Chapter 2

2141 Words
"I'm sorry. Wala na ang bata sa tyan mo, Kasa." Sambit ni Kuya na nagpabasag sa aking puso. Tila nanlumo ako sa sinabi nya. Napatakip ako sa mukha ko at hindi na mapigilan na lumuha. "Kasalanan ko 'to, Kuya." Sisi ko sa sarili at napahagulhol. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin. "Hindi mo iyon sinasadya." Pagtatahan ni Kuya sakin pero hindi ko iyon pinakinggan. Paulit-ulit ko sinasabi na 'kasalanan ko ang lahat kaya nawala ang anak ko. Masakit, sobrang sakit na malaman iyon. NAGISING ako sa ingay ng telepono na nasa tabi ng kama. Tamad kong inabot iyon at nilagay sa tainga. Nanatili pa rin nakapikit ang mga mata ko at ayaw ko pa 'yun idilat dahil sa antok na naramdaman. "Bakit ang tagal mo sumagot, Mika!?" Stress agad na bungad sakin ng manager ko. Anyway, he's a gay and also my friend. "I'm sleeping until you disturbed me." Napapaos ko pang sagot. "Bumangon ka na dahil pupunta dyan si Kaleid. Dumating na rin ang dress na inorder mo. I just called you to remind those things. Tumayo ka na dyan sa kama mo at maghanda. Enjoy your trip to Romblon with Kaleid. Bye!" Bago pa ko sumagot ay binaba nya na ang tawag. Hindi ko magawa na sumingit kanina sa mga sinabi nya dahil ang bilis nya magsalita. Binalik ko ang telepono sa mesa. Tumihaya ako at dinilat na ang aking mga mata. Napatitig ako sa kisame. Hinawakan ko ang aking pisngi at naramdaman na basa ito. I cried again because of that dream. Siyam na taon na ang nakalipas nung mangyari iyon pero ang hirap pa rin kalimutan. Malalim ako napabuntong-hininga. Tumayo na ko sa kama at pumunta sa isang mesa kung saan nakalagay ang bote ng wine na hindi pa nauubos. Kinuha ko iyon at binuksan. Pagkatapos ko lagyan ng alak ang baso ay nilagok ko 'yun. Ininom ko ng buo. Ang pait at init ng alak ay dumaan sa aking lalamunan kaya napapikit ako saglit. Alas onse na ng umaga. Nasobran ang tulog ko dahil sa kalasingan ko kagabi. Mag-isa lang ako uminom ng alak dito sa kwarto. Gusto ko sana pumunta sa isang bar pero alam ko naman na may mga nakasunod sakin kaya 'di ko na tinuloy. Naisipan ko uminom para kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga masalimuot na nangyari sa buhay ko. Hindi naman palagi ay ginagawa ko 'to, kapag gusto ko lang din. "Ate Marie, may dumating ba na order ko rito?" Tanong ko sa isa sa mga katulong dito sa bahay. Bumaba na ko dito sa living room pagkatapos ko maligo at magbihis. This house is not mine. Si Kaleid ang may-ari nito. Malaki ang bahay at maganda ang interior design kahit sa labas. The house has two floors. Ang second floor ay may apat na kwarto at sa first floor naman ay may isang kwarto para sa guest room. Madalas ang uwi ni Kaleid sa condo kaya masaya ako na hindi ko sya nakikita at nakakasama palagi rito sa bahay pero minsan ay umuuwi rin sya. Twice a month siguro. Kapag nandito naman sya ay sa kwarto lang din ako nakakulong. "Opo, Ma'am. Nasa kwarto nyo na." Sagot sakin ni Ate Marie habang papalapit sakin. Dalawang katulong ang meron dito sa bahay. Akala ko nga ay mag-isa lang ako titira rito. Ayos lang din naman 'yun sakin. I was 18 years old when I started to live here. Doon na nagsimula ang lahat, tungkol sa unang trabaho ko at malaman ang pagkatao ni Kaleid. Mas dumagdag ang galit ko sakanya. Naging poot na ito. "Kumain po muna kayo ng hapunan, Ma'am." Aniya na napahinto sakin. Babalik sana ako sa taas nang marinig ko ang sinabi nya. Hinarap ko sya ulit. "Mamaya na ko kakain." Nginitian ko sya at tinuloy na ang pag-akyat sa taas. Hinanap ko agad ang paper bag sa kwarto at nakita ko iyon na nakalapag sa tabi ng mesa. Kinuha ko ang dress na nasa loob. Napangisi ako nang makita ang disenyo ng maxi dress na nabili ko. Sa yacht gaganapin ang birthday ng celebrant kaya lahat ng pupunta ay dapat nakasuot ng bohemian attire at suot din ang maskara. Iyon ang nakasulat sa invitation. Simple ang kasuotan pero magarbo tingnan. ALAS dos na ng hapon nang dumating si Kaleid sa bahay. Nakapag impake na rin ako sa maliit na maleta ko para sa mga extra clothes and other things. We will stay in Romblon for one night. Bukas pa raw ng hapon kami babalik dito. Wala akong imik na sumakay sa sasakyan nya. Pareho kami tahimik buong byahe. Pati rin sa pagsakay ng eroplano ay hindi kami nag-usap dahil wala rin naman dapat pag-uusapan. Umabot ng dalawang oras ang byahe bago kami makarating sa Romblon at sa hotel na tutuluyan namin. Lumabas na ko sa SUV na nagsundo samin kanina sa airport. "Ako na magdadala ng gamit ko." Saad ko nang makita ang isang guard na binuksan ang compartment ng SUV. Sinunod naman nya ang sinabi ko at binigay sakin ang maleta. Nakita ko naman ang pag-arko ng dalawang kilay ni Kaleid habang nakatitig sakin. What's his problem? Iniisip ba nya na dapat hayaan ko ang maleta ko sa guard? Hindi ako lumpo. Pagkarating namin sa lobby ng hotel ay mas lalo ako nawalan ng gana para kumilos. Ang inaasahan ko na mangyari ay nangyari na. The hotel staff says that we have to stay in one room because someone requested it. Sino pa ba? Ang nanay ni Kaleid. Tiningnan ko ang lalaki na nasa tabi ko at hindi manlang ako sinulyapan kung ok lang ba 'to sakin. Kung sa mga palabas ay magrereklamo na ang babae pero di ko yun ginawa dahil sa mga mata na nanonood sa amin. This is so cliche but still happen to me. Napa-poker face ako. * * "Kukuha ako ng bagong room." Pagkapasok namin sa loob ng room ay agad ko na 'yun sinabi. As usual, the room has a king size bed. Malapit ito sa veranda. May malaking flat screen TV din na nakadikit sa pader at ang harap nito ay ang dalawang sofa. Maluwag ang espasyo ng room. Ang maliit na daan patungo sa bathroom ay makikita mo agad pagkapasok mo pa lang. "We are married, Kasa. I can't let you to do that." Tinabi nya ang kanyang maleta sa paanan ng kama. "Nandito ang mga relative ko. Baka magtaka pa kung bakit hiwalay ang kwarto natin." Napaikot ang mga mata ko dahil mukhang talo na naman ako. "Yes, kasal tayo pero kailanman ay hindi tayo nagsasama sa isang kwarto." Diin ko. Tumagal ang titig nya sakin na parang sinusuri ang bawat reaksyon ko hanggang umangat ang sulok ng labi nya. "Are you dissapointed? Dahil hindi kita nasasamahan sa bahay." Mas tumalim ang titig ko sakanya. "Stop it, Kaleid. Seryoso ako. Masaya ako na hindi makita ang pagmumukha mo." Narinig ko ang mahina nyang pagtawa na nagpainsulto sakin. "Wala akong gagawin na masama sayo dito sa loob ng kwarto kung iyan ang iniisip mo." Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan hanggang naglakad sya papalapit sakin. Hindi ako nagpatinag sa pwesto ko kahit ramdam ko na ang kaba sa akin dibdib. Ang ngisi nya sa labi ay nawala nang makalapit sakin. Seryoso nya ko tinitigan. Kita ko kung paano tumaas baba ang mga mata nya sa mukha ko. Bumaba ang tingin ko sa braso nya nang hapitin nya ang bewang ko papalapit sakanya. Napasinghap ako sa biglaan ginawa nya. Sa sobrang dikit namin ay ramdam ko ang init nyang katawan na lumalatay sakin. Galit ko inangat ang mga mata ko sakanya. Ngunit bago pa ko maka-angal ay naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. He kissed me deeply and throughly. I don't want to open my mouth but he bite my lips. D*mn you, Kaleid. Sabay ng paglagay ko sa aking palad sa kanyang dibdib ay ang paghawak nya sa aking batok. Akmang itutulak ko na sya nang ihiwalay nya ang kanyang labi sakin at napunta ang mukha sa aking tainga. "But kissing you and having s*x with you are not bad." May halong erotiko na bulong nya sakin. At, binitawan ang aking bewang. Sa sobrang galit ay hindi ko na mapigilan na bigyan sya ng isang sampal. Tumaas ang kanyang kilay at bumalik ang naiinis nyang ngisi. "Call the other woman if you have a s*xual desire!" Mariin kong sabi. "I'm not that kind of husband, Kasa. Why I am calling somone if my desire is you? Asawa kita kaya asahan mo na may mangyayari sa atin." Gusto ko tawanan ang mga sinabi nya pero di ko magawa. Sa tagal ng pagiging asawa namin ay ngayon ko lang iyon narinig mula sakanya. I know that he have needs as a man. Hindi ko rin alam kung nakikipag-s*x sya sa ibang babae dahil wala naman ako naririnig o baka sinisekreto nya lang? Ah, gusto ko masuka. Pumunta agad ako sa comfort room nang mapag-isa rito sa kwarto. Lumabas si Kaleid dahil sa pinsan nya na tumawag sakanya. Napupuyos pa rin ang galit ko sakanya dahil sa ginawa nya. Binuksan ko ang gripo ng lababo at napahilamos sa mukha. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Habang nakatitig sa sarili ko ay napahawak ako sa labi ko na kinagat ni Kaleid kanina. Marahas ko binasa ng tubig ang aking labi. Gusto ko mabura ang halik nya sakin. Hindi ito ang unang beses na hinalikan nya ko kaya sa tuwing napupunta ang halik nya sakin ay napapahilamos ako. * * SUMAPIT na ang gabi kaya nakapag-bihis na ko para sa party mamaya. I'm wearing a black maxi backless with v-neck deep long dress. Medyo exposure ang balat ko sa suot ko ngayon at sanay na ko sa ganito kaya walang problema sakin. Humarap ulit ako sa salamin. Kita ang likod ko at ang cleavage ko sa long dress na suot ko. May hiwa din ito sa bandang hita. I really like the design. Inayos ko na rin ang mukha ko sa simpleng make-up. Naunang nagbihis si Kaleid at nakakainis pa dahil parehong itim na kulay ng suot namin. Gusto ko sana magpalit pero ito lang ang dala ko na magandang damit. Malalim ako napabuntong hininga. Pagkatapos ko suotin ang sandal ay lumabas na ko sa kwarto at dumiretso sa elevator para bumaba sa first floor ng hotel. Ang tanging dala ko lang ay ang mascara. Hindi na ko nagdala ng purse bag dahil malapit lang din naman ang party na pupuntahan namin. "Oh, your wife is here!" Masaya si Kaleid habang kinakausap nya ang dalawang lalaki sa harapan nya ngunit nang mapunta ang tingin nya sakin ay napawi iyon. Tumabang ang ekspresyon ko nang mapansin ang mapanuri nyang mga mata na gumala sa buong katawan ko. Bago pa ko makalapit sakanila ay lumayo na ang dalawang lalaki kay Kaleid. "Ako nalang dapat ang pumili ng susuotin mo kung 'yan pala ang gusto mo." Bungad nya agad sakin. Napairap ako at hindi pinansin ang sinabi nya. Tumaas ang kanyang isang kilay nang wala syang narinig na salita mula sa'kin. Walang pasabi na kinuha nya ang aking kamay at inilagay iyon sa kanyang braso. Hindi na ko umangal at sumunod nalang sakanya. I'm tired to talk with him. Habang naglalakad papunta sa party ay marami kami nakakasalubong na kilala ni Kaleid. Halos lahat sila ay una ko lang nakita. Kapag kinakausap nila ako ay tipid ko lang sasagutin. Hindi ako interesado na makilala ang pamilya at mga kaibigan nya. "I'm going to comfort room." Paalam ko kay Kaleid at bumitaw sa paghahawak sa kanyang braso. Nasa loob na kami ng yacht. As expected, the party is so expensive and elegant. May mga instrumento rin na pinapatugtog. The music they are playing is an old classic. Lahat ng mga bisita ay mahihina na nag-uusap. I'm thankful na may maskara ang tema ng party na 'to. Hindi sa nahihiya ako na ipakita ang mukha ko, bagkus ay ayaw ko na makita ang mga mukha nila. Lumabas na ko ng comfort room pagkatapos ko maghugas ng kamay at tingnan ang ayos ko. "Mrs. Falaguerra!" Hindi pa ko nakakalayo sa comfort room ay narinig ko iyon. Pinatuloy ko pa rin ang paglalakad hanggang sa may humarang sa harapan ko. Napatigil ako. Ang babae na nasa harapan ko ay hindi nakasuot ng maskara. Nakita ko sya sa mga litrato kaya alam ko kung sino sya. I didn't expect that she will give me a beso. Kaya nagulat ako. "Where's Kaleid? Akala ko, magkasama kayo." She sweetly said. "Happy Birthday, Ma'am." Unlike her, hindi ako nakangiti. But I'm still being polite to answer her. "Magkasama kami ni Kaleid. Humiwalay ako sakanya para..." Hindi ko na natapos dahil dumating na si Kaleid. "Mom." Tawag nya. Nasa harapan kami ng ina nya. Hindi ko alam kung bakit nya ko agad nakilala kahit nakasuot ako ng maskara.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD