I massaged my temple after seeing the visions that flashed in my mind. Ano ba ang nangyayari sa mundong 'to, bakit ko ba kailangang iligtas ang mga taong walang disiplina sa kanilang sarili? They have their own mind so they should think about their welfare. Mariin kong hinawakan ang gilid ng mesa, nahihilo pa ako dahil sa aking pangitain. Parang ginagalugad ang bawat parte ng aking utak. Saktong kakabukas ng pinto at pumasok si Ryan kaya nadatnan niya ako sa sitwasyong ito. Mabilis na tumakbo siya sa aking tabi upang alalayan ako. "Miss! Nahihilo po ba kayo?" Tanong niya sa akin. Gusto ko siyang batukan dahil halata naman sa aking kilos. Hinawakan niya ang aking braso saka inalalayan akong maupo sa swivel chair. Tumakbo siya palabas sa opisina at pagbalik niya ay may dala na siyang high

