Kabanata - 7

1274 Words
TINALIKURAN ko si Conrad at pumasok ako sa loob. Inayos ko ang mga kalat ng kapatid ko. Siguro mga 20 minutes rin akong nasa loob kaya paglabas ko alam kong umalis na siya. “Cassandra.” Napaigtad ako nang tinawag niya ang pangalan ko. Nandito pa pala siya? “Ate sabi ni sir pogi ay kakain daw tayo sa labas libre daw niya dahil birth—” “Hindi! tumigil ka, Mack!” Nawala ang ngiti sa labi ni Mack. Tumingin siya kay Conrad, tapos sa akin. “Kahit saglit lang, ate,” pakiusap niya. “Hindi pa ako nakakasakay sa ganyang kotse.” “Mack,” madiin kong sabi. “Pumasok ka sa loob tumigil ka sabi tatamaan ka sa akin!” “Ate naman eh…” bigla siyang napasimangot. “Birthday ko nga ngayon kahit ngayon lang.” Bigla akong nakaramdam ng inis. Sa sarili ko. Sa sitwasyon. Sa lalaking nasa harap ko na parang laging sakto ang pagdating. “Hindi dahilan ang birthday para sumama sa kung sino-sino!” sigaw ko. Napaatras si Mack. Tuluyan nang pumatak ang luha niya. “Hindi naman kung sino-sino si kuya…” singhot niya. “Bakit kilala mo ba ‘yan?” tanong ko. Hindi nakapagsalita si Mack at panay lang ang iyak niya. “Cassandra pagbigyan mo na ang bata. Kahit ngayon lang birthday niya. Napailing ako. “Hindi kailangan.” Umabante pa si Conrad kaya sinamaan ko siya ng tingin. Saka lang siya huminto sa paghakbang. “Kahit para sa kanya lang. Baka magrebelde ‘yong bata… magmana sa ‘yo.” “Anong sabi mo? hoy, Conrad. Hindi ako nagrerebelde sa ‘yo hindi lang ako mukhang pera katulad ni Antonia mo!” Napakunot ang noo ni Conrad sa hindi ko napigilan ang sarili ko. “Wala. Umalis kana!” “Okay. Aalis na ako.” Sagot ni Conrad. Pero bago siya umalis ay nilapitan niya si Mack at yumuko siya pero hindi pa rin sila nagpantay dahil ang tangkad talaga ni Conrad. “Anong gusto mo sa birthday mo, buddy?” Nagpunas ng ilong si Mack at tumingin sa akin. Pinandilatan ko siya kaya natakot naman siya. Pero sa huli ay may hiniling pa rin ito. “Kahit chicken lang po… saka kanin na maraming-marami.” Napangiti si Conrad. “Madali ‘yan.” Tumingin si Mack sa akin. Hindi na siya nagsasalita pero malinaw ang pakiusap sa mga mata niya. “Pero gusto ko po makasakay sa kotse n’yo.” “Ate…” Napapikit ako sandali at iniisip ko na lang ang kaligayahan ng kapatid ko. Para ito sa batang minsang nagtitira ng huling piraso ng tuyo para sa’kin. Dahan-dahan akong tumingin kay Conrad. “Isang beses lang. Ngayon lang at hindi ibig sabihin nito may utang na loob kami sa ‘yo.” Bahagya siyang ngumiti. “No worries, Cass. Para ito sa kapatid mo.” “Sige. Pumapayag na ako pero ngayon lang ‘to Mack, ha?!” Parang hindi makapaniwala si Mack. “Talaga ate? Sasama tayo?” halos tumalon siya sa tuwa. Tumango ako. Sa isang iglap, napalitan ng saya ang kaninang luha niya. Tumakbo siya papunta sa kotse at paikot-ikot pa roon. “Ate ang lamig sa loob!” sigaw niya nang mabuksan ni Conrad ang pinto. Napailing ako pero hindi ko napigilan ang maliit na ngiti. “Maligo ka muna nakakahiyang maupo ka diyan madumi ka. Mas malinis pa sa ‘yo ang upuan.” Litanya ko. “It’s okay, Cass. No problem.” Nakangiting saad ni Conrad pero hindi ko na siya sinagot. Tumalikod lang ako at naupo sa bangkong kahoy. Saka ko tinanggal ang dahon ng malunggay sa mga sanga nito. Si Mack naman ay agad na naligo sa banyo sa sobrang excited. Nagulat ako nang makita ko ang mamahaling sapatos ni Conrad sa harap ko. Alam kong pumihit siya pero hindi ko siya tinangala. “Sumama kana sa amin para mas mag-enjoy ang kapatid mo.” “Hindi na kayo na lang.” “Oo nga apo. Sumama kana kaysa naman silang dalawa lang saka makulit ang batang ‘yan baka magtuturo ‘yan kay sir aba nakakahiya kung walang masasaway.” Boses ni Lola. “Please, Cassandra? sumama kana.” “Fine. Pero ngayon lang ‘to!” mariin kong turan. “Promise. Ngayon lang.” Napahinga ako nang malalim at saka ko nilapag ang bilao na hindi ko natapos ang ginagawa. “Magbibihis lang ako.” Saad ko at binigyan niya naman ako ng privacy. Tumalikod siya at naglakad-lakad. Si Mack naman ay natapos na sa pagligo at hindi malaman kung anong isusuot niyang damit. Si Lola lang ang nagpili. “Hindi po ba kayo sasama, La?” tanong ko. “Kayo na lang mga apo at ako ay napagod kanina kakawalis.” Tumango na lang ako at sinuot ko na lang ulit ‘yong damit ko natuyo na rin kasi kanina pang umaga ni Lola nalabhan. “You’re ready.” Ngiting saad ni Conrad. “Pasensya na sa ayos namin. Huwag na lang tayo sa mamahaling restaurant. Sa Jollibee na lang may chicken naman doon ang importante ay sumaya si Mack.” Saad niya. “You two are fine. It’s not about the clothes you’re wearing. It’s about your presence. And still… you’re as beautiful as ever, Cassandra.” “Thanks.” Maikli kong sabi. Habang naglalakad ako papunta sa kotse, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil nandito na naman itong nararamdaman ko. Akala ko ay patay na itong damdamin ko para sa kanya pero hindi ko mapigilan ang saya kong naramdaman. Alam kong mali, alam kong hindi dapat pero masaya ang puso ko. Ayos lang ito, ngayon lang ito dahil kung pipilit pa si Conrad na bumalik bukas ay uuwi na ako kay Alex. Mas gusto ko pang masaktan nang pisikal kaysa ang masaktan ang puso ko dahil mas mahirap kalaban ang damdamin kaysa ang pisikal na pananakit ni Alex. Huminto ang kotse sa tapat ng isang gusaling puro salamin. Kumikinang ang ilaw sa loob kahit hindi pa ganap ang dilim. Napatingala si Mack. “Ate…” bulong niya. “Parang mall pero mas sosyal.” Napatingin ako sa karatula sa itaas. SpiralBuffet. Mamahalin dito hindi sinunod ni Conrad ang sinabi ko na sa fast food na lang kami. “Ate tingnan mo oh!” turo niya sa isang mahabang mesa na puro cake. “Mukhang masasarap.” “Tumigil ka nga! Nakakahiya kay Conrad.” Bulong ko sa kanya at kinurot ko pa siya kung saan-saan kasi nagtuturo. May istasyon ng sushi may umiikot na carving station kung saan hinihiwa ang malaking piraso ng baka. May chef na nagluluto ng pasta sa harap mismo ng mga tao. May mga seafood na nakahilera sa yelo, hipon, tahong, alimango. Parang gusto kong umatras nang mauna si Conrad sa lamesa. Hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil bigla kong naalala ‘yung araw na una niya akong dinala dito apat na taon na ang nakakaraan. ‘Yung gabing pumayag siyang pakasalan ako alinsunod sa hiling ng Lola niya. Dito ang first date namin. “Ate tara na!” Napakurap ako nang hindi ako nakagalaw. Hinila ako ng kapatid ko kaya nagpatianod ako. Pagkarating namin sa table ay nauna si Mack maupo at sinampa niya agad ang dalawa niyang kamay sa lamesa. Pinaghila pa ako ni Conrad ng upuan pero hindi ako umupo doon. Tumabi ako sa kapatid ko na kunwari ay hindi ko napansin ‘yong paghila niya. Ayokong maging bastos kay Conrad, pero ayoko rin ma-attach ulit sa kanya dahil hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin na makausad sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD