STAR OF THE NIGHT (2)

1830 Words
“Very good! Very good!” papuri ng director kay Serephina. Maging ang mga crew at staff ay hangang hanga sa pag acting ni Serephina. “Hindi na ‘ko magugulat kung malalagpasan mo si Amirah.” Pabirong sabi ng direktor. Tinanggap ni Serephina ang alok ng manager ni Amirah. Napatalon pa nga sa tuwa si Manager Kim nang tanggapin niya ang alok nito. Matapos ang kanilang shooting ay dumiretso sa paaralan si Serephina. Pagbaba niya ng kotse ay naabutan niya si Amirah na kakalabas lang din ng kotse dahilan para mapangiti agad si Serephina. “Amirah!” Napalingon si Amirah kay Serephina na tumatakbo palapit sa kaniya habang kinakawayan siya. “S-Serephina!” pilit na ngumiti si Amirah sa kaniya tsaka siya lumapit sa tabi nito. “Ang dami mo raw projects ah? P-puring puri rin si direk sa’yo.” Nagsimulang maglakad ang dalawa. “Well…” inikot ikot ni Serephina ang hibla ng kaniyang buhok. “Hindi ko rin akalain na marunong pala akong umarte.” Aniya at nilingon si Amirah. “Salamat, ah?” “Walang anuma—“ “AAAAAAHHHHHH!” nabaling silang dalawa sa mga estudyante na tumatakbo papalapit sa gawi nila. “Ayan nanaman sila.” Natatawang sambit ni Amirah. Naglakad palapit si Amirah sa mga estudyante upang salubungin sila. Taliwas sa kaniyang kaalaman ay pinapanood siya ni Serephina habang may malaking ngisi sa labi. “Hello guys—“ “SEREPHINAAAA!!!” Naestatwa sa kinatatayuan si Amirah nang lagpasan siya ng mga estudyante na dati’y pinagkakaguluhan siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang likod at bumungad sa kaniya si Serephina na sayang saya sa pagpapa picture sa mga estudyante at pag au-autograph. Sa mga oras na ‘to, tila ba gumuho ang kaniyang mundo. Hindi siya makapaniwala na… ang kaniyang kaibigan ay nalamangan siya.  Dali-daling tumakbo si Amirah paakyat sa kanilang classroom. Hindi siya makakita ng maayos dahil naging sunod-sunod ang pagluha niya kaya naman aksidente niyang nabangga ang isang guro. “Amirah?” nang iangat ni Amirah ang paningin niya ay bumungad sa kaniya ang kanilang guro na si Jonathan. Agad niya itong inakap at umiyak sa balikat nito. Gusto mang aluhin ni Jonathan si Amirah ay hindi niya magawa dahil baka may makakita sa kanila. “Let’s talk inside, okay?” sunod sunod namang tumango si Amirah. Pagpasok nila sa loob ng classroom ay naupo si Amirah sa kaniyang silya at agad naman siyang tinabihan ni Jonathan. “What happened?” nag aalalang tanong nito. “S-Si Serephina…” nauutal na sambit ni Amirah habang sunod-sunod ang pag tulo ng luha nito. “Si Serephina? Bakit? Anong ginawa niya?” “Inagaw niya ang lahat ng sa akin!” tila ba batang nagmamaktol si Amirah. “Inagaw niya ang kasikatan ko! Kung alam ko lang na sa una palang ay gano’n ang gagawin niya sa’kin, edi sana hindi ko na siya kinaibigan!” muli ay humagulgol si Amirah. Hindi niya matanggap sa kaniyang loob na ang dating kaibigan niya na hinahangaan siya ay nalagpasan ang kasikatan niya. Agad naman siyang inakap ni Jonathan habang hinihimas ang likod nito upang patahanin. “What do you want me to do?” dahan-dahan… tumahan sa pag iyak si Amirah. Kumalas siya sa pagkakayakap kay Jonathan tsaka tinignan ito sa mata. * * * Habang naglalakad sa hallway, lahat ng tao ay nakatingin kay Serephina. Ang iba’y nagbubulungan at ang iba ay may nakakapanlait na tingin. Nang kunin ni Serephina ang kaniyang telepono ay bumungad sa kaniya ang mga messages ng mga tao. “Bobo!” “Ganda lang meron pero utak wala!” “Aanuhin mo ‘yang kagandahan at pag aarte mo kung bobo ka naman sa pag aaral?” “Ikaw ang pinaka bobong artistang nakilala ko! HAHAHHA!” “Tinalo mo pa grades ng kapatid ko! KAWAWA! HAHAHAHA!” Muling ibinalik ni Amirah ang kaniyang telepono sa loob ng kaniyang bulsa at habang naglalakad ay dahan-dahang umukit ang pilyo niyang ngisi. Restroom. Pagbukas ng pinto ay bumungad kay Amirah si Serephina. Dali dali siyang kumuha ng tissue para patuyuin ang kamay niya. Agad niya itong itinapon sa basurahan at nang aalis na sana siya ay nagsalita si Serephina. “That’s how you play?” isinara ni Serephina ang gripo at kumuha ng tissue saka nilingon si Amirah na nakakunot ang noo. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo.” Pag mamaang maangan ni Amirah. “Alam mo kung anong sinasabi ko. Ikaw ang may pakana kung bakit bumagsak ang grado ko.” “Wow.” Natatawang sambit ni Amirah. “Wag mo sa’kin isisi ang grado mo. Kasalanan ko bang bobo ka?”  Aalis na muli sana si Amirah nang makarinig siya ng nakakapanindig balahibong halakhak. “HAHAHAHA! HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHHAHAHA!” Sa sobrang lakas ng tawa ni Serephina ay u-m-e-echo ang kaniyang tawa sa loob ng restroom. Ang mas nakakapanindig balahibo pa ay nang biglang nag patay sindi ang ilaw ng restroom. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Hindi na rin makagalaw ang kaniyang buong katawan. Dumadagundong ng sobrang bilis ang kaniyang dibdib na tila ba ano mang oras ay sasabog ito. Sa isang iglap ay tumigil sa pagtawa si Serephina. Tila ba nakalimutan niya na tumawa siya ng malakas at matagal kanina sapagkat walang marka ng kanina niyang halakhak ang namayani sa ngayo'y seryoso niyang mukha. “See you.” ika ni Serephina. Iyon ang huling katagang narinig ni Amirah kay Serephina bago siya mawala sa paningin nito. * * * Puno ng reporters sa loob ng paaralan. Nagkakaguluhan na rin ang mga estudyante. At ang pinagkakaguluhan? Ang guro nila na si Jonathan na may bitbit na kahon kung saan nakalagay ang kaniyang mga gamit. “Sir! Bakit niyo po binagsak si Serephina?” “May nag-utos ba sa  inyo?” “Anong motibo niyo?” Sa dinami daming tanong ay wala ni isang isinagot si Jonathan. Nakatungo lang siya habang patuloy ang paglalakad. Sa kabilang banda, si Amirah ay nanatili sa loob ng kanilang classroom. Hindi niya akalain na nawalan na ng trabaho ang kaniyang nobyo. Sinisisi niya ang sarili niya ngunit mas sinisisi niya si Serephina. “Uh-oh.” Nabaling ang kaniyang tingin sa kakapasok lang na si Serephina. “Pa’no ba ‘yan?” aniya at naupo sa arm chair ni Serephina. “Wala na ang kakampi mo… sino na ang isusunod mo—“ “SHUT UP!” “HAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Heto nanaman ang nakakapangilabot niyang tawa. Ngayon lang nakakita si Amirah ng ganitong klaseng tao sa tanang buhay niya. Dali-daling tumayo si Amirah at kinuha ang kaniyang bag tsaka tumakbo palabas ng classroom ngunit rinig pa rin niya ang walang pigil na tawa ni Amirah. Kahit nasa quadrangle na siya ay naririnig pa rin niya ito. Tila ba mababaliw na siya sa nakaka binging tawang ito. Tila ba...nakakulong na iyon sa kaniyang isipan. * * * Napag desisyunan ni Amirah na mag date sila ng kaniyang nobyo na si Jonathan sa kanilang paboritong restaurant.Mas pinili nilang i-reserve ang restaurant upang walang makakita sa kanila. “I’m sorry. I’m really sorry.” Hinawakan ni Amirah ang kamay ni Jonathan habang tinitignan ng diretso ang mata nito. “No, it’s fine. Pwede pa naman akong makahanap ng ibang trabaho eh.” Nakangiting sambit nito. “Pero ang dapat sisihin talaga dito ay si Serephina.” Nanggigigil na sambit ni Amirah. Binitawan na niya ang kamay ni Jonathan at bumuntong hininga sa pang gigigil.  “Papatayin ko ang babaeng ‘yon—“ “hey, bestie.” Sabay silang napalingon sa likod ni Amirah. Bumungad sa kanila si Serephina na may hawak hawak na camera at sa isang iglap ay umilaw ang kamera hudyat na pinicturan niya ang dalawa. Sa gulat, ay napatayo si Amirah na sinundan ni Jonathan. “Anong ginagawa mo rito?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Amirah. Sa dinami dami ng lugar na pwede nilang pagkakitaan ay sa restaurant pa na ito kung kailan kasama niya si Jonathan. “Excuse me?” natatawang sambit ni Serephina tsaka niya ibinaba ang kaniyang camera at ngumisi. “This is my restaurant. I am the owner of this restaurant.” Hindi nakapagsalita ang dalawa. Nagsisinungaling man siya o hindi, para sa dalawa, ang mas importante ay nahuli sila. “What do you want?” mariing tanong ni Jonathan kay Serephina habang nakayukom ang kamao nito. Ipinag krus ni Serephina ang kaniyang braso at inikot ikot ang hibla ng buhok. “Hmmm… Let’s see… I want…” unti unting gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi. “Nothing! HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHHAHAHA!” Nagtinginan ang dalawang mag ka relasyon. Tila ba nag uusap sila sa kanilang isipan. Agad na tumakbo palapit si Jonathan kay Serephina at inagaw ang camera nito pagkatapos ay binagsak sa sahig at inapak apakan. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya nakikitang magka basag basag ang bawat parte nito. “What now, loser?” pang aasar ni Amirah. Ang hinihingal namang si Jonathan ay lumapit kay Amirah at hinawakan ang bewang nito. “Ang cute niyong dalawa.” Sarkastikong sambit ni Serephina. Sunod ay naglakad siya palapit sa pinto at binuksan ito tsaka lumabas. Dahil transparent ang pinto ay nakikita nila ang isa’t isa. Muli nanamang umukit ang ngisi ni Serephina, ngunit ‘di tulad kanina ay mas malaki ito. Dahan-dahang iniangat ni Serephina ang kaniyang kaliwang kamay at bumungad sa kanila ang isang itim at maliit na bagay. ‘Di nagtagal ay natauhan sila kung ano ang bagay na’yon. “L-Love…” nangangambang sambit ni Amirah sa nobyo habang nakatingin sa hawak ni Serephina na SD Card. Sunod ay inilapit ni Serephina ang SD Card sa kaniyang bibig at hinalikan ito tsaka tinalikuran ang dalawa. Samantala, hindi pa rin makapaniwala ang dalawa sa nangyari. Nasa loob pa rin sila ng restaurant at tila ba naka glue na ang kanilang paa sa sahig. “W-We need to get that thing.” Na-pa-praning na sambit ni Amirah habang nakatingin sa kawalan. “But how?” naiinis na tanong ni Jonathan.  “Let’s sneak to her house.” Suhestyon ni Amirah. “And where is her house?” Nawawalang pasensyang tanong ni Jonathan habang si Amirah ay hindi nakasagot. “Let’s do something more than that.” Gulat na napatingin si Amirah kay Jonathan. “What do you mean?” Kinakabahang tanong ni Amirah sa nobyo. tinignan  Pumunta si Jonathan sa harap ni Amirah at hinawakan ang magkabilang pisngi tsaka siya tinignan sa mga mata nito. “You know what I mean.” Napahilamos sa mukha si Amirah. Lumapit siya sa lamesa nila at kukuha sana ng wine nang may mapansin siya sa ilalim ng kaniyang plato. Itinanggal niya ito at bumungad sa kaniya ang isang larawan. Larawan nila ni Jonathan sa loob ng classroom. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD