I can feel his warmth again, the feeling of being wrapped around his arms while he’s whispering in my ear that everything will be fine. I missed the old us. I hope he remember me. I’m really hoping. "What's happening here? And why are you here outside?" He asked Luville in a serious tone. Bigla namang namutla ang huli at itinuro ako. "Gusto ka raw kasing kausapin, Sir. Nagpupumilit na pumasok," paliwanag niya habang tinuturo ako. I smiled sweetly at Cessair and raised my left hand to gave him a little wave. "Paalisin mo siya rito, hindi ko siya kilala." May iritasyon sa kanyang boses at umiwas ng tingin sa akin. Dumeretso siya sa pagmamaneho papasok sa kanyang bahay at hinayaan akong nakatayo sa labas. I was taken aback by his actions. Never in my wildest dream that he’ll do that to me. Kahit minsan ay hindi niya ako hinayaan sa labas ng bahay niya. Nagmamaktol kong pinadyak ang aking mga paa saka pinagsisipa ang gulong ng kotse. He's annoying! Why he's pretending that he doesn't know me? Ilang buwan lang naman ako nawala ngunit tuluyan na nila akong nakalimutan. Something is not right, I think someone has taken their memories. Dahil sa iristasyon ay hindi ko namalayang iniwan pala ako rito ni Luville. Sumandal ako sa aking kotse pagkatapos maglabas ng hinanakit. Huminga ako nang ilang beses bago pumasok sa loob ng kotse at nanatiling nakaupo. I was thinking of ways to get his attention, or maybe I’ll just crash to his house. Nagiging desperada na ako para lang magkaroon ng linaw ang lahat. Naiiling na ginulo ko ang aking buhok saka hinawakan ang manibela ng aking kotse. Hindi ko pa man binubuhay ang makina ng kotse ay may kumuha ng aking atensyon. Isang Wrangler jeep na kulay asul. Napahawak ako ng mariin sa aking ulo dahil sa pagsigid ng kirot, biglang pumasok sa isip ko ang isang pangitain. F**k! Ano nanaman ba? I have no choice but to follow the car. Ngunit nahuli ako dahil nabangga na ang kotse sa isang malaking puno. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa driver na dumudugo ang ulo. Hindi ko alam kung nawalan lang siya ng malay o baka namatay na. Nanghihinang binuksan ko ang pinto ng aking kotse at lumabas. Nais ko siyang lapitan at tulungan pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa, nanginginig ang katawan ko. Kay bilis ng pangyayari. "Poor him," narinig kong sambit ni Cozbi sa tabi ko. Hindi ko siya magawang tingnan dahil tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko, nakatulala lang ako sa lalaking naghihingalo sa loob ng Wrangler Jeep. "I... didn't save him," bulong ko sa aking sarili. Biglang sumama ang pakiramdam ko habang tinitingnan ang lalaking tuluyang mawalan ng hininga. Hindi ko siya nagawang iligtas sa kapahamakan, sa kamatayan. "Ain't my fault," huling sambit niya at muling naglaho. Bumalik ako sa loob ng kotse. Tinawagan ko muna ang 911 para ireport ang nangyari bago umalis. Wala sa sariling nagmaneho ako hanggang sa makauwi ako sa tinutuluyan naming bahay. Hindi ko nadatnan si Sphynx, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Marahil ay naghahanap ng punyal o espesyal na gamot. Nag-iipon siya ng mga gamot dahil lagi akong nakikipaghabulan sa kamatayan. "D*mn! Bakit mo iniwan ang katawan ng babae sa isang bakanteng lote? You should have burn the corpse! Paano kung may nakakita sayo?!" Galit na sigaw ko. Inabot ko ang isang bote ng Brandy at itinapon sa dingding ng aking opisina. Nabasag ang bote at kumalat sa sahig ang laman nitong likido. Nanginginig na humingi siya ng tawad sa akin, kulang na lang ay lumuhod siya at halikan ang aking sapatos. "Alam mo kung ano ang ayaw ko," kalmadong sambit ko bago kunin ang baril sa aking mesa. I shoot his head twice and let his bloody body dropped on the floor. "Take him away," utos ko sa aking kanang-kamay. Mabilis niyang sinunod ang aking utos at iniwan akong mag-isa sa'king opisina. Binuhat niya ang bangkay paalis, tumutulo pa ang dugo nito sa sahig. Pinatong kong muli sa mesa ang baril na ginamit ko sa pagpatay ng aking tauhan. Mga walang kwentang nilalang! Kinuha ko ang isang bote ng Whiskey at old fashioned glass sa loob ng kabinet ko. I poured a little whiskey on the glass before drinking it straight. I'm so frustrated right now! I need to do something. Something to quench my thirst, I must satisfy my blood lust. I’m still infuriated. Hindi ko alam kung bakit napapaligiran ako ng ganitong klaseng tao. Ang simple lang ng aking pinapagawa pero hindi nila magawa ng tama. Kinuha ko ang isang folder sa loob ng aking drawer. Isa-isang pinagmasdan ko ang mukha ng sunod kong bibiktimahin. Isang babae ang kumuha ng aking atensyon, sa ilalim ng kanyang larawan ay may nakasulat na pangalan. Napangiti ako habang hinahaplos ang kanyang mukha sa litrato. Ikaw na ang aking isusunod. Abella. Tinawag ko ang aking pinagkakatiwalaan at inutusan siyang hanapin si Abella. “Kapag nahanap mo siya, dalhin mo siya sa Leverams, doon ko isasagawa ang aking plano.” Ang Leverams ay ang bodegang nakatago sa gitna ng liblib na gubat. Doon ko ginagawa ang mga gawain ko upang walang makagambala sa akin. Nang maiwan akong mag-isa ay muli akong napangiti. Hindi ako makapaghintay sa gagawin ko. “I didn’t know that he’s an evil too,” aniya habang nakangisi. Pinagmamasdan niya ang isang lalaki gamit ang kanyang mahiwagang salamin. Ilang taon na niyang minamatyagan ang lalaking iyan, dahil alam niyang magagamit niya ito sa kanyang mga plano. He’s perfecting his plans to have more power. To be stronger than us, than him. Kaya kahit umabot pa ng ilang taon ay handa siyang maghintay makuha lang ang kanyang hinahangad na kapangyarihan. He is manipulating everything, even the deaths. I had no complaints because I can benefit from his plans. I smirked evilly and shifted my form into an albino phyton snake. I’m going somewhere to spy on her. Just wait a little longer, we will meet in person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD