I still can't get over to the incident that happened days ago. Hindi ko nailigtas ang lalaki sa kamatayan. Kung mabilis ko sanang nagawan ng paraan upang pigilan ang nakatakdang mangyari sa aking pangitain, hindi na sana nagluluksa ang pamilya niya ngayon.
Napatingin ako sa isang batang babae, tingin ko ay anim na taong gulang pa lang siya. Nakatitig siya sa kabaong ng kanyang ama, ang kanyang ina naman ay humahagulgol sa tabi niya. Walang emosyon ang mukha ng bata ngunit alam kong batid niya ang nangyayari. Kahit walang emosyon ang kanyang mukha ay nakikita ko ang pagluluksa sa kanyang magagandang mata.
Nawalan siya ng ama dahil sa akin. Dahil sa kapabayaan ko. Muling napuno ng pagsisisi ang aking puso.
"Kalimutan mo na ang nangyari, hindi sa lahat ng oras ay magagawa mong pigilan ang kamatayan." Sabi ni Cozbi na sumulpot sa aking harapan. She's wearing a short, black skirt and a black tube. Kapansin-pansin ang sungay at pakpak niya. Hinahaplos niya ang dulo ng kanyang pakpak habang nakatitig sa mag-inang nagluluksa.
"Baka may makakita sayo," mahinang sabi ko. Sumimangot siya at itinago ang kanyang pakpak at sungay. She walked beside me and bumped my shoulder lightly, just to get my attention.
"Get over it, that's life!" She exclaimed in annoyance. Tiningnan ko siya ng masama. I was about to scold her but I remembered that she won’t feel any sympathy, demons don’t feel it.
"Kasalanan ko," saad ko. Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ng bata. Ngunit agad niyang binawi ang tingin. Yumakap siya sa kanyang ina saka hindi na muling lumingon sa kinatatayuan ko. I can feel her sadness, fear and confusion.
"What-the-hell-ever!" Naiinis niyang sabi bago tuluyang naglaho sa tabi ko. That evil! I gritted my teeth and clenched my fists. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Maybe I’m disappointed with myself for not saving him.
Nagpasya na lang akong umalis dahil wala naman akong mapapala rito. Mas lalo lamang sasama ang loob ko sa aking nasasaksihan. Dahil wala akong dalang sasakyan ay naglakad ako sa gitna ng mahabang daan. Madilim ang daan at halos wala nang sasakyan ang gumagawi sa lugar na ito. Naririnig ko ang ingay na nagmumula sa loob ng masukal na gubat. Ingay na nagmumula sa mga mababangis na hayop.
I stopped walking because of the black cat that suddenly jumped in my front. The cat meowed while staring at me. I raised my brow and continued to walk but the black cat blocked me again.
"Shoo!" Pagtataboy ko ngunit hindi siya umalis. I rolled my eyes and took a side step. Subali't napansin kong sumusunod sa akin ang pusa.
"Shoo!" Muling pagtataboy ko sa pusa pero nakatitig lang ito sa akin. Kaya naman binuhat ko na lang ito at masuyong hinaplos ang kanyang balahibo.
"Ano ba ang problema mong pusa ka? Bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba?" Mahinahong tanong ko. Para akong baliw na nakikipag-usap sa pusa. Tumalon ang pusa mula sa pagkakahawak ko at tumakbo palayo, tumigil siya sa b****a ng gubat saka ako nilingon. It was like the cat is telling me to follow.
"Fine!" Walang ganang sabi ko bago siya sundan. Tumakbo siya sa gitna ng gubat hanggang sa makarating kami malapit sa ilog. Tumigil siya sa harap ng isang puno at muling lumingon sa akin, muli kong naitaas ang aking kilay dahil sa kanyang inaakto.
Huminga ako ng malalim at marahang naglakad palapit sa pusang itim habang inoobserbahan ang buong paligid. Wala namang kakaiba sa lugar na ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid para sipatin kung meron bang kahina-hinala o may panganib na nakaantabay. Wala talagang kakaiba. Nakarinig ako ng kaluskos sa 'di kalayuan dahilan para matigilan ako. Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking puno upang hindi ako makita ng paparating na nilalang.
Napansin ko ang isang lalaking naglalakad palapit sa kinatatayuan ng pusa. May bitbit siya na malaking bag at napansin kong parang hirap na hirap siya buhatin 'yon. Marahil ay mabigat ang laman ng kanyang dala, ano kaya ang laman? Puno ng kuryosidad kong tanong sa aking isipan.
Itinapon niya ang bag sa lupa at nagsimulang maghukay. I am just watching the person silently. Ang pusa naman ay dinidilaan lang ang kanyang kamay at walang pakialam sa nangyayari.
Pagkatapos niyang maghukay ay binuksan niya ang bag upang kunin ang nasa loob nito. Nagulat ako ng ilabas niya ang isang bangkay ng babae. Itinapon niya ang bangkay sa hukay at mabilis na tinabunan. Matapos ay pinunasan niya ang kanyang kamay habang sumisipol na naglalakad palayo hanggang sa tuluyan siyang makaalis.
What the f**k did I witnessed? I was dumbfounded because of it.
Nilapitan ko ang hukay at pinagmasdan ang paligid. s**t! Ngayon lang pumasok sa isip ko na ginawa itong isang libingan. I noticed that there’sa freshly dug grave.
"Meow!" Binuhat ko pusa saka tinitigan sa mga mata. "Kaya mo ba ako dinala rito?" Para akong baliw na umaasang sagutin niya ang tanong ko.
"Meow!" Tanging sagot niya. Marahan kong binaba ang pusa upang ilapag sa lupa. Naglakad siya palayo sa akin, nakataas pa ang kanyang buntot. Umikot siya ng dalawang beses pagkatapos ay biglang umusok ng makapal at nagbago ang anyo niya. Ang pusa ay naging bata. Isang batang lalaki.
May maliit siyang pakpak at putol ang kanyang mga sungay. Humikab siya habang nakasandal sa puno at tamad na nakatingin sa akin.
"Maraming bangkay sa paligid," saad niya nang mapansin akong nakamasid. Itinuro niya ang kinatatayuan ko at muling humikab. Mukhang wala siyang interes sa mga taong lihim na nakalibing sa lugar na ito.
"They need help," dagdag niya. The little boy snapped and the shovel magically appeared in the air.
"Hukay na," utos niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Imagine, inuutos-utusan ako ng isang bata.
"I'm a century older than you." Pagbibigay alam niya sa akin. Napangiwi ako dahil sa sinabi niya at nagsimulang maghukay. Hindi manlang siya tumanda, literal na baby face.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil ang buong atensyon ko'y nasa aking hinuhukay. Umaga na pala, pinagmasdan ko ang kalangitan saka tiningnan ang bangkay na nahukay ko.
There are a total of five dead bodies. Puru babae ang biktima, hindi ko makilala ang mga mukha dahil malapit na silang madecompose, ang iba sa kanila ay sadyang sinira ang mukha upang hindi malaman ang pagkakakilanlan.
"Kilala mo ba kung sino ang naglibing sa kanila? 'Yong pumatay?" Tanong ko sa kasama ko. Panandaliang nag-isip ang bata saka ngumisi.
"Why don't you look for the answers?" Nanghahamon na balik-tanong niya sa akin.
"Just answer me, doofus!" He glared at me. Tumayo siya at tiningnan ang mga bangkay na nahukay ko. Tinapat niya ang palad sa mga bangkay at napansin ko ang puting usok na unti-unting humihiwalay sa katawan ng mga biktima.
"So... Satisfying," nakapikit na sabi niya hanggang sa tuluyang mawala ang puting usok. Napansin kong mas lalong bumata ang kanyang pagmumukha.
"Ano 'yon?" Hindi mapigilang tanong ko dahil sa kuryosidad.
He smirked roguishly. "Oh that? Souls," he said nonchalantly after shrugging his left shoulder.
Ibinalik ko ang tingin sa mga bangkay. Dapat na malaman ito ng pamilya nila. Dapat kong ipagbigay alam ito sa kinauukulan.
"Sino ka?" Bigla akong tumalikod nang may magsalita sa'king likuran. Isang lalaki ang nakita ko, nakasuot siya ng itim na hoodie. May dala siyang rifle. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha.
"I'm just a nobody," mahinang sagot ko gamit ang malamig na tinig.
Itinutok niya ang rifle sa aking noo at nagbabantang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pasimpleng tiningnan ko ang bata kanina ngunit wala na siya. Iniwan niya akong mag-isa rito.
"What are you doing here?" Seryosong tanong niya sa akin.
"I am just passing by," matapang kong sagot. Iyon lang ang rason na pumasok sa aking utak.
He chuckled sarcastically. "Passing by? Saan ka naman pupunta? At bakit may mga bangkay sa likuran mo?"
Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking kilay. "Honestly, I don't know why I'm here. Hinukay ko lang ang mga bangkay, I need to report it."
Ikinasa niya ang hawak na rifle dahilan para matigilan ako.
"Die!" Mahinang sambit niya ngunit napangiti ako. Mukhang nagulat siya dahil sa inakto ko at hindi inaasahang ngingiti pa ako kahit nasa bingit ako ng kamatayan.
"Go ahead, kill me. I'm not afraid of death."
"Nagawa mo ba ang pinag-uutos ko?" I asked my men with full authority.
Tumango siya bilang sagot at nanatiling nakatayo sa aking tabi. Hinihintay ang panibago kong utos. Sinandal ko ang likod ko sa dingding ng aking opisina. Bumaba ang tingin ko sa hawak kong old fashioned glass, marahan kong ginagalaw ang baso para makita ang yelong unti-unting natutunaw.
"Ano ang balita tungkol sa paghahanap?" Tumayo ako ng tuwid at inisang laghok ang likidong laman ng baso.
"Wala pa rin. Wala kaming mahanap na lead kung nasaan siya," mahinahon ngunit kinakabahang sagot ng tauhan ko. Nanatili siyang nakayuko at iniiwasang magtagpo ang aming paningin.
Huminga ako ng malalim para maalis ang inis na namumuo sa dibdib ko. I can’t control my anger, even if I tried to.
"Lumabas ka bago pa kita mapatay," nagpipigil na utos ko. Nagmamadali silang lumabas. Tinapon ko ang hawak kong baso sa pader kaya iyon nabasag. I must find her!
"You are using her to get what you want. Ngunit hindi mo ba naiisip na siya mismo ang dahilan kaya hindi mo makuha ang nais mo? Nagiging hadlang siya." May kalakasang sabi niya habang nakasunod sa aking likuran, kulang na lang ay kulbitin niya ako upang maibaling ko ang paningin ko sa kanya.
I rolled my eyes at him. Ano naman ngayon kung nagiging hadlang siya? I'm the one who's manipulating everything, ako mismo ang nagpapahirap sa sarili ko. I love challenging myself.
"Just let her be," mahinang sagot ko habang nakangisi. Naglaho siya sa aking silid. Nang makaalis siya ay lumapit ako sa malaking kahon na gawa sa salamin.
Tiningnan ko ang espesyal na punyal sa loob ng salamin na kahon. Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Ito lang ang tanging punyal na makakapatay sa aming kauri, at sa taong nasa ilalim ng aming pangangalaga. Hinaplos ko ang salamin ngunit binabalot ng lungkot ang aking puso. Marahas kong ipinilig ang aking ulo at tumalikod.
Malapit na...