TAHIMIK ang buong biyahe ni Cassandra pauwi. Nakatanaw lang siya sa bintana ng jeep habang dahan-dahang nagdidilim ang langit. Isang linggo pa siyang tumira sa sementeryo para makabawi-bawi sa sobrang bigat ng katawan niya. Hindi sapat ang isang linggo sa tatlong taon niyang pagtitiis at sa mga ilang taon pa pero wala naman siyang choice.
Ngayon… uuwi na siya sa asawa niya. Mabuti na lang din at hindi na bumalik pa si Conrad ‘yon na ang huli nilang pagkikita pagkatapos niyang sumbatan ito. Siguro ngayon ay pinagtatawanan siya ni Conrad kung gaano siya Katanga.
Dati, bago pa lang siya makarating sa subdivision ni Alex, nanlalamig na ang kamay niya. Kinakabahan siya sa bawat hakbang. Iniisip niya pa lang ang boses nito, sumisikip na ang dibdib niya.
Pero ngayon hindi na. Kahit alam niyang maaaring murahin siya, hilahin sa buhok o suntukin handa na siya.
Pagod na siyang tumakbo. Kung sakali man na mamatay na siya sa puder ni Alex ay malaki na si Mack kaya na niyang mabuhay sa kalsada. Ang lola naman niya ay matanda na at matagal na umano nitong pinaghahandaan kung kailan siya kunin ng langit.
Huminto siya sa harap ng gate ng mansion. Maliwanag ang loob pero tahimik ang paligid. Walang katao-tao sa hardin.
Huminga siya nang malalim. Pinindot niya ang doorbell.
Ilang saglit, bumukas ang pinto pero hindi si Alex ang bumungad.
“Ma’am…” gulat na sabi ng driver.
Bahagyang kumunot ang noo ni Cassandra.
“Nandiyan ba si Alex?”
Nag-alangan ang driver. Parang may gustong sabihin pero umatras lang at pinapasok siya.
“Pasok na po kayo, ma’am.”
Pagpasok pa lang niya sa sala… natigilan siya.
Mabigat ang amoy ng alak at pabango hindi pang-lalake lang. Halo-halo. Masangsang sa ilong. Parang hindi bahay.
Magulo ang sala, may bote ng whiskey sa mesa.
May dalawang basong may laman pa. May polo ni Alex na nakahagis sa sofa.
At may mga high heels sa sahig… tatlong pares. At sa gilid ng carpet… may nakapulupot na ginamit na condom.
May tatlong babae sa sala. Naka-bathrobe lang. Gusot ang buhok. May kumalat pang lipstick sa pisngi ng isa. Pero ang tatlo ay tulog at tila mga lango sa alak o sa droga, parehas.
Hanggang sa narinig niya ang mga yabag mula sa itaas.
Dahan-dahang bumaba si Alex sa hagdan. Naka-half button ang polo. Gusot ang buhok. May marka ng lipstick sa leeg at balikat. Hindi man lang siya nagulat nang makita si Cassandra at parang inaasahan niya na pa na ngayon siya darating.
Huminto siya sa huling baitang at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Mabuti naman at nakaalala ka pang may asawa ka?” malamig niyang sabi.
Hindi sumagot si Cassandra.
Tatlong taon niyang tiniis ang ganitong buhay.
Pero sa unang pagkakataon… wala siyang naramdamang takot habang nakatingin sa asawa niya.
Hindi na siya yung babaeng nanginginig sa bawat galaw ni Alex.
Tumingin lang siya sandali kay Cassandra, pagkatapos ay lumingon sa mga babae sa sala. Tinawag niya ang driver niya at inutusan na paalisin ang mga babae. Ginising ng driver na agad naghiyawan ang mga ito pero ang isa ay lango pa yata kaya hinila na lang ng kasama nito. Yung isa naman ay lumingon pa sa kanila pero nanatili ang tingin ni Cassandra kay Alex.
“Hindi ka ba magagalit?” tanong ni Alex.
“Bakit ako magagalit hindi naman kita mahal.” Sagot niya. Umabante si Alex at mabilis siyang sinampal. Tumabingi ang mukha niya, pero hindi na siya nakaramdam ng sakit. Namanhid na yata ang katawan niya.
Hindi pa rin gumagalaw si Cassandra sa may pintuan. Hanggang inayos ni Alex ang buhok niya at ngumiti ito. Lumapit si Alex sa center table, kinuha ang isang baso at ininom ang natitirang laman. Saka niya ibinaba iyon at saka lang siya tumingin ulit sa asawa.
“Halika rito.”
Nanatili siya sa kinatatayuan, kaya naman ay muntik nang ibato sa kanya ni Alex ang remote ng TV na pinulot nito sa sahig.
“Cassandra.” mas mababa ang boses ni Alex pero puno ng galit at pagtitimpi.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit at hinahanda ang sarili. Inaasahan niya ang paghila sa braso, ang marahas na paghawak nito sa kanya.
Pero hindi iyon ang nangyari. Hinawakan siya ni Alex sa braso nang normal.
Saglit siyang nanigas. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, ngayon lang siya hinawakan ng asawa niya nang hindi masakit.
Ginabayan siya nito papunta sa sofa at pinaupo. Para siyang nawalan ng balanse. Hindi dahil sa lakas kundi dahil sa kabaligtaran ng mga nangyayari.
Umupo siya pero nanatili siyang tuwid, magkalapit ang mga kamay sa kandungan, handang saluhin ang susunod na mangyayari.
Pero hindi pa rin siya sinigawan ni Alex.
Sa halip, umupo ito sa tapat niya sa kabilang sofa at tahimik lang siyang tinitigan.
Mas hindi siya mapalagay. Mas madali pa sana kung sinampal na lang siya. Kapagg anito si Alex ay hindi niya mabasa ang asawa kung ano na naman ang gagawin nito sa kanya.
“Nagkita kayo ni Conrad?”
Nagulat si Cassandra sa sinabi nito. Paano nalaman ni Alex ‘yon posible naman na pinapasundan siya nito?
Hindi siya nakasagot. Matagal siyang pinagmasdan ni Alex hanggang ngumisi ito.
“Iniisip mo ba babalikan ka niya?” mahinahon nitong tanong.
Umiling si Cassandra.
“Nakipagkita sa akin ang Ex-husband mo. Hindi pa pala niya alam na ex ko rin si Antonia.” Ngumisi pa si Alex habang siya naman ay gulat na gulat.
“Bigla kong naisip, bakit kaya hindi kita gamitin laban kay Conrad?”
Doon na siya nagsalita.
“Hindi ka mananalo kay Conrad. Kung iniisip mo na gagamitin mo para maagaw mo sa kanya si Antonia hindi ‘yon mangyayari. Pader ang babanggain mo.” Sagot niya.
“I know.” Sagot rin agad ni Alex.
“I can’t beat him, so I’ll join him. May pinaplano ako Cassandra pero hindi upang maagaw si Antonia kundi upang magkapera ako.”
“At sa tingin mo mauuto mo ‘yung tao? wala akong halaga sa kanya Alex kaya hindi ka rin magtatagumpay sa binabalak mo.”
“At sa tingin mo rin tanga ako para direkta kitang gagamitin laban sa kanya? edi nahalata ng gagong ‘yon.”
“Anong ibig mong sabihin?” napakunot noo niyang tanong.
“Be ready. Dahil dadalhin kita mamaya sa isang event at naroon ang ex-husband mo. Galingan mo mamaya gusto ko ‘yong maawa siya sa ‘yo at bigyan ka niya ng pera.”
“Hindi ako pupunta doon, Alex! Patayin mo na lang ako para matapos na!” sigaw niya.
“Bakit kita papatayin? Kaya nga inasawa kita dahil gagamitin kita, Cassandra. Ikaw ang sagot sa problema ko. At kapag ikaw, nagpakamatay ka, isusunod ko ang lola at kapatid mong mga patay gutom. Ililibing ko sila ng buhay sa sementeryong kinatitirikan nila!”
“Alex…!” napahagolhol na lang siya ng iyak. Ito ang isang bagay kung bakit kahit anong gawin niya ay pilit siyang bumabalik kay Alex dahil sa pangba-blackmail nito.
Lumapit pa si Alex at hinawakan ang buhok niya sabay ng pag-angat ng mukha niya.
Isang linggo pa ang lumipas at maayos-ayos na ang pakiramdam niya. Isang linggo na rin na wala si Alex dahil may inaasikaso sa Malaysia, si Cassandra naman ay nakakulong sa isang maliit na kuwarto. Hindi siya makalabas, at ang tanging tao na naglalagay ng pagkain niya sa maliit na siwang ng pinto ay ang driver na nagdadala ng pagkain pero kahit iyon, hindi niya mabuksan ang pinto. Nasa kamay ni Alex ang susi, at mahigpit itong binabantayan.
Para kay Cassandra, sa kabila ng limitasyon, may kakaibang kaginhawaan ang sitwasyong iyon. Wala siyang ginawa kundi matulog at magpahinga, paulit-ulit ang kanyang routine, at sa bawat araw ay parang nakabawi siya sa pagod. Wala siyang iniintindi, walang alalahanin maliban sa tahimik na pagdaan ng oras. Sa paraang iyon, kahit nakakulong, tila nakahanap siya ng kaunting kalayaan sa kawalan ng obligasyon at responsibilidad.
Ngunit mabilis lang ang paglipas ng mga araw. Ang linggo ng katahimikan ni Cassandra ay tila isang panandaliang paghahanda para sa susunod na eksena ng kanyang buhay.
Dahil nang dumating si Alex ay balik na naman kalbaryo ang buhay niya at tila palala nang palala pa. Mabilis siyang hinila ni Alex at kinaladkad palabas hanggang sa sinakay siya sa kotse. Ni wala siyang tsenelas sa sobrang pagmamadali ng asawa niya at mala-late daw sila.
Halos paliparin ng driver ang sasakyan at si Alex na busy sa phone nito. Naririnig niyang may kausap ito at sinasabing darating sila at malapit na.
Halos dalawang oras yata ang itinagal nila sa biyahe. Hanggang nakarating nga sila sa isang lugar malawak at marangyang estate, na nakatago sa private island, halos hindi ma-access ng kahit sino kundi ang mga piling miyembro ng lipunan. Sa labas, makikita mo ang matatayog na bakal na gates na may intricate engravings parang simbulo ng pamilyang centuries-old, na may crest na kumikislap sa liwanag ng buwan.
Pagpasok niya pa lang ay malawak na courtyard ang sumasalubong, puno ng mahahabang kandila sa mga bronze holders, at may mga marble statues ng classical figures, tila pinapanood ang bawat kilos ng bisita. Sa isang sulok, may archery arena mahigpit na nakahiwalay mula sa resto at lounge area para sa privacy. Ang arena ay mukhang isang miniature coliseum, pader na gawa sa dark polished wood, at may taas na platforms kung saan nakaupo ang mga elite habang nanonood, may dalang champagne at cigars, nakasuot ng tailored suits at evening gowns perpekto sa kanilang opulent aura.
Hindi niya alam kung anong laro. Binalik-balikan niya sa isip ang sinabi ni Alex na tatayo lang daw siya sa gitna.
Pinasuot siya ng puting bestida at buhaghag ang buhok niya, parang walang kaayusang pinaganda siya para sa isang ritwal na hindi niya lubos na naiintindihan. Wala siyang tsinelas ang malamig at matigas na sahig sa ilalim ng kanyang mga paa ay nagbibigay ng kakaibang kilabot. Hanggang sa tinakpan ng makapal na puting tela ang mata niya at nilagyan siya ng lipstick na kulay pula.
Bakas ang karangyaan sa mga dumalo na puro elite na kilalang pangalan sa industriya, politika, at negosyo. Nakasuot ng tailor-made suits at evening gowns, may mga antique jewelry at subtle hints ng ostentasyon. May mga whispering conversations, ngunit mahigpit ang katahimikan sa gitna tila bawat galaw ay sinusuri at bawat mata ay nakatingin sa hindi nakikitang sentro ng eksena. Ang buong lugar ay napuno ng luxury, power, at isang halo ng panganib.
Walang kang ibang maririnig kundi maliban sa malumanay, ambient na tunog ng hangin at paanan sa marmol isang tension na halos maramdaman sa balat. Kahit ang liwanag ay dim, na may mga spotlight sa center, para ang sinumang ilalabas sa pedestal ay may dramatikong aura, ngunit hindi pa niya alam kung ano ang magiging papel niya roon.
Sa gitna ng grand ballroom na parang halo ng museum at arena, may mga maniquen na nakaposisyon sa paligid, bawat isa may mansanas sa ulo. Mukha silang mga statue sa unang tingin pero alam ng mga elite na ito ay parte ng laro. Ang ilan sa kanila ay parang nakatayo lang, habang ang iba’y may subtle na mekanismo para gumalaw kung may tama.
Isang batang lalaki, siguro 21 anyos lang, ang tinutukan ng pana at pinana ang isa sa maniquen. Sa isang iglap, tumama ang pana… pero hindi sa mansanas sa noo ng maniqueen. Imbes na paghangan ay nagtawanan ang mga tao sa paligid. Umulit uli ang binata pero hindi pa rin nito natamaan ang mansanas. Atisa sa mga manonood ay si Conrad Del Carmen. Nasa unahan pa ito kaya kitang-kita niya ang tama sa noo ng maniquen.
Hanggang sa nagsimula na ang laro. May mga tinaman sa maniquen, may sa mansanas.
“Bulls ‘eye!” turan ni Conrad nang eksatong sa mata tumama ang pana ng isang matandang lalake. Natatawa lang sila.
Hanggang sa biglang may nasalita na ikinatuwa ng lahat.
“Ladies and gentlemen. This goes to the highest bidder.”
Anunsyo ng isang lalake sa malakas at malinaw na boses. Ang mata ni Antonia ay kumislap siya ang may pinakamalaking kontribusyon sa event. Ang VIP crowd ay bahagyang yumakap sa ideya na may special treatment para sa kanya. Pero nang tumayo si Conrad ay napanganga na lang ang mga tao at wala nang maraming salita dahil talagang makapangyarihan at napakayaman ni Conrad.
“Don’t look at me like that… you know naman my fiancée paid for it.” Proud na proud na boses ni Antonia sabay ikot ng mata niya sa mga babaeng naroon na kasama ang mga sugar dadd nila sabay ikot ng mata ni Antonia.
“Ikaw na talaga ang pinagpala girl!”
“Yeah. I know right!” sagot agad ni Antonia at tumawa pa.
Hanggang sa biglang bumigay ang spotlight sa gitna. Isang babae, nakaputi, buhaghag ang buhok, blindfolded, at dahan-dahang pinalabas sa arena. Tahimik ang lahat; ang elegance at tensyon ay halata sa bawat mukha ng dumalo. Si Conrad, na hindi makapaniwala, ay bahagyang napalingon. Totoong tao pala ang babae hindi maniquen.
“Babe?” kinabahan agad si Conrad. Hindi niya akalain na ang binayad niya sa event nito ay high society blood sport kung saan ay totoong tao.
“Relax, babe. Wala ka bang tiwala sa akin?” boses ni Antonia na mahina ngunit puno ng kumpyansa. Magaling si Antonia, bata pa lang siya ay ito na ang kahiligan niya. Isa rin siya sa nagbigay ng karangalan sa Pilipinas noong 2016 at ilang beses din siyang dinayo sa iba’t ibang bansa.
Binigyan si Antonia ng pana at hinalikan pa niya sa labi si Conrad pang pabuwenas daw. Kinakabahan man ay napangiti pa rin si Conrad.
“Good luck,babe.” Saad ni Conrad. Kumindat lang si Antonia sa kanya saka ito naglakad patungo sa gitna. Medyo malayo rin sa babae sa gitna. Ang bawat mata sa ballroom ay nakatutok sa kanya, nakadama ng halo ng peligro at pag-asa, habang ang elite crowd ay naghihintay sa susunod na kilos.
Napatingin si Conrad sa babaeng nakaputi at may puting tela sa mata tas may mansanas sa ulo at ‘yon ang target ni Antonia. Dalawang milyon ang binayad niya para lang maglaro si Antonia kaya kung matataman man ang babae, kung mamatay man ay may makukuha daw ang pamilya ng isang milyon.
Napatingin si Conrad sa girlfriend niya na bumwelo na ito upang tamaan ang mansanas sa ulo ng babae hanggang sa pinakawalan n anito. Matulin, walang kasing bilis na lumipad sa ere diretso sa nakaputing babae. Hanggang sa tumama ‘yon sa mansanas at biyak agad ang mansanas at nahulog sa lupa.
Napatayo ang lahat, maging si Conrad ay tuwang-tuwa at tinakbo si Antonia at niyakap.
Palakpakan ang crowd sa ipinamalas ni Antonia.
“Walang kupas! Mahusay, Ms. Antonia!” malakas na boses ng matandang lalake sabay palakpak.
“Well, soon to be Mrs. Del Carmen, uncle.” Sagot ni Antonia kaya natawa si Conrad at ang matandang lalake.
“Ladies and gentlemen… please give it a round of applause for Miss Antonia.”
Sumabog ang palakpakan sa loob ng grand arena. Ang mga kristal na chandelier sa itaas ay kumikislap habang ang spotlight ay nakatutok kay Antonia, nakatayo nang tuwid, hawak pa rin ang pana, kalmado ang mukha na parang wala lang ang ginawa niya. Habang ang kamay ni Conrad ay nakapulupot sa baywang ni Antonia.
“Remove the blindfold.” Sigaw ng isang lalake mula sa crowd kaya pinatanggal sa babae ang tela sa mukha niya.
“Kasama ‘yan sa binayaran sa ‘yo. Huwag kang mahiya!” sabi ng staff.
Nakaabang ang lahat maging si Conrad ay nakatingin sa babae. Hanggang sa dahan-dahan na tinanggal ng babae ang piring sa kanyang mga mata.