Kabanata - 12

1002 Words
Tahimik ang buong mansyon ni Conrad at maging silang dalawa ay tahimik rin at magkaharap lang sa napakahabang hapag-kainan. Napapangiti si Conrad dahil pinaunlakan siya ni Cassandra na sabay kumain. Ilang taon na rin ang huli silang magharap sa lamesang ito. Hindi niya nga akalain na muling mauulit 'yon. Bagamat hindi na katulad ng dati dahil ngayon, kahit saan man sila magpunta sa bawat sulok ng mansion ay ramdam mo ang pader sa pagitan nila. Samantalang si Cassandra ay hindi maiwasan pagmasdan ang mga nasa harapan niya. Ayaw niya sanang kumain pero pinilit siya ni Conrad at kumukulo na rin talaga ang sikmura niya. Gold ang kutsara at tinidor. Kristal ang mga baso. At ang mesa punong-puno ng pagkain na kayang bumuhay ng isang pamilya sa loob ng isang linggo. Para sa dalawang tao lang. Tinalo pa ang isang handaan ng pasko at bagong taon. Sa isang dulo, nakaupo si Conrad pero kahit distansya ay ramdam niya pa rin ang presensya nito. Para siyang natutunaw sa tuwing nakatitig ito sa kanya kaya hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. “Hindi mo man lang tikman?” mahinang tanong ni Conrad, pinipilit maging kalmado ang boses. Hindi agad sumagot si Cassandra. Nakatingin lang siya sa pinggan niya. Sa totoo lang ay ngayon lang siya ulit nakakita ng ganitong uri ng pagkain. Malayong-malayo sa bahay ni Alex. “Pinagluto kita ng mga paborito mo. Kare-kare. Salmon. Iyong truffle pasta na gustong-gusto mo dati.” Hindi pa rin nagsasalita si Cassandra. Tahimik lang siyang nakaupo sa napakahabang hapag, habang ang ilaw ng chandelier ay kumikislap sa gintong kubyertos sa harap niya. Parang panaginip ang lahat isang marangyang bangungot. Para sa kanya ay isang bangungot itong lahat na muling nabubuksan ang bahagi ng kanyang nakaraan. Nakaraan nilang dalawa. Hindi siya sanay sa ganito. O mas tama hindi na siya sanay. Dahil sa bahay ng asawa niya ay sanay siyang kumain sa mga sobra lamang ni Alex. Nang hindi talaga siya nagsalita ay kusa nang tumayo si Conrad mula sa kinauupuan niya. Hindi siya nagsalita. Umikot siya sa mesa at huminto sa tabi ni Cassandra. Narinig niya ang bahagyang paghinga nito sa likod niya. “A—Anong ginagawa mo?” malamig na tanong ni Cassandra, hindi tumitingin. Sa halip na sumagot ay dahan-dahang hinawakan ni Conrad ang kutsilyo at tinidor. Kinuha niya ang steak sa plato ni Cassandra at maingat iyong hiniwa pino, eksakto, parang bawat hiwa ay may kahulugan. Parang dati. Yung mga panahong nagdadalantao siya ay halos sambahin siya ni Conrad. Mga bagay na mas lalo niyang minahal sa dating asawa. Mabilis na winaglit ni Cassandra ang mga ala-alang ‘yon kaya kinuha niya agad sa kamay nito. “Ako na, Conrad! Kaya ko!” mariin niyang turan. Hindi tumigil ang lalaki. Tinapos niya ang paghiwa, saka marahang itinulak palapit sa kanya ang plato. “Cass—” “Alis ka diyan sa likod ko o ako ang aalis?” mariin niyang pagbabanta. Doon ay biglang nabitawan ni Conrad at agad itong bumalik sa upuan niya. Nagpatuloy sila sa pagkain na walang kibuan. Ilang sandali pa na pinagmamasdan ni Conrad si Cassandra ay parang patapos na ito kaya agad niyang tinawag ang maid at nagpalabas pa ng dessert si Conrad. Isang tray ng mga mamahaling pastry, strawberries na tila pinili isa-isa, at isang maliit na cake na alam niyang paborito ni Cassandra noon. Tahimik iyong inilapag ng maid sa gitna ng mesa at saka na ito umalis. “Busog na ako, Conrad. Salamat sa ng marami.” Saad niya. “Tikman mo man lang, pinahanda ko ito sa ‘yo paborito mo itong lahat ‘diba? palaging nagpapabili sa akin nito noon.” Nakangiting paalala pa ni Conrad sa kanya. Tiningnan ni Cassandra ang mga dessert. Hitsura palang nakakaganda na. “Hindi ko na sila paborito.” Cold na sagot ni Cassandra. Sa huli ay napatango-tango na lang ang doctor at hindi na siya pinilit. Hindi na siya naghintay ng reaksyon. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa upuan niya. Sa loob ng mansyon na ito, alam niyang bastos ang basta tumayo habang hindi pa tapos ang kasama mo. Pero ano pa ba ang dapat niyang gawin? Wala na siyang kailangang patunayan. Wala na siyang kailangang i-impress. Kung respeto lang din hindi niya alam kung nababagay pa ba ‘yon kay Conrad. Sandaling natahimik si Conrad. Tiningnan nito ang dessert na kahit isa ay walang ginalaw si Cassandra. Pagkatapos, tahimik niyang ibinaba ang kubyertos niya. Tumayo siya at lumapit kay Cassandra. “Samahan na kita sa guestroom.” Sabi pa niya pero hindi sumagot si Cassandra. Tahimik lang na naglakad si Cassandra sa unahan. Ramdam niya ang presensya ni Conrad sa likod niya. Pero pinagmamasdan ni Conrad ang likod niya habang naglalakad. Sa bawat hakbang sa mahabang hallway ng mansyon, parang bumabalik ang mga alaala. Ang mga tawa ni Cassandra lalo na kapag nariyan ang Lola ni Conrad na kailangan nilang paniwalain na tunay silang nagmamahalan. Pero ni minsan ay hindi niya naisip na isang pagpapanggap lang ‘yon dahil naging masaya naman siya kay Cassandra noon. Pero hindi nga lang masayang-masaya kumpara kapag kasama niya si Antonia. Pero hindi niya maiwasan na ang mga gabing sabay silang naglalakad dito na magkahawak ang kamay. Ngayon ay distansya lang ang meron. Pagdating sa harap ng guestroom, si Conrad ang nagbukas ng pinto. Papasok na sana siya nang magsalita si Conrad. “Cassandra.” Huminto siya pero hindi lumingon. Ngunit hindi na nagsalita pa si Conrad kaya siya lumingon. Nakatingin ito sa kanya kaya agad nagtagpo ang mga mata nila. “Good night.” Nagulat si Cassandra pero tumango lang siya kalaunan. Nababanaag niyang gusto pang magsalita ni Conrad pero walang namutawi sa bibig nito kundi ang marahang paglunok habang nakapamulsa ang dalawang kamay kaya sa huli ay tinugon niya rin ito. “Good night, Conrad.” Naiwan si Conrad sa labas ng pinto. Nakatingin sa pinto kahit na kanina pa nakapasok si Cassandra sa kuwarto pero ang mga paa niya ay tila nakapako na roon sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD