Chapter 1

2498 Words
Napunta ang tingin ko sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito. Doon ay nakita ko si Kaleid na pumasok habang suot pa ang kanyang puti na coat. "You are so early." Hinubad nya ang kanyang coat at ipinatong sa swivel chair na nasa likod ng table nya. Pagod ko sinandal ang likod ko sa sofa at napahalukipkip. Matalim ang mga mata ko na pinagmasdan sya. He's already in 30's and it's obvious he's maintaining his body to be fitted or I can say he have a healthy body. Yeah, yeah because he is a doctor. Matipuno ang katawan. Ang suot ng gray polo shirts ay humahapit sa katawan nya. Naka-tuck in ang damit nya sa itim na pants nya kaya halata ang kanyang mahabang bias. Umangat ang tingin ko sa mukha nya. Malinis ang pagkakagupit sa buhok nya. It's look like an undercut hairstyle. Hindi ko na binaba ang tingin ko sa mga mata nya dahil sa boses na narinig ko. "Kailan matatapos ang titig mo sakin?" Then I saw his smirked. Napairap ako at tinaasan sya ng kilay. Kung iniisip nyo na malamig at tahimik ang magiging trato nya sakin? Hindi. Lagi nya pinapakita sakin ang maaliwalas nyang mukha. Iyon ang nakakainis at pinaka ayaw ko na makita. Kung makaasta din sya sakin ay parang close kami kahit hindi naman. "Bakit mo ko pinapunta dito?" Irita ko at di pinansin ang tanong nya. Dahan dahan sya lumapit sa pwesto ko. "Dahil asawa kita. I just wanted to see you." Mas lalo sumama ang titig ko sakanya. Nagulat ako nang umupo sya sa tabi ko. Hindi nya ito ginagawa sa tuwing pumupunta ako rito dahil lagi sya nakaupo sa swivel chair nya. Napangisi ako nang may maalala. Oh, fvck, really. Ang talas ng amoy nya. Kahit naglagay ako ng pabango sa katawan ay hindi pa rin nawala ang amoy ng sigarilyo mula sa bibig ko. Actually, sinadya ko talaga na hindi maglagay ng mint candy sa bibig o mag toothbrush bago pumunta rito kasi akala ko talaga ay hindi nya mapapansin. Akmang tatayo na ko para lumayo dahil ayoko makatabi ang isang killer pero hinawakan nya ang palapulsuhan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan galit na lumatay sakin. "Did you smoke again?" Wala na ang aliwalas sa mukha nya at napalitan iyon ng seryoso. Nagsisimula na rin dumilim ang mga mata nya na nakatitig sakin. Isa ito ang gusto ko makita mula sakanya. Ang galit nya. Pero nakakainis din dahil may parte sakin na ayaw makita ito dahil sa takot. Iba sya magalit. Nakita ko na ng isang beses. Tahimik ako napalunok. This is so cruel and hard. Gusto ko sya galitin at saktan pero parang ako iyong umaatras. Diniinan ko ang pagkakabaon ng kuko ko sa kamay para mawala ang kaba at mga bagay nagpapatalo sa isip ko. Kailangan ko ipakita na hindi ako natatakot sakanya at galit ko lamang ang mapansin nya. Handa na sana ako magsalita nang ilapit nya ang mukha nya sa leeg ko. Napasinghap ako sa biglaan ginawa nya. "What the fvck! What are you doing!?" Galit ko. "One move and I'll call your brother." Malalim at strikto nyang banta. Dahil doon ay naiwan sa ere ang isang kamay ko na dapat itutulak sya. Naikuyom ko na lang ito habang binababa. Hawak nya pa rin ang palapulsuhan ko. I shut my eyes because of the frustration. Tila tumindig ang mga maninipis na balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa aking balat. I also hear his sniff in my neck. s**t. Napakagat ako sa aking labi dahil doon. "So, you put the perfume in your body to hide your cigarette smell..." Inalis nya na ang kanyang mukha sa aking leeg ngunit ang lapit nya pa rin sakin. Binitawan nya ang aking palapusuhan. Akala ko ay lalayo na sya pero laking gulat ko nalang nang maramdaman ko ang kamay nya sa panga ko. "But you cannot hide the smell in your mouth. Sinasadya mo ba 'to, Kasa?" Gamit ang hinlilit nyang daliri ay pinagitna nya iyon sa labi ko. Kita ko ang mga mata nya kung paano nya titigan ang labi ko. Bago pa man may mangyari na hindi ko magustuhan ay marahas ko tinanggal ang kamay nya sa panga ko. Siguro naman ay pwede na ko gumalaw ngayon dahil tapos na ang pakay nya. "I just smoke to relieve my stress. Ang tagal ko na rin hindi iyon ginagawa kaya wala masisira sakin." Depensa ko. "Masisira ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya mo kapag nalaman ko ulit na nag sigarilyo ka." Tumayo na sya at lumayo sakin. Mabigat ako napabuntong hininga. Yan na naman ang pananakot nya. Bullsh*t. Lahat ng gusto at ayaw nya ay kailangan ko sundin dahil kung hindi ko iyon gagawin ay makukuha nila ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Mawawalan din ng trabaho ang kuya ko at mas malala pa ay baka patayin nila ang kapatid ko. Pati mga kilos ko ay kailangan bantayan. I don't have freedom to do anything I want. It's really unfair. "Pumayag ako sa mga trabaho na binibigay mo na kailanman ay hindi ko tinanggi kaya wag mo naman sana pagbawalan ang mga gusto ko, Kaleid!" Singhal ko. "I really don't want you to use the cigarette." Bawat salita ay dinidiinan nya. "Stop smoking, Kasa. It's so dangerous to your health." Dugtong pa nya habang seryoso na nakatingin sakin. I roll my eyes. "So what? Paki mo kung delikado sa kalusugan ko. Wag mo sabihin na nag-aalala ka dahil sa asawa mo ko?" Namilog ang mga mata ko nang hindi nya ko sagutin at nanatili lang ito tahimik na nanonood sakin. "Oh, fvck, Kaleid." Sarkastiko ako na natawa pero di rin iyon nagtagal. Tumayo na rin ako para maabot ang tingin nya sakin. Mas matangkad sya sakin pero hindi iyon hadlang para hindi ko bigyan sya ng masama at galit kong tingin. "Hindi mo ko madadala sa pag-alala mo dahil mas delikado pa 'to sa binibigay mo na trabaho sakin. Wala kang narinig na reklamo mula sakin nang malaman ko na kailangan ko pala humubad at ipakita sa ibang tao ang buong katawan ko dahil lang sa trabaho na binigay mo!" Sabay ng pagpikit nya ay napahawak sya sa kanyang sentido na tila napupuno na ang pasensya nya. Tumaas ang kilay ko sa nakita kong reaksyon mula sakanya. Mahigit isang buwan na ko nagtatrabaho bilang modelo sa isang agency. Kung akala ng iba ay normal ito na model agency pero hindi dahil may prostitusyon na nagaganap. Sabi nila legal ang agency na ito. Legal dahil maraming pera ang may-ari. There's also a reason why Kaleid assigned me here. Iyon ang makaapak sa kompanya ng agency at malaman kung sino ang mga tao na sangkot dito. Nakatatlong photo shoot na ko sakanila. Ang una ay pinasuot nila ko ng sexy lingerie, pangalawa ay may mga kasama ako at lahat kami ay naka swimsuit. Sa panghuli ko na model ay tinawagan nila ko para sa nude photoshoot which is I should be naked. Inaasahan ko na mangyayari iyon kaya pumayag ako. It's my first time to show my full body without my clothes. Hindi ko pinansin ang mga titig ng mga tao sa loob ng room. Ang lumalapit lang sakin ay make-up artist. Nandoon din ang aking manager na binabantayan ako at ginagabay sa kilos na dapat ko na gawin. The photographers and staffs were professional on their job. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatagpuan kung saan nangyayari ang prostitusyon. "Is there someone who touch you? Tell me the name of that fvcking person, Kasa." Sa pagdilat nya ay ang pagliyab ng galit sa mga mata nya. Kung kanina ay pinipigilan nya ito ngunit ngayon ay pinapakita nya na sakin. Napalunok ako sa kaba. I should be thankful dahil hindi ito ang galit na nakita ko sakanya noon. May mas malala pa. "Walang humawak o gumalaw sakin. Bakit ka nagagalit? Ikaw ang nagbigay ng trabaho kaya dapat panindigan mo." Dito ako magaling, ang magpanggap na matapang sa harapan nya. Narinig ko ang mahina nyang pagmura. Kumunot ang noo ko nang talikuran nya ko at dumiretso sa kanyang mesa. Sa kilos nya ay tila wala na syang balak na sagutin ako. "We should stop. Hindi kita pinapunta rito para pag-usapan ang trabaho mo." Mahinahon na nyang turan. Inis ako napairap. Ngayon ay naguguluhan ako dahil parang nag-aalala pa sya kahit alam ko naman na wala sya nararamdaman sakin. Naisipan ko na gumanti noon at gamitin ang pagkahulog ng loob nya sakin para saktan sya pero hindi gumana. He really doesn't have feelings for me. Kung mahal nya ko ay hindi nya dapat ako hinayaan mahulog sa ibang lalaki, kung mahal nya ko ay hindi nya rin dapat ako binibigyan ng delikado na trabaho. Kinasal lang talaga kami dahil sa usupan at bussiness. Hindi ko ginusto ang pagiging asawa nya kaya hanggang ngayon ay nagiisip pa rin ako ng paraan kung paano makawala kay Kaleid. "Tommorow is my mom's birthday." Pagkatapos kunin ang invitation card sa mesa ay bumalik sya sa harapan ko at inabot iyon sakin. Saglit ko tiningnan ang pulang envelope bago ko ipinukol ang masamang tingin sa mukha nya. Wala ng bahid na galit doon na tila ba wala kami pinag usapan kanina. "Sanay na ko sa tingin mong 'yan, Kasa..." Pansin nya habang walang emosyon na nakatitig sakin. "Tanggapin mo ang card na 'to at tingnan ang nasa loob." Striktong utos nya sakin. Nagtagis ang ngipin ko dahil kailangan ko na naman sya sundin. Wala akong magawa kundi kunin ang envelope sa kamay nya at binuksan iyon. Hindi ko na kailangan magtanong dahil halata naman na ito ang rason kaya ako nandito. Bukas ng gabi gaganapin ang kaarawan ni Mrs. Myresa Falaguerra, ang ina ni Kaleid. Mukhang magarbo ang kaarawan ni Mrs. Falaguerra dahil masquerade party ito at mangyayari ito sa isang private yacht. "I'm not going there." Pasya ko. Alam nya na magyayari ito ay pinapunta pa rin nya ko rito para lang ipakita 'tong inivitation card. Kailanman ay hindi ako dumadalo sa mga events na nangyayari sa pamilya nya. This is also first time that Kaleid personally invite me for the party. Hindi nya iyon ginagawa at inuutos lang sa assisstant nya. "Sasama ka sakin bukas. My family wants to meet you." Ma-awtoridad nyang saad. Iyon nga ang pinaka ayaw ko ay ang makita at makilala ang buong pamilya nya. Ikinasal kami ni Kaleid sa ibang bansa. It's just a civil wedding. Ang nandoon lang ay ang kuya, ang kababatang kapatid nya at isang kaibagan nya. I never met his parents or other relatives. "I have schedule for tommorow's night." Alibi ko. Napansin ko ang pagtaas ng kilay nya. "Wag mo ko lokohin, Kasa. Alam ko ang lahat ng schedule mo." Sa ginagawa nya ay para syang stalker. Wala na ba talaga ko karapatan na kumilos ng mag-isa? Na walang nagsasabi sakanya kung saan ako pupunta? "Hinahayaan mo naman ako na tumanggi sa tuwing may mga okasyon sa pamilya mo kaya--" "Simula ngayon ay sasama ka na sakin. Hindi ito mangyayari kung hindi ka nakipagkita ulit sa ibang lalaki." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. We have an argument about this last month and now, he still didn't move on? Gusto ko sya sumbatan pero narinig namin ang pagkatok sa pintuan kaya ang tinginan namin dalawa ay nawala. Sa pagbukas ng pinto ay ang pagpasok ng isang babae. Maganda ang babae at mukhang malapit ang edad nya sakin. Tiningnan nya ko bago mapunta ang mga mata nya kay Kaleid. "Ah, good afternoon, Doc Kaleid." Mahinhin nitong ngumiti kay Kaleid. Napangiwi ako nang makita ang aliwalas ng mukha ng lalaki. Ang bilis mag palit ng anyo. "Hello, Doc Kaleid!" Manipis ang boses na iyon kaya bumaba ang tingin ko at nakita ang isang batang babae. Tantiya ko ay limang taon gulang ito base din sa height nya. Mabilis lumapit ang bata kay Kaleid habang bakas ang tuwa sa mukha nito na makita ang doctor. Lumapit na rin samin ang babae na kasama ng bata. "Mrs. Alcante, hindi ko inaasahan na pupunta kayo rito." Naka ngiting saad ni Kaleid. He also squat to talk the child infront of him. Lihim na umikot ang mga mata ko sa nakita. Hindi lang sya doctor, magaling din na actor. Hindi na ko nagulat pa dahil nakita ko na rin ang ganitong eksena. "Gusto ka makita ni Anikka bago kami umalis dito sa ospital." Sagot ng babae. I smile to her when our eyes meet again. Ayoko isipin nya na tinatarayan ko sya. Mula sa hawak nya na paper bag ay kinuha iyon ng bata at inabot kay Kaleid. "Me and my mom bought this for you, Doc Kaleid." Masayang wika ng bata. "That's our thank you gift, Doc. Dahil sa inyo ay naging comportable at hindi masyado umiyak dito sa ospital ang anak ko." "Your child was behave and cute so I'm happy to see that she's getting better from fever..." Tinanggap ni Kaleid ang bigay ng bata. "Thank you for this gift." Nahuli ko ang pagtingin sakin ng bata. Plano ko sya ngitian pero hindi ko magawa dahil may naalala ako sakanya. "Who is she, Doc Kaleid?" Curios na saad ng bata na agad sinaway ng babae dahil sa pagtanong ng anak nya tungkol sakin. Tinapunan ako ng tingin ni Kaleid bago ibalik ang maga mata sa bata. "She's my wife, Anikka." Nakangiti pa rin ang mokong kahit sinagot nya iyon. "Oh, wow! Nasaan po ang anak nyo? Nandito din po ba sya?" Gumala ang tingin nya sa paligid. "O nag-aaral?" Parang naestatwa ako nang marinig ko ang mga tanong nya. "Anikka, don't ask that questions to Doc Kaleid. Pasensya na." Paumanhin ng babae habang nakatingin sa amin. Hinawakan nya na ang isang kamay ng anak. "But mom! Diba po kapag nag-asawa, may anak din." "Anikka! Hindi dapat natin iyan sinasabi." Saway ng babae sa anak. "Aalis na kami, Doc Kaleid. Maraming salamat ulit at pasensya na sa anak ko." Nahihiyang ngumiti sya. "She's still child, Mrs. Alcante. Normal sakanila na magtanong." He smiled and to the child. "Anikka, listen to your mom always so you can't get sick again." Marahan nyang wika. Umalis na ang mag-ina kaya naiwan ulit kaming dalawa ni Kaleid. Inilapag nya ang dalang paper bag sa isang sofa. Nabura na rin agad ang ngiti nya sa labi. "Pupuntahan kita sa bahay bukas para sunduin ka. Just wear the dress that you are comfortable." Pagbabalik nya sa usapan kanina. Nawalan na ko ng gana para magsalita dahil lang sa salita na narinig ko galing sa bata. "Kalimutan mo ang sinabi ni Anikka kung ayaw mo masaktan." Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o may sira ang tenga ko dahil nahimigan ko sa boses nya ang pag-alala. Pagod ako napaupo sa sofa. Hangga't maari ay iniiwasan ko na may makaharap ng bata dahil bumabalik sa isip ko na nagkaroon ako ng anak. I'm mother now if I didn't lost the child.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD