Who do you believe? Who is your God? Are you ready to sacrifice someone to prove your faith?
Isinara ng isang babae ang kaniyang locker tsaka dumiretso sa kaniyang silid-aralan.
Maaga siyang pumapasok sa kanilang paaralan hindi dahil iniiwasan niya na ma-late kundi para makahanap ng kaibigan.
Ngunit sa araw na ‘to, mukhang may mas nauna sa kaniyang pumasok.
Sa pinaka dulo ng silya sa pangunang row ng mga upuan, may isang babae na nakaupo, nakatungo habang humihikbi.
Dahan-dahang lumapit ang babae sa estudyanteng umiiyak.
Habang palapit nang palapit ay nakakaramdam ng kaba ang babae. Hindi niya mapaliwanag kung saan nanggagaling ang kabang iyon gayunding lagi naman niya itong ginagawa.
Nang makalapit sa babae, iniangat niya ang kaniyang braso at dahan-dahang hahawakan sana ang balikat nito nang biglang iniangat ng babae ang kaniyang ulo hanggang sa nagtama ang kanilang paningin.
Bumungad sa kaniya ang namamagang mata ng babae at walang tigil na pagtulo ng kaniyang luha.
“S-Sorry.” Ibinaba na ng babae ang kaniyang kamay. “N-Nakita kasi kitang umiiyak. Kaya…”
“N-Nalaman ko kasi na… a-ampon ako. Kaya—“ natigil ang babae sa pagsasalita at muling umiyak. Sa oras na ‘to, mas lalong lumakas ang kaniyang hikbi.
Hinimas ng babae ang likod niya upang aluhin. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi nito. “Naiinindihan kita… marami akong kakilala na ganiyan ang sitwasyon.” Pinunasan ng babae ang kaniyang luha tsaka ibinaling ang ulo sa kaniya.
“T-Talaga? Anong nangyari sa kanila?”
Umukit ang ngiti sa labi nito. “Naging maayos na ang lagay nila. Nahanap nila ang kapatawaran at kaligayahan.”
“P-Paano?”
Lalo pang lumawak ang ngiti nito. “May papakita ako sa’yo mamayang uwian. Pwede ka ba?” walang pag aalinlangang tumango ang babaeng umiiyak.
Pagkatapos ng klase ay sabay na nauwi ang dalawa. Naglalakad sila ngayon sa gilid ng kalsada habang nag kukwentuhan.
“Malapit lang ang lugar na ‘yon dito sa school. At sinisiguro ko na magugustuhan mo silang lahat.” Aniya tsaka marahang siniko ang tagiliran ng babae na kaniyang nakilala lamang kanina.
“Sigurado ka bang matutulungan nila ako?”
“Oo naman ‘noh! Katulad mo, natulungan din nila ako.”
“Mmm…” suminghot ang babae at pinunasan ang kaniyang luha.
“Siya nga pala, anong pangalan mo?” kanina pa sila nagkukwentuhan at hanggang ngayon ay hindi pa nila alam ang pangalan ng isa’t isa. “I’m Gwyneth by the way, but you can call me Gwy for short.” Aniya habang nakalahad ang kamay nito.
“I’m Serephina.” Nakangiting tinanggap ni Serephina ang kamay ni Gwy. “I can be your friend.” Ika niya sabay kindat.
Makalipas ang ilang minuto ay tagumpay na nakarating sila sa lugar na tinutukoy ni Gwy.
Nasa tagong lugar ang mala kuwebang pinupulungan ng mga tao rito na napapaligiran ng nagtataasang talahib at puno.
“Let’s go.” Hinawakan ni Gwy ang pulsuhan ni Serephna tsaka hinila ito papasok sa loob.
Pagpasok nila ay bumungad sa kanila ang mga taong naka suot ng kulay pulang kapote. Lahat sila ay naka luhod habang naka yuko ang kanilang ulo sa isang altar na napapaligiran ng pulang kandila. Ang altar ay mukha ng para bang isang babae na hindi mo mawari kung anong klase ito. May matutulis din itong sungay at talagang nakakapangilabot ang pigura. Sa likod ng altar ay may malaking simbolo na gawa sa kulay pulang likido. Bilog ito at sa gitna nito ay may naka ukit na bituin.
“T-Teka…” tumigil sa paglalakad si Serephina dahilan para mapatigil din si Gwy. “H-Hindi ko maintindihan—“
“Mga miyembro kami ng isang cult.” Mabilis na tugon ni Gwy. “Ang mga tao dito ay mga katulad mo rin na may pinagdaanan at ngayon ay nahanap nila ang kanilang kaligayahan kaya katulad mo—“
“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.” Natigilan si Gwy sabay ng pagkunot ng kaniyang noo. Iniangat ni Serephina ang kaniyang braso at tinuro ang estatwa na napapaligiran ng kandila. “Sino ‘yon?”
“Kung sasabihin ko ba sa’yo maiintindihan mo?” tumango si Serephina. “As you can see… all of us here are worshipping Ephina. We believe that Ephina is Satan's daughter. She’s our salvation. She’s our happiness. She’s our savior.” Ibinaba na ni Serephina ang kaniyang braso at naglakad palapit sa estatawa.
Ang mga taong naka luhod ay nagtataka kung anong ginagawa niya. Maging si Gwy ay kinakabahan na rin dahil hindi pwede ang kaniyang ginagawa.
Inilapit ni Serephina ang kaniyang mukha sa estatwa habang sinusuri ito. Pagkatapos ay nilingon niya si Gwy na hindi alam ang kaniyang gagawin.
“Hindi niya siya kamukha.” Binuhat ni Serephina ang estatwa at walang anu-ano’y binagsak niya ito sa sahig.
Ang mga tao sa loob ay unti-unting nanlalaki ang kanilang mata kasama ng kanilang bibig. Tila ba nag s-slowmo ang kanilang pagtayo at pagtakbo palapit sa estatwa na sira-sira na.
“SEREPHINA!” Padabog na naglakad si Gwy palapit kay Serephina at hinawakan ng mariin ang braso nito. “ANONG GINAWA MO?!” Kitang kita ang galit sa kaniyang mukha. Namumula na ito at lumalabas na ang kaniyang ugat sa kaniyang leeg at sentido.
Ngunit hindi nagpatinag si Serephina, imbis ay sumilay ang kaniyang ngisi.
“Nang iinis ka pa talaga, ha?” padabog na binitawan ni Gwy ang braso ni Serephina at naglakad siya papasok sa isang pintuan sa gilid.
“HAWAKAN NIYO SIYA!!” Utos ng isang babae. Agad namang nagsi sunod ang iba pa nilang kasamahan. Binuhat nila si Serephina paakyat sa maliit nilang stage kung saan doon din nakalagay ang estatwa na kaniyang sinira.
Lalong lumaki ang ngisi ni Serephina na tila ba i-n-e-enjoy pa niya ang pagbuhat sa kaniya.
Inilapag nila ang katawan ni Serephina sa mahabang board na hugis rectangle. Sunod ay itinali nila ang kamay ni Serephina kasama nag paa nito.
“ANONG NANGYAYARI RITO?!” Lahat sila ay natigil sa kanilang pag kilos at sabay-sabay na lumingon sa isang lalaki na nakasuot ng itim na kapote.
“Pinuno…” sambit ng iilan. Sa gilid nito ay si Gwyn a nanlilisik ang mata kay Serephina.
“Sinira ho niya ang estatwa ng ating panginoon!” sumbong ng isang lalaki.
Ibinaling ng matanda ang tingin nito sa sira-sirang estatwa tsaka ibinalik ang tingin sa kaniyang mga tauhan.
“At anong gagawin niyo sa kaniya?”
“I-aalay ho naming siya sa panginoon bilang kaparusahan sa kaniyang ginawa!” sambit ng isang babae. Nagsi ingay naman ang kaniyang mga kasamahan na tila ba sila ay nag po-protesta.
“Kung gano’n… ituloy niyo.” Dahil sa utos na iyon ay dali-daling nagsi kilos ang mga tao.
Kumuha sila ng itim na kandila. Anim sa uluhan ni Serephina at sa paanan nito, pagkatapos ay sinindihan nila ang mga kandila isa-isa.
Naglakad palapit doon ang tinatawag nilang pinuno. Binuksan niya ang isang maliit na closet at kumuha ng isang bagay na nakabalot sa puting tela at isang ginintuang baso.
Sunod ay lumapit siya sa katawan ni Serephina at ipinatong ang baso sa gilid nito kung saan mayroong espasyo.
Tsaka niya inalis ang tela at bumungad sa kaniya ang matulis na kutsilyo habang ang hawakan nito ay may disenyong patusok tusok na tila ba sungay ng isang demonyo.
Itinapat niya ito sa sikmura ni Serephina at bumulong ng kaniyang dasal habang ang mga tao na naka kapote ay sinasabayan ang dasal nito.
“WHAHAHAHAHAHAHA! WHAHAHAHAHAHA! WHAHAHAHHAHAHAHA!” hindi mapigilan ng padre na
mairita sa pag tawa ng babae. Pinipilit niyang ikalma ang sarili at mag concentrate ngunt sadyang maingay at nakakagigil ang tawa ni Serephina. Dahil dito ay agad niyang sinaksak ang sikmura ni Serephina kahit nasa kalagitnaan palang ang kanilang pagdasal.
Hiniwa niya ito hanggang sa makita na ang bituka ni Serephina.
Sunod ay binitawan na niya ang kutsilyo at kinuha ang baso. Itinapat niya ito sa sikmura ni Serephina upang sumalok ng dugo at nang mapuno na niya ang baso ay sinenyasan niya ang kaniyang mga kasamahan na mag si kuha.
Nang makakuha na ang lahat ay sabay-sabay nilang itinaas ang kanilang baso.
“AMING PANGINOON! ITO ANG ALAY NAMIN SA’YO!” Dahan dahan niyang ibinaba ang baso niya hanggang sa tumapon ang dugo sa kanilang ulo patungo sa kanilang mukha.
Nagsihiyawan ang mga kanilang kasamahan. Tila ba silang lahat ay nabuhayan.
“MABUHAY ANG PANGINOON!” Sigaw ng kanilang lider.
“MABUHAAAYY!” Tugon naman ng kaniyang mga kasamahan. Ngunit lahat sila ay natigilan nang bumugso ang malakas na hangin. Nilipad ang hibla ng kanilang buhok at ang suot suot nilang kapote.
“Aking mga alagad…” Lahat sila ay natigilan nang makarinig ng napaka lalim na boses. Nanindig ang kanilang balahibo at nanlamig ang kanilang katawan. “Ang inyong alay ay kulang pa para sa aking ikasasaya.”
“PANGINOON! PANGINOON!” Sigaw nilang lahat habang naluluha habang ang kanilang lider ay nanlalaki ang mata sapagkat ito ang kauna-unahang beses na narinig niya ang boses ng kaniyang sinasamba.
“AKING MGA KAPATID!” Sigaw ng kanilang lider. Lahat naman sila ay itinuon ang paningin sa kaniya. “Ngayong araw na ‘to ay dadanak ang dugo! Hindi natin sasayangin ang ating buhay sapagkat iaalay natin ito sa ating panginoon!” kinuha ng pinuno nila ang kutsilyo at walang pag aalinlangan na sinaksak ang kaniyang sikmura.
Sunod na tumakbo palapit sa kaniya ang isang lalaki at katulad ng kanilang lider ay sinaksak din niya ang kaniyang sikmura. Nagpatuloy ito nang nag patuloy hanggang ang loob ng kanilang sambahan ay nagkalat ang mga bangkay.
* * *
Madilim. Mainit. Nakakapaso. Nakakatakot.
Iyon ang bumungad sa kanila sa pagmulat ng kanilang mukha.
Wala silang kaalam alam kung nasaan sila. Hanggang sa nagkaroon ng ilaw. Ilaw na galling sa apoy. Sunod-sunod na dumami ang nagsisiliyabang apoy sa kanilang paligid hanggang sa nakarinig sila ng hiyawan. Nakakarindi, masakit sa tainga.
At nang ibaling nila ang kanilang paningin sa paligid ay bumungad sa kanila ang pigura ng mga tao na nagliliyab sa apoy.
At sa pagkakataong ‘to… may ideya na sila kung nasaang lugar sila ngayon.
Humakbang ang pinuno nila na nasa pinaka unahan. Sinundan ito ng kaniyang mga ka grupo hanggang sa narating nila ang isang malaking gate na kulay pula. Sa gilid nito ay may tig dalawang bantay. Nakakatakot ang kanilang itsura. Nanlilisk ang kanilang mata habang may hawak-hawak na bakal na tungkod at sa itaas nito ay isang bungo.
Kusang bumukas ang mala higanteng gate. Bumungad sa kanila ang napakaraming kawal na may hawak-hawak ding tungkod. Napakarami nila na hindi mo na mabilang sa iyong daliri.
At sa gitna nito ay may mataas at malaking upuan.
Napakalaki na halos kumasya ang limang tao.
Ngunit tila ba may kakaiba. Dahil ang naka upo sa upuang iyon ay ang isang babae na nakasuot ng pang uniporme. Nakatingin siya sa kaniyang mga bisita habang malawak ang kaniyang ngisi.
“Siya ang babaeng inalay natin…” sabi ng kanilang lider sa kaniyang mga kasamahan. Lalo silang nalito. Hindi nila alam ang nangyayari. Bakit nakaupo sa naglalakihang trono na iyon ang kanilang alay? Anong nangyayari?
“Lahat kayo ay mag si luhod.” Tila ba u-m-e-echo ang boses na iyon sa kanilang isipan. Iyon ang boses na narinig nila kanina. Mainit man sa lugar na iyon ay ramdam nila ang kanilang panlalamig. Iginala nilang lahat ang kanilang paningin. Hindi nila mahanap kung nasaan nanggagaling ang lugar na iyon. Wala silang ka-ide-ideya maliban na lang na alam nila kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Agad namang nag-si luhod silang lahat. Itinutok nila ang kanilang paningin kay Serephina na hindi pa rin mawala ang ngisi sa labi.
“Anong ginagawa mo diya’n?!” galit na tanong ng kanilang lider. “Ang trono na iyan ay para lamang sa aming panginoon! Wala kang respeto! Dapat kang sunugin sa apoy!” nagsihiyawan naman ang kaniyang mga kasamahan ngunit hindi ito nagtagal dahil
“TUMAHIMIK KAYO!!” Lumakas ang hangin sa paligid. Mas lalong nakakatakot ang boses na iyon. Nagsimulang manindig ang kanilang balahibo at bumilis ang t***k ng kanilang puso.
“Mukhang wala pa rin kayong ka-ide-ideya…” mahina man ay umeecho ang boses ni Serephina sa paligid. . At sa pagkakataong ‘to… hindi nila maiwasang makaramdam ng takot at pangamba. Mayroong bumabagabag sa isipan nila na ayaw nilang bigyang pansin. “Gusto niyo bang malaman kung bakit ako nakaupo sa tronong ‘to?” may pang tutikso ang kaniyang boses. Ngunit dahil sa kanilang kursyonidad ay hindi na nila mapigilan ang sarili na alamin ang lahat ng nangyayari.
Sa isang iglap, mas mabilis pa sa kanilang pag kurap ay naka tayo na si Serephina sa kanilang harap. Ni hindi man lamang nila nakita ang pagbaba niya sa upuan o paglakad man lang upang makalapit sa kanila.
Mas lalo pang humakbang ng malapit si Serephna sa matandang lider. Inilagay niya ng magkabilang kamay sa kaniyang likod habang may ngisi sa labi at tsaka niya iniyuko ang katawan upang magkalapit ang kaniyang mukha sa mukha ng matanda.
‘Hindi maaari… i-imposibleng.. siya…’
Lalong lumawak ang ngisi ni Serephina. “Tama ka.” Ika niya tsaka palihim niya itong kinindatan. Hindi niya malaman kung paanong narinig niya ang nasa isip neto ngunit katuladnga ng sabi niya… siya ang sinasamba nila. Siya si Ephina.
Muling umayos ng pagkakatayo si Serephina at tumalikod. “Kayo na ang bahala sa kanila.”
* * *
Samantala, sa loob ng WIngston University ay nagsisimula na ang klase ng mga grade 12. Lahat sila ay tutok na tutok sa itinuturo ng kanilang guro maliban sa isang babae. Gulo gulo ang kaniyang buhok at hindi maayos ang pagkaka butones ng kaniyang uniporme.
Pagkaapos ng gabing ‘yon, hindi na siya nakatulog ng maayos. Palaging may mga boses na bumubulong sa kaniya. Hindi niya alam kung kanino o sinong nag-mamay-ari ng boses na iyon maliban sa isa.
Si Serephina.
Oo, namatay lahat ng mga miyembro ng cult maliban kay Gwy na tumakas sapagkat ayaw niyang mamatay.
Hindi pa rin maalis sa isipan niya ng nakakadiring eksenang iyon.
“Miss, why are you late?” tanong ng kanilang guro sa bagong kaarating na estudyante. Hindi ito magawang balingan ng tingin ni Gwy sapagkat sa mga oras na ‘to ay nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa sarili.
“I’m sorry Ma’am. Napuyat po kasi ako.” At pagkatapos ng mga salitng iyon… bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Nanlamig ang kaniayng katawan at nanindig ang kaniyang balahibo.
Dahan-dahan niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa bagong kakarating nilang estudyante.
Bumungad sa kaniya ang isangg pamilyar na pigura. Si Serephina.
“Take your seat.” Utos ng kanilang guro. Agad namang naglakad palapit sa gawi niya si Serephina. Hindi niya alam kung bakit. Sasaktan ba siya neto? Papatayin siya?
Ngunit ang pinaka pinagkakataka niyang katanungan ay…
Paanong nandito pa rin si Serephina pagkatapos ng nangyari kagabi?
Huminto si Serephina sa gilid niya at nginitian siya.
“Kamusta?” ika niya. Hindi nakasagot si Gwy. Nalilito siya at natatakot din. Bigla lang siyang natauhan nang naupo si Serephina sa kaniyang tabi.
“P-Paano…” sambit ni Gwy.
Inayos muna ni Serephina ang kaniyang bag tsaka nilingon si Gwy. “Sayang… hindi ka nakasama.” Padabog na tumayo si Gwy habang habol habol ang hininga. Dahil dito, lahat ng kanilang atensyon ay natuon kay Gwy.
“Ms. Mendez—” natigil ang guro nang biglng tumakbo palabas ng silid-aralan si Gwy. Wala na siyang pake kung ibagsak man siya o i-expel sa paaralan niya. Gusto lang niya tumakas kay Serephina. Alam niyang may masamang mangyayari sa kaniya.
Dahil nang tignan niya ng mata nito… nakita niya ang kaniyang mga kasamahan na nasusunog sa apoy.
Nang makarating sa bahay na kaniyang inuupahan ayagad siyang dumiretso sa kaniyang Ref upang uminom ng malamig na tubig. Sunod ay ipinatong niya ito sa ibabaw ng sink tsaka dumiretso sa kaniyang kuwarto upang makahiga.
Doon ay pinilit niyang ikalma ang kaniyang sarili. Pinilit niyang ngumiti at kalimutan ang mga nagyari, ngunit alam niyang imposible ito kaya naman nahiga na lamang siya at ibinalot ang sarili sa kumot at pinilit na makatulog sa kabila ng lahat.
Hating gabi nang siya ay magising. Ikinusot niya ang kaniyang mata at tatayo na sana upang umihi nang biglang…
“Gwyneth…”
Nanigas siya sa kaniyang kinauupuan at tila ba lalabas na ang kaniyang puso sa sobrang lakas nito sa pagtibok.
Naririnig nanaman niya ang boses na iyon. Ngunit ‘di katulad noong nakaraan ay pkiramdam niya nasa tabi lang niya angbumubulong dahil nakakaramdam siya ng hangin sa kaliwa niyang tainga.
Kaya naman dahan-dahan niyang inilingon ang kaniyag ulo sa kaniyang kaliwa.
Mas bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Tila ba nasa horror movie siya at isa siya sa mga character na mamamatay.
At pag lingon niya… bumungad sa kaniya ang isang babae na napakalaki ng ngisi.
“HAHAHAHAHAHA! WHAHAHAHHA!” Nang magsimula itong humalakhak ay wala nang sinayang na oras si Gwyneth.
Agad siyang tumakbo palabas ng kaniyang nirentahang bahay.
“TULONG! TULONG!” Sigaw niya na halos mapunit na ang kaniyang lalamunan. Wala siyang pake kung may magising siya sa mga kapitbahay niya. Buhay niya ang nakataya rito at desperado siyang mabuhay.
Makalipas ang ilang minutong pag takbo ay panandalian siyang tumigil habang habol habol ang hininga.
Ngunit mukhang mai ang kaniyang naging desisyon.
“WHAHAHAHAHAHHA!” Gulat siyang napalingon sa kaniyang kaliwa at bumungad nanaman sa kaniya ang humahalakhak na si Serephina.
Muli siyang tumakbo nang tumakbo at wala na siyang pake kung saan man siya makarating. Ang kaniyang paa na ang bahala kung saang lugar man siya dal’hin ng mga ito.
Hanggang sa hindi na nakayanan pa ng kaniyang katawan. Ang kaniyang kamay ay nakahawak sa kaniyang tuhod habang habol-habol ang hininga. Tagaktak na rin ang kaniyang pawis at nanginginig na ang paa.
“Iha? Anong ginagawa mo rito?” iniangat ni Gwy ang kaniyang panningin at bumungad sa kaniya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng putting T-Shirt at itim na pantalon. May kulay tsokolateng rosary din na kaniyang suot-suot sa kaniyang dibdib.
Dahan-dahang umayos ang kaniyang pagkatayo habang nililibot ang paningin.
Napaka laki ng lugar na ito. May pintura sa kisame at may malaking pigura sa gitna.
Isang lalaki na nakapako sa krus. Duguan ang kaniyang katawan at may tinik-tinik na korona na nakasuot sa kaniyang ulo.
Doon lamang niya napagtanto na nandito siya ngayon sa loob ng simbahan ng mga katoliko.
“Iha? Ayos ka lang ba?” muli niyng ibinalik ang tingin sa padre. Hindi niya sinagot ito imbis ay nilingon niya ang kaniyang likod.
AT bumungad sa labas ng simbahan si Serephina. Bahagyang nakatagilid ang kaniyang ulo habang nakatuon ang paningin kay Gwy. Wala kang makikitang ngisi sa kaniyang labi imbis ay puro blangko lamang ito.
“Iha?” muli niyang ibinalik ang tingin sa pari tsaka ibinaling ang paningin sa likod nito kung saan nakapako si Hesus.
Nawalan ng gana ang kaniyang tuhod kaya naman ay napaluhod siya sa sahig at walang anu-ano’y bumuhos ang kaniyang luha kasabay ng malalakas niyang hikbi habang sinusuntok suntok ang dibdib.