Excerpt

1145 Words
"You can never run away from me forever, Emil." "Yes, I can, Adam and I will." Running away is a coward's choice, sinasabi ng ilan pero para kay Emil, ang paglayo ang pinakamabisang paraan upang tumakas at panatilihing patag ang isipan at buo ang kanyang puso. "Will you stop o mapipilitan akong daanin ka sa dahas?" Adam's teeth were seething as he spoke those words with conviction. Ano siya tanga? Hindi na siya ang dating batang si Emilia na basta nakikinig at maaaring manipulahin ng mga taong nakapaligid sa kanya. She is a grown woman capable of making her own decision. Naging mas mabilis pa ang paghakbang niya sa grabado at maalikabok na kalsada. Under normal circumstances, hinahangaan na sana niya ang gandang hatid ng malawak na pinyahang kinaroroonan nila. "Emil, ano ba?" Marahas na hinablot ni Adam ang hawak niyang travelling bag. Sa lakas ng pwersa nito ay sapilitan siyang napaharap sa lalaki. It was only then that she saw how furious he was. Nasasalamin iyon ng intensidad na nakapinta sa magandang pares ng mga mata nito. "You are one hell of a stubborn woman." His dark menacing eyes never left her as he stepped towards her. Sa bawat paghakbang nito pasulong ay siya namang pag-atras ni Emilia paurong. Hanggang sa naramdaman niyang tumama ang mga binti niya sa mga nakausling mga dahon ng pinya sa kanyang likuran. Na-corner na siya nito. Ang tanging nagawa niya na lang ay ang panoorin ang bawat galaw nito. Alisin mo ang mga titig sa kanya, Emil. Paano ba? Adam had always mesmerized her with his every move. Kung isa man itong tanawin, he is someone she would never tire of glaring. Sabi nga noon ni Cherry, bitamina ito sa mga mata. Years have passed pero nanatili itong matipuno. He had aged beautifully kaya naman nagagawa nitong magpapalit-palit ng mga babae. "Hayaan mo na ako, Adam." Parang bingi lang itong nagpatuloy sa paghakbang. Mas lumalapit ito, mas bimibilis naman ang pintig ng kanyang puso. This is a sign of danger. Nakaka-frustrate. Bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto ni Adam sa kanya? Titigan lang siya nito ay nawiwindang na ang buo niyang sistema, nagiging gelatin na ang mga tuhod niya. "Where do you think you're going, woman?" Walang pasubaling hinapit ng matitipunong mga bisig ni Adam ang baywang niya. Literal na ikinulong siya ng matitipuno nitong mga braso at katawan. "Ano ba?" This sudden contact is a painful torture. Nangangambang gumuho ang pader na ibinakod niya sa sarili. Hindi dapat ganito. Hindi. Itinulak niya si Adam sa abot ng kanyang makakaya pero ano ba ang laban niya sa lakas at tangkad nito? "A-adam," kulang sa pwersa niyang pagkakasabi. She was almost showing a sign of defeat. She even sounded like begging. Kahit ang ginagawang panunulak ay nagiging mahina na rin. "Adam, please, pakawalan mo na ako. Hayaan mo na akong umalis. Magkanya-kanya na lang tayo ng landas." This time, she sounded more believable. "That won't ever happen, sweetheart." Mas diniinan pa ni Adam ang sarili sa kanya at hindi siya manhid para hindi maramdaman ang tila nakausling bagay sa gitna ng mga hita nito. "Afraid of me, huh? Am I really a monster in your eyes, Emil, at ganoon mo na lang akong gustong takasan at layuan?" For a brief moment there, may nagdaang hinanakit sa mga mata nito. Saglit lang iyon o malamang na guni-guni niya lang din dahil gusto niyang paniwalain ang sarili na kahit minsan man ay hinanap din siya nito noong siya ay lumayo. Pero imposible. Adam had his parade of women- desiarable ones who were more than willing to spread their legs wide open for him. Naging saksi pa nga siya sa iilang pagkakataong maituturing na pagtataksil nito. Isa itong lalaking may matinding libido sa katawan. Dumaan na naman ang pait sa dibdib niya. How could he come after her kung nagpapasasa naman ito sa piling ng ibang mga babae? Napaka-unfair ni Adam. "Ganoon na lang ba ako kasama?" Gusto niyang sagutin ang tanong nito pero naliliyo ang buong sistema niya. Nahahati ang kalooban niya. She is torn between escaping and being near him. "Oo." Ngunit sinubukan pa rin niyang magkunwang matapang. Gumalaw ang panga nito. Namula ang buong mukha pati na ang tenga nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya. Naramdaman na lang niya ang mas paghigpit ng pagkakahapit nito sa katawan niya. His manly scent is even enveloping her senses. "You have been running away from me, lady, since day one na nagsanga ang mga landas natin." Bakit parang nasasaktan ito? "I am Adam del Castillo for Pete's sake! Women are swooning over me and I hate the fact na ikaw ang kaisa-isang babaeng umaayaw sa akin." Pride lang pala ang nasaling. "Naiinsulto ka lang na isang kagaya ko pa ang umayaw sa 'yo. Hindi lahat ng babaeng nakapalda ay basta na lang bubukaka at magpapakama sa 'yo." "Well, you almost did, several times." Napipilan siya sa sinabi nito. Nag-iinit ang sulok ng kanyang mukha. Napapahiya siya. "Pero noon 'yon." Nagpumiglas siyang makawala pero bato ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanya. Mas humigpit pang lalo. "Let's see." Naramdaman na lang niya ang paghapit nitong palapit sa batok niya. Ipinirmi iyon. In one fleeting moment, Adam claimed her lips, fully. Mapagparusang halik ang iginawad nito sa kanya. Uri ng halik na kayhirap sabayan. 'Yong tipong sinasabing pag-aari siya nito. Halik na nagpapahina sa natitirang depensang ibinabakod niya sa sarili. It was bruising but at the same time demanding. It was aching for her to respond and God knows she is near at throwing her defenses away. And she gave in. As she always had been. Naiinis siya sa sarili. Nagtatapang-tapangan ngunit bibigay rin naman. She even opened her mouth for him for better access. Natagpuan na lang niya ang sariling tinutumbasan ang ngayo'y masuyo nang pahhagod ng mga labi nito. But just as she was caught in the heat of that kiss, Adam stopped and rested his forehead over hers. Ikinulong nito sa pagitan ng dalawang palad ang mukha niya with his thumb caressing her lips. Mabibigat ang mga hininga nito. Ritmiko ang pagdampi niyon sa kanyang mukha. It emitated the rhythym of his own heartbeat. "Now, tell me, aalis ka pa ba?" may pagsuyo na sa boses na tanong nito. Nahihirapan siyang sagutin ito. "Answer me, Emil, before I lose this ounce of sanity left in me," may bahid na ng pakiusap nito. "Sasama ka bang pabalik sa bahay o dito sa gitna ng malawak na pinyahan kita aangkin? Because God knows how much I wanted to claim every inch of you, right now, right here." Kinilabutan siya sa sinabi nito. Adam could both be endearing and bold at the same time. Aangkin sa gitna ng pinyahan? Lumiyo ang utak niya sa narinig. Sunud-sunod siyang napalunok. Kinikilabutan ngunit di maitago ang pag-iinit na nararamdaman. "Your call."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD