SOLD TO MY EX- HUSBAND
“Feel at home, Cassandra.”
Nahangos ako nang mabagal nang tumapak na ang paa ko sa sahig. Binigyan ako agad ng sapin sa paa ng kasambahay pero nagulat ako sa babaeng bigla akong niyakap.
Hindi ko pa siya nakikita pero umiyak siya agad. Nang kumalas siya sa akin ay ako naman ang napamaang nang makilala ko si Manang Dolor.
“Cassandra, iha, ikaw ba talaga ‘yan? diyosmiyo! Anong nangyari sa ‘yo at ang payat payat mo!”
“Manang Dolor… kumusta na ho kayo?”
“Ikaw ang kumusta na. Bakit ang tagal mong nawala anong nagyari sa ‘yo? pero ‘di bale na at ang mahalaga ay nagbalik kana. Mula nang umalis ka ay wala ng kabuhay-buhay itong mansion. Mabuti naman at bumalik kana, iha. Talagang palagi kong ipinagdarasal na balang araw ay babalik ka rin at natupad na ang hiling ko.” Umiiyak na sambit ng mayordoma nitong mansion.
Hindi nakapagsalita si Cassandra, napatingin lang siya kay Conrad na nakatingin rin palas a kaniya.
“Manang Dolor hindi po ako magtatagal—”
“Manang pakihanda kami ng makakain ni Cassandra.” Mabilis na pinutol ni Conrad ang sasabihin niya. Tila hindi naman ‘yon napansin ng matanda at nakangiti lang ito habang hinahaplos ang buhok niya.
“Lulutuan kita palagi ng paborito mo. Namimiss na kita palaging katulong sa kusina lalo na ang specialty mo na bicol express. Huwag kang mag-aalala iha kasi patatabain kita ibabalik natin ‘yong dati mong katawan.”
Ibubuka pa sana ni Cassandra ang bibig pero may inutos na naman si Conrad kaya ang mayordoma ay tinawag rin ang mga kasambahay at inutusan na maghanda ng makakain dahil nagbalik na umano ang reyna ng mansion.
Napakagat sa ibabang labi si Cassandra habang sinusunod ng tanaw ang matanda na naging maliksi ang kilos. Bakas ang kasiyahan nito na makita siyang muli.
“Come here, Cass.”
Tumingin siya kay Conrad at mag-aatubili pa sana siya nang hinawakan nito ang kamay niya. Bumilis na naman ang tib0k ng puso niya sa simpling pagdikit ng kanilang balat. Pero nagkunwari siyang wala lang ‘yon.
“Conrad hindi naman ako magtatagal. Uuwi rin ako—”
“No. Dito kana matulog dahil gabing-gabi na saka ang lakas ng ulan sa labas, Cassandra.”
Wala na talagang nagawa si Cassandra. Bukod sa pagod na pagod ang katawan niya. Mabigat ang talukap ng mga mata at nanlalambot ang tuhod. Pakiramdam niya’y lalagnatin siya anumang oras.
Tahimik siyang inakay ni Conrad paakyat sa elevator at sumunod siya. Pinagmamasdan siya ni Conrad, batid niya ‘yon. Kaya kahit gustong-gusto niyang igala ang paningin niya sa paligid ng mansion ay pinilit niyang ikalma ang sarili. Ayaw niyang ipakita kay Conrad na sobra niyang namiss itong mansion. Ang bawat sulok nito ay tila tinatawag siya upang magliwaliw.
“if only this house could talk, I’m sure it would say it missed you, Cass.” Nakangiting saad ni Conrad sabay tingin sa kanya.
Bahagya lang siyang napangiti pero hindi abot sa kanyang mga mata. Natahimik si Conrad nang hindi siya magsalita at medyo nasa unahan niya ito kaya malaya niyang makita ang malapad nitong likod. Ang magandang tindig nito.
“Miss na miss ko rin ang mansion na ‘to, miss na miss din kita, Conrad.”
Sambit ng puso niyang hindi kayang isigaw. Kinurap niya ang mata bago pa siya magpadala sa emosyon niya.
Bumukas ang pinto at naunang lumabas si Conrad kaya sumunod siya.
Pagdating sa guestroom, binuksan ni Conrad ang ilaw. Walang pinagbago ang ganda ng room para lang siyang nasa five star hotel.
“Magpahinga ka muna. Babalik ako,” sabi nito bago lumabas.
Ilang sandali pa’y bumalik si Conrad na may dalang damit.
Isang puting polo shirt… at boxer.
“Ito muna isuot mo. Mahaba naman itong polo ko at malamig naman dito.”
Tiningnan ni Cassandra ang hawak nito, saka napatingin sa boxer.
“Okay lang… Conrad. Manghihiram na lang ako sa kasambahay mo,” mahina ngunit diretso niyang sabi.
Napahinto si Conrad. Tapos bigla itong natawa nang mahina.
“Nandidiri ka ba sa akin, Cassandra?”
Napatitig siya sa guwapong mukha ni Conrad. Mas lalo talagang nakadagdag sa kaguwapohan nito sa tuwing nakangiti siya dahil sa perpekto niyang ngipin at may dimples pa ito. Pero bago pa siya mapansin ni Conrad na nakatitig siya ay agad niyang binaba ang tingin sa hawak nito.
Mabilis siyang umiling. “Hindi.”
“Sa sarili ko,” dagdag niya.
Nanigas ang ekspresyon ni Conrad. Nawala ang biro sa mukha nito.
“Tama si Manang Dolor ang payat payat ko, Conrad. Hindi ko nga alam baka talaga may sakit na ako nakakahawa kaya nahihiya akong gamitin ang damit mo.”
Kumunot agad ang noo ni Conrad at lumapit ito sa kanya kaya halos nalalanghap na niya ang paboritong perfume nito. Hindi pa rin nagbabago ang scent ni Conrad, ‘yung pabango niyang expensive talaga, doon siya madalas naakit sa amoy nito noon. Naalala pa niya na halos isiksik niya ang mukha sa dibdib nito noon upang maubos niya ang amoy ni Conrad.
“Cassandra… bakit ka ba ganiyan sa sarili mo?”
Hindi na siya kumibo at tinanggap na lang niya ang polo shirt at umiwas ng tingin. Tumalikod siya kay Conrad at nilapag niya ang damit sa kama at lumapit siya sa bintana. Hinawi niya ang kurtina upang makadistansya na rin kay Conrad. Hanggang maari gusto niyang may distanysa sa pagitan nila upang hindi niya makalimutan na matagal na silang tapos.
“You can stay here,” sabi ni Conrad mas mababa ang tono. “As long as you want.”
Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito.
“Kaysa bumalik ka sa asawa mo.” Bakas ang bigat sa tinig ni Conrad sa huli nitong sinabi.
“At kung uuwi ka rin sa inyo… hindi kayo magkakasya sa barong-barong n’yo sa sementeryo.”
Parang may tumusok sa dibdib niya. Unti-unti siyang napatingin kay Conrad.
“Ako na ang bahala. Kailangan ko lang magpalipas ng gabi ngayon. Pero bukas na bukas rin ay aalis ako, dito.” Tugon niya habang nakatalikod pa rin kay Conrad.
“C—Cassandra…”
Napaigtad siya nang maramdaman niya ang kamay ni Conrad sa kanyang braso. Mabilis siyang umatras na para bang nakuryente siya. Hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito dito sa bintana.
“I… I’m sorry, nagulat ba kita?”
“A… ah… hindi naman masyado.” Nauutal niyang boses saka siya muling umiwas.
“Cass—”
“Ano ba Conrad ‘wag mo akong hahawakan sabi!” mariin niyang turan at bigla siyang sumiksik sa gilid at nanginginig siyang napayakap sa sarili niya.
“Please… ‘wag mo akong hahawakan. Hindi ako komportable, Conrad.” Natatakot niyang sambit at pilit na nilalabanan ang sarili na ‘wag maiyak.
Nagtagis ang bagang ni Conrad. Bilang doctor ay alam niya agad ang reaction nito.
“You’re not just uncomfortable… you’re traumatized. You panic when someone touches you.” Saad ni Conrad.
Hindi nagsalita si Cassandra at napaupo na lang siya sa sahig habang yakap niya ang mga tuhod. Kumuyom bigla ang kamao ng doctor kung bakit naging ganito Kalala ang Ex -wife niya. Noong pinaalis niya ito dito sa mansion ay hindi pa ganito si Cassandra.
“You recoil at physical contact. That kind of fear doesn’t come from nowhere… your husband has been abusing you, hasn’t he, Cassandra?” tanong ni Conrad pero nanatili siyang walang kibo.
“Dadalhin kita sa psychiatrist bukas na bukas. Ipapagamot kita—”
“Huwag na Conrad. Wala naman akong pambayad sa ‘yo wala akong trabaho.”
“Damn it!” biglang napasabunot sa buhok ang doctor. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kay Cassandra at sobrang tigas ng ulo. Ayaw tumanggap ng tulong niya!