Kabanata - 8

1534 Words
Tahimik lang sina Cassandra at Conrad habang magkaharap sila. Tanging si Mack lang ang madaldal at kinakalabit pa si Cassandra. “Ate buhay ‘yong iba!” halos mapasigaw siya nang makita ang mga alimasag na gumagalaw pa. Napangiti ang isang staff na dumaan. “First time?” tanong nito kay Mack. “Opo!” sagot niya agad. Marahang tinapik ni Cassandra si Mack pero natawa lang ang staff. Nasa isang mesa sila malapit sa salamin. Kita ang city lights sa labas. “Ano gusto mong kainin?” tanong ni Conrad kay Mack. “Lahat po ba puwede?” maingat niyang tanong. Tumango si Conrad. “Lahat.” Parang hindi makapaniwala si Mack. Tumayo agad siya. “Ate! Samahan mo ‘ko!” Sumunod si Cassandra sa kanya. Kumuha sila ng plato na mabigat at makapal, hindi katulad ng manipis nilang plato sa bahay. “Hawakan mo ‘yan ng mabuti kapag ‘yan nabasag baka isang buwan tayong maghuhugas ng pinggan sa kusina hindi pa rin natin ‘yan mababayaran!” paalala ni Cassandra sa kanya. Natakot naman ang inosente niyang kapatid kaya halos yakapin nito ang plato. Unang nilagay ni Mack — fried chicken. Sunod — spaghetti. Tapos may nakita siyang pizza, nagdagdag pa. May tempura, kumuha rin siya. Tapos biglang bumalik para kumuha ng kanin. “Mack, hindi mo mauubos ‘yan. Kainin mo lang ang kaya mo dahil kapag sobra pagagalitan tayo ng may-ari,” sabi ni Cassandra. Ayaw lang niyang magmukhang patay gutom ang kapatid niya. “Uubusin ko ‘to, ate. Promise.” Napangiti si Cassandra pero may kung anong kumurot sa dibdib niya dahil alam niyang sabik na sabik ang kapatid niya sa masasarap na pagkain kaya naging nakaw tingin ito. Naalala niya si Lola na nagtatyaga sa noodle. Kung puwede lang mag-take-out doon pero bawal iyon at nakakahiya kay Conrad. Pagkatapos ay umupo na sila. Kumain din naman si Conrad pero salad lang sa kanya. Hindi siya katulad nila na gutom talaga. “Ate mas masarap pala ‘yong chicken kapag hindi buto lang!” tawa ni Mack. “At ang lambot ng karne!” Hindi napigilan ni Cassandra na tumingin sa plato niya. Hindi siya agad kumain. Tinitigan niya muna. Isang slice ng roast beef. Kaunting pasta. Isang pirasong hipon. Ilang taon na rin simula nang makakain siya nang hindi iniisip kung may matitira pa bukas. “Ang konti lang ng kinuha mo,” tanong ni Conrad mula sa tapat niya. “Okay na ‘ko,” sagot niya. “Cassandra.” Hindi siya tumingin. Tahimik lang siyang kumain. Hindi na nangulit pa si Conrad kaya lihim niyang ipinagpasalamat. Samantala si Mack, tapos na sa unang plato. “Ate puwede pa ba ulit?” “Puwede,” sagot ni Conrad. Tumayo na naman siya. Ngayon naman, desserts. Pagbalik niya, may dala na siyang maliit na slice ng chocolate cake at dalawang pirasong macaron. “Ate ito sa’yo,” sabi niya at inilapag ang isa sa plato ni Cassandra. “Sa’yo na lang ‘yan.” “Birthday ko naman, pwede kitang bigyan,” sagot niya. Dumating ang isang staff na may hawak na maliit na kandila sa ibabaw ng cupcake. “Happy Birthday, sir,” nakangiting sabi nito kay Mack. Nagulat si Cassandra. Napatingin siya kay Conrad. “Sinabihan ko lang sila,” mahinang sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Mack hanggang sa kinanta ng staff ang maikling “Happy Birthday.” Ilang mesa ang napalingon at ngumiti sa kanya. Para siyang prinsipe sa isang gabi. Tumingin si Cassandra kay Conrad na may kinawayan lang sa dulo ng lamesa na dalawang lalake. Halatang mayaman rin, kakilala ni Conrad. “Wish ka, po.” magalang na sabi ng staff. Pumikit si Mack. Ilang segundo lang. Pagdilat niya, hinipan niya ang kandila. “Ano wish mo?” tanong ni Cassandra. “Sana maulit itong pagkain natin na masarap ate.” Hindi siya nakakibo. Napakasimple lang ng wish ni Mack. “Don’t worry. Kapag may time ako palagi kitang dadalhin dito.” “Conrad?!” mariin niyang turan. Tiningnan niya ito pero hindi tumingin sa kanya si Conrad dahil batid nitong may disgusto siya. Habang pinapanood niya si Mack na kumain ng cake na may tsokolate sa gilid ng labi, napansin niyang tahimik lang si Conrad. Hindi ito nagsasalita. Nakatingin lang ito kay Mack. At sa unang pagkakataon, hindi niya ito nakita bilang isang bilyonaryo at makapangyarihan. Kundi bilang taong pinapasaya ang kapatid niya. Pero hindi ibig sabihin noon, madali na ang lahat. Dahil kahit gaano kaganda ang lugar na iyon, alam niyang paglabas nila roon… babalik pa rin sila sa barong-barong sa sulok ng sementeryo. Natapos sila sa pagkain at naka-swipe lang ang card ni Conrad. Wala silang take-out kasi pinagbabawal kaya ang gusto ni Conrad ay bumili sila sa ibang restaurant para makadala kay Lola ngunit tumanggi si Cassandra. Lulan na sila sa sasakyan pabalik. Si Mack ay nakatulog na lang sa sasakyan at si Conrad ay panay ang tingin sa rear-view mirror. Ilang beses niya itong nahuling nakatingin sa kanya saka titingin sa bintana. Ang balak ni Cassandra ay bibili na lang sila sa Jollibee kahit tatlong piraso lang ng chicken at isang spaghetti para kay Lola. Pero hininto na ni Conrad ang sasakyan sa gate ng sementeryo. Ginising ni Cassandra si Mack at lumabas na sila. Pinauna niya na itong pumasok at hinarap niya si Conrad at muli siyang nagpasalamat. Tatalikod na sana siya nang tawagin nito ang pangalan niya. “C—Cassandra…” “Bakit?” casual niyang tanong. “Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?” tanong nito na ikinagulat niya. “Hindi na… saka alam ko naman na okay ka. Masaya ka at mas yumaman pa.” malamig niyang sagot. “How can you say that I’m happy?” “Nakita kita, isang buwan na ang nakakalipas. Kasama mo ang girlfriend mo sa isang charity gala. Masaya ka, masayang-masaya ka, Conrad. Iba ‘yong saya mo kapag kasama mo siya kaysa noong mag-asawa pa tayo kaya…” Natawa siya at napatingin pa sa dalawang aleng dumaan. “Kaya bakit pa kita kukumustahin eh alam ko naman si Antonia ang kasiyahan mo. Kaya ka nga nakipaghiwalay sa akin ‘diba?” “C—Cassandra…” “Okay lang ‘yon ano ka ba. Matagal na panahon na ‘yon nakalimot na tayo parehas at may kaniya-kaniya na rin tayong buhay.” “So bakit hindi mo kinuha ang pera?” “Dahil hindi lahat ng tao ay pera ang kasiyahan, Conrad. Aanhin ko ang milyones mo. Nawalan ako ng anak at hiniwalayan pa ako ng asawa, so sa tingin mo kayang tumbasan ng salapi mo ‘yong sakit na pinagdaanan ko?” Bigla na lang tumaas ang boses niya. Lumandas ang luha niya sa sobrang sakit. “I’m sorry, Cass—” “It’s okay, Conrad. Hindi mo kailangan mag-sorry, alam kong naipit ka lang sa sitwasyon. Napilitan ka lang pakasalan ako alang-alang sa Lola mo. Pero sana ‘wag mo nang ipilit sa akin ang pera mo dahil mas lalo lang akong nasasaktan." "Cass--" Thank you sa treat mo sa kapatid ko. Masaya siya at huwag ka na rin bumalik pa dito dahil uuwi na rin naman ako sa asawa ko.” “Sino ba ang asawa mo? sinasaktan ka ba niya? ‘yung mga pasa mo? siya ba ang may gawa niyan? Kahit kailan hindi kita sinaktan kahit pitik ay hindi ko ginawa. Tapos sasaktan ka lang ng tarantadong ‘yon?” “Oo. Siya nga at sinasaktan niya, binubugbog niya ako sa tuwing nami-miss niya ang ex-girlfriend niya. So?” “Anong so? Tangina Cassandra—” “May kaniya-kaniya na tayong buhay, Conrad. Huwag mo na akong pakialaman dahil hindi kita pinakikialaman. Kung ano man ang mangyari sa akin ay wala ka na doon. Hiwalay na tayo ‘diba? nakipaghiwalay ka sa akin ‘diba kaya panindigan mo ‘yon! dahil ako, pinapanindigan ko ang pagiging ulirang asawa ko.” “Cassandra—” "Bakit? bakit ka pa nangugulo, ha? binigay ko na ang kalayaan na gusto mo, Conrad! bakit ngayon nangugulo ka sa akin? para ano? para patunayan sa akin na tama lang ang naging desisyon mo noon na piliin si Antonia? para ano, para pagtawanan mo ako sa buhay ko ngayon? para patunayan sa sarili mo na hindi ka nagkamali?" Halos nanlalabo na ang mga mata ni Cassandra sa masagana niyang luha. Ang ilang taon niyang paghihirap, ang gabi-gabi niyang pagtitiis sa mga kamay ni Alex. Ang pangungulila niya kay Conrad, ang mga what ifs niya sa buhay. Biglang nahabag si Conrad nang makitang umiiyak ang dati niyang asawa. "Cassandra, no. Hindi ako nandito para pagtawanan ka kundi naawa ako sa 'yo. Sa sitwasyon mo kaya gusto kitang tulungan." "Ano ba ang meron si Antonia na wala ako, Conrad? bakit hindi mo ako kayang piliin?" Nagulat si Conrad sa tanong niya, maging si Cassandra ay nagulat sa salitang namutawi sa bibig niya. "Cassandra--" Akmang hahakbang palapit sa kanya ang doctor ngunit biglang nahiya si Cassandra sa bigla niyang tanong. Tumakbo siya nang tumakbo at nang makalayo siya kay Conrad ay napaupo siya sa isang puntod ay muling bumuhos ang masagana niyang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD