“MMMHHHH! MMMMMMMHHHHH!” Pilit na kumukuwala si Serephina sa pagkakatali sa kaniya at pagkaka scotch tape ng kaniyang bibig. Namumula na rin ang kaniyang mata at namumuo ang luha.
“Ayoko nang pahabain pa ‘to.” Panimula ni Jonathan. Tinanggal niya ang tape sa bibig ni Serephina at tinignan ng diretso sa mga mata nito. “Where is the SD Card?” hindi kumibo si Serephina.
“NASAAN NA ANG SD CARD?!” Hindi na na kontrol ni Amirah ang kaniyang sarili at nasampal niya si Serephina. “TELL US! TELL US!”
Nakatagilid ang ulo ni Serephina dahil sa pagkasampal ni Amirah. Bakat na bakat ang kamay ni Amirah sa pisngi ni Serephina. Masasabi mo talaga na napakalakas ng pag sampal niya rito.
“Tell us Serephina.” Mariing sambit ni Jonathan. Muli ay hindi kumibo si Serephina. Nananatiling nakatagilid ang ulo nito.
“Hindi ka ba talaga—“ natigil si Amirah sa pagsasalita nang makarinig siya ng tunog mula kay Serephina. Nagsimula ito sa maliit na tawa.. na sinundan ng hagikgik at…
Mabilis na binaling ni Serephina ang kaniyang mukha kay Amirah kaya nagkalapit ang mukha ng dalawa. “HAHHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHA!”
“What the f**k…” wala sa sariling napa atras si Amirah.
“She’s insane…” hindi makapaniwalang sambit ni Jonathan.
“HAHAHHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA!” hindi mapigilan ni Serephina ang kaniyang sarili. Tila ba mababaliw na siya sa kakatawa niya.
“TAPE! TAPE!” Hindi mapakaling utos ni Amirah kay Jonathan. Agad namang pumutol ng tape si Jonathan at tinakpan nito ang labi ni Serephina ngunit hindi pa rin tumitigil si Serephina. Kahit may tape na ang bibig nito ay patuloy pa rin siya sa pagtawa. Mas lalong lumakas ang pag tawa ni Serephina. Sa sobrang lakas ng tawa niya ay napapa talon na siya sa kanyang kinauupuan.
“PATAHIMIKIN MO SIYA!” Muling utos ni Amirah sa nobyo. Hindi nito alam ang gagawin nang biglang makahanap siya ng baseball bat. Papaluin na sana niya sa ulo si Serephina nang bumukas ang pinto ng storage room ng paaralan nila at bumungad doon si Kean na hingal na hingal at tagaktak ng pawis.
“K-Kean?” hindi makapaniwalang sambit ni Amirah. Nanlamig ang kaniyang buong katawan at nagsimulang mangatog ang kaniyang tuhod. Hindi niya akalain na sa ganitong oras pa sila mabubuking.
“Sabi na nga ba.” Dismayadong sambit ni Kean. Lumapit siya kay Serephina at tinanggal ang tape sa bibig nito. Nang ibaling naman nila ang kanilang paningin kay Serephina ay nanlaki ang mata ng dalawa nang makita si Serephina na lumuluha at umiiyak, kabaliktaran sa nangyari kanina. “Tinawagan ako ni Serephina. Ang sabi niya may kailangan daw akong malaman sa inyong dalawa.” Kalmado man ay makikita mo ang panggigigil sa boses ni Kean. Nakakuyom din ang kaniyang kamao at lumalabas na ang litid niya sa kaniyang sentido.
“So, may relasyon nga kayong dalawa.” Natatawang sambit ni Kean sa dalawa ngunit kabaliktaran no’n ang kaniyang nararamdaman. Tila ba may kutsilyong paulit ulit na sinasaksak ang kaniyang puso. “Kaya niyo kinidnap si Serephina dahil may ebidensya siya sa relasyon niyo, tama ba?” napa tungo si Amirah sa pagkakapahiya. “TAMA BA?!!” Napapitlag si Amirah dahil ito ang kauna-unahang beses na sinigawan siya ng kaniyang nobyo. “Tangina naman….” Nanggigigil na sambit ni Kean at sa pagkakataong ‘to ay naramdaman na niya ang pag iinit ng kaniyang mata hanggang sa bumagsak ang luha nito.
Naiiyak man ay tinulungan ni Kean si Serephina na makawala sa tali. “L-Let’s go.” Hinawakan ni Kean ang kamay ni Serephina at naglakad palabas ng storage room, ngunit nang magkalapit ang balikat ni Amirah at Serephina ay nagtinginan ang dalawa.
Galit at sakit ang makikita mo sa mukha ni Amirah habang pilyong ngisi naman na unti-unting lumalaki ang makikita mo sa mukha ni Serephina.
* * *
“Malandi ‘yang babaeng ‘yan!”
“Sabi na nga ba may baho rin ‘yan eh.”
“Dapat talaga akin na lang si Kean.”
“Buti nga sa babaeng ‘yan. Una palang masama na ang kutob ko diya’n eh.”
“Yuck. Ex-teacher niya, jinowa niya? Ew.”
“Siguro kasabwat ‘yan si Amirah sa pagbagsak sa grades ni Serephina.”
Nanginginig ang kamay ni Amirah habang binabasa ang mga comments patungkol sa kaniya. Paunti-unti ring lumalabo ang sreen niya dahil sa likidong tumutulo mula sa kaniyang mata.
“Tama na ‘yan.” Hinablot ni Jonathan ang telepono ni Amirah palayo sa kaniya at binigyan siya ng tubig na agad namang tinanggap ni Amirah. “Pumasok ka na.” ika ni Jonathan nang matapos nang makainom si Amirah.
Tumango si Amirah at dumiretso sa loob ng banyo.
Makalipas ang isang oras ay nakarating na si Amirah sa Heart Academy, ngunit ‘di katulad dati ay naka tungo na lamang ang kaniyang ulo. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya.
“SI AMIRAH OH!” Nanlaki ang kaniyang mata at iniangat ang kaniyang ulo. Pag angat niya ay bumungad sa kaniya ang napakaraming estudyante at karamihan ay babae ang tumatakbo sa kaniya. Naguguluhan siya sa ikinikilos ng mga kamag-aral niya.
Nang makalapit na ang lahat ay ‘di niya inaasahan ang ibubungad sa kaniya ng mga kamag-aral.
Magkakasabay na sipa, suntok, tadyak, at siko ang natatanggap niya. Masakit na ang buo niyang katawan. Ramdam niya ang pagtulo ng kaniyang luha at Malabo na rin ang kaniyang paningin.
Ngunit kahit Malabo ang kaniyang paningin ay natanaw niya ang isang babae sa likod ng mga estudyanteng bumubugbog sa kaniya.
“Serephina…” nanghihina niyang sambit.
* * *
“Ah!” napa atras si Amirah nang dumampi ang cotton na may betadine sa kaniyang sugat sa gilid ng kaniyang mata.
“I’m sorry…”bakas ang lungkot sa boses ni Jonathan. Hindi niya matignan ngayon ang kaniyang nobya na bugbog sarado. Gusto niyang umiyak ngunit hindi sa harap nito.
“Dahan-dahan…” naiiritang utos ni Amirah. “Malamang si Serephina ang may pakana no’n para maghiganti sa akin.”
“Anong gagawin mo?” tanong ni Jonathan habang nililinisan ang sugat ng nobya.
“I’ll kill her.” Seryosong tugon ni Amirah dahilan para matigilan si Jonathan. “What? Don’t you dare stop me. Remember? Muntik mo na rin mapatay si Serephina kung ‘di lang pumasok si Kean.”
“Right.” Ipinagpatuloy ni Jonathan ang paglinis sa sugat ni Amirah. “But how?”
“I’ll trap her and make her feel the pain we felt."
* * *
From: Amirah
Let’s meet at the park.
Sumilip ang ngisi sa mukha ni Serephina.
Itinago niya ang kaniyang telepono at naglakad papunta sa parke.
Alas dose na ng hapon. Walang tao sa parke at ang tanging nagsisilbing ilaw lamang ay ang buwan at ang lamp post sa paligid.
Biglang nakarinig ng tunog si Serephina sa likod nito. Haharap na sana siya nang biglang may pumalo ng baseball bat sa kaniyang ulo dahilan para mawalan siya ng malay.
Habang tulog si Serephina ay dali-daling nag hukay si Jonathan kung saan nila ililibing si Serephina.
“Bilisan mo.” Aligagang utos ni Amirah habang pabalik balik ang tingin kay Serephina.
Makalipas ang ilang minuto ay nakahukay na ng malalim na hukay si Jonathan.
“Let’s bury her alive.” Utos ni Amirah. Binuhat ng dalawa si Serephina at itinapon sa butas.”Bilis bilis.” Aligagang utos ni Amirah. Para makatulong ay kinamay na ni Amirah ang lupa.
Lumipas ang ilang minuto at tagumpay nilang nailibing si Serephina.
Naupo ang dalawa sa lupa habang habol habol ang hininga at tagaktak ng pawis ang kanilang likod at noo.
“Finally…” sambit ni Jonathan habang may ngiti sa labi/
* * *
Taas-noong pumasok sa school si Amirah. Ang akala niya’y mababago ang lahat, ngunit taliwas ito sa akala niya.
Ang mga tingin sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral ay mapanglait at tila nanliliit.
Dahil dito ay dahan-dahan siyang napatungo.
Dahil padami nang padami ang mga estudyanteng nakakasalubong niya ay naging mabilis ang kaniyang pagtakbo hanggang sa makapunta siya sa loob ng kanilang classroom.
Pagpasok niya rito ay bumungad sa kaniya ang isang babae na nakaupo sa tabi ng kaniyang upuan. Pamilyar ang pigura ng babaeng ito para sa kaniya.
Kaya naman dahan-dahan niyang nilapitan ang babae at habang palapit nang palapit ay bumibilis ang t***k ng kaniyang puso.
Hahawakan na sana niya ang balikat ng babae nang ibaling ng babae ang paningin nito sa kaniya.
“Hi bestie!” kusa siyang napa atras. Nanlaki ang kaniyang mata at bumilis ang t***k ng kaniyang puso.habang nanlalamig ang buo niyang katawan.
Naguguluhan na siya. Ang daming tanong ang pumapasok sa kaniyang isipan kaya naman lalo siyang hindi maka isip ng maayos.
“HAHAHAHAHHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA!” Dahil dito ay dali-daling tumakbo palabas ng classroom si Amirah.
Habang tumatakbo, kinuha niya ang kaniyang telepono at tinawagan si Jonathan.
“MAGKITA TAYO SA PARK! BILIS!” Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ang dalawa sa parke.
“Anong-“
“Buhay si Serephina! Buhay siya!” aligagang sambit ni Amirah. Nangunot ang noo ni Jonathan sa pagtataka.
“Imposible ‘yon! Nilibing natin siya ng buhay! At imposible ring makatakas siya dahil malalim ang ginawa kong hukay!!”
“Kaya nga nandito ako para kumpirmahin! Bilis!” dali-daling naghukay si Amirah gamit ang kaniyang kamay habang si Jonathan ay naghanap ng pala.
Lumipas ang 30 minuto ay muli nilang nahukay ang pinaglibingan kay Serephina.
Ngunit nagimbal ang dalawa nang bumungad sa kanila ang isang katawan.
Katawan ng isang lalaki.
Katawan ng isang pamilyar na lalaki.
Ito ay katawan ni Kean.
Nawalan ng lakas ang tuhod ni Jonathan dahilan para mapaupo siya sa lupa habang si Amirah naman ay tila ba naging estatwa nang bumungad sa kaniya ang katawan ng dating nobyo.
“Hindi… h-hindi—“ natigil si Amirah nang bigla na lamang silang palibutan ng mga reporters. Hindi sila maka tingin ng maayos dahil sa nakakasilaw na flash ng camera.
“A-Anong nangyayari? Anong nangyayari?!” naguguluhang tanong ni Amirah. Nagiging aligaga na siya at hindi ma-proseso ng kaniyang utak ang nangyayari.
Tumayo ang dalawa at pilit na tumakas sa mga reporters. Kahit saan sila tumakbo ay hindi sila nilulubayan ng mga reporters hanggang sa makapasok sila sa isang restaurant. Walang tao sa paligid. Tahimik ang lugar na tanging aircon lang ang maririnig mong tunog.
Kumuha ng silya si Amirah at doon naupo.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad. Tila ba hindi siya makapaniwala na nangyayari ito ngayon sa buhay niya.
*CLAP!* *CLAP!* *CLAP!*
Nabaling ang dalawa sa isang babae na lumabas mula sa isang hallway ng restaurant.
Agad na nanigas ang katawan nila ngunit mas lamang ang galit sa puso ni Amirah at Jonathan.
“Ang galling niyo palang tumakas sa mga reporters…” naupo si Serephina sa ibabaw ng mesa at pinagkrus ang braso at hita. “Ang tanong… kaya niyo bang tumakas sa’kin?” sabay na nagtinginan sina Amirah at Jonathan.
Tumayo si Amira mula sa silya at tumakbo palapit sa pinto ngunit para bang may mali… hindi nila mabuksan ang pinto ano mang tulak o hila ang gawin nila.
“TULONG! TULONG!” Nagmamakaawang sigaw ni Amirah. “TULOOONNGG!” Tila ba may makakarinig sa kanila sa labas.
“HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHHAHAHA! HAHAHAHHAHAHAHA!” heto nanaman ang nakaka baliw na halakhak ni Serephina. Gusto nang i-untog ni Amirah ang ulo niya sa pader. Gusto na niyang matapos ang lahat.
“TAMA NAAA!”
“HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA!”
“TULOOOOONNNGGGG!”
“WHAHAHAHAHAHA! WHAHAHAHAHAHA!”
“AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!”
“WHAHAHHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAH!”
“Amirah!”
“Amirah!”
“AMIRAH!”
Biglang bumalik sa reyalidad si Amirah. Bumungad sa kaniya ang quadrangle at sa harap nito ay si Jonathan.
“Bigla ka nalang tumulala!” natatawang sambit ni Jonathan. “Are you okay?” naguguluhan man ay tumango si Amirah. “Sige, punta muna kong dean’s office. Pumunta ka na sa classroom niyo. Bye!” kumaway palayo si Jonathan, ngunit tanging pilit na ngiti lang ang na iganti nito.
Naguguluhan pa rin si Amirah kaya naman tinatampal tampal niya ang kaniyang pisngi.
Panaginip lang ba ‘yon? Ngunit bakit parang totoo?
Maglalakad na sana si Amirah nang biglang siyang may nabangga.
Bigla siyang naalarma kaya naman agad niyang tinulungan ang babaeng kaniyang nabangga. Ngunit hindi pa man niya nahahawakan ang babae ay nanigas siya sa kinatatayuan nito nang mapamilyaran ang mukha ng babaeng kaniyang nabangga.
“Serephina…” sambit ni Amirah. Nilingon siya ni Serephina at dahan-dahang umukit ang kaniyang ngisi.
“Amirah…” napa atras si Amirah at bumilis ang t***k ng kaniyang puso. “HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAH!” dahil sa takot at kaba ay kusang nagkaroon ng buhay ang kaniyang paa at wala siyang balak na tumigil hangga't hindi siya nakakalayo kay Serephina.