Kabanata - 5

1853 Words
NAGISING ako nang may malakas na humagolhol. May sumisigaw ng iyak kaya napabangon ako agad. “Lola? Mack?” tawag ko agad sa kanila at lumabas ako ng kubo. “Gising kana pala ate!” Napahawak sa maliit na haligi dito sa barong-barong nang matanaw ko ang pinagmulan ng iyakan. “Nagising ka ba dahil sa iyak, ate?” Hindi ako kumibo at nakatanaw lang ako sa nagkukumpulang tao sa ‘di kalayuan. May inilibing pala kaya nag-iiyak ang mga mahal sa buhay ng namatay. Napangiti lang ako sa kapatid ko. Hanggang ngayon ay walang pinagbago si Mack, napakadaldal niya pa rin. Nakaramdam ako bigla ng sakit sa bandang balakang ko, gawa ito ng pagkakabundol ko. “Akala ko ate hindi ka na rin magigising. Ang haba ng tulog mo inabutan ka ng hapon. Kumain kana ate may kanin pa diyan tinira namin sa’yo ni Lola.” Tumayo ako dahil kailangan ko rin talagang kumain. Kahapon pa ako walang kain baka ako na ang susunod doon sa nilibing. Binuksan ko ang kaldero at nagsandok ng kanin. May nakatakip sa mangko at nang buksan ko ay prinitong tuyo. May tatlo pang natitira pero isa lang ang kinuha ko at baka mamaya pagdating ni Lola ay hindi pa siya nakakin. Kumuha ako ng isa lang at nilagyan ko ng suka. “Si Lola pala?” tanong ko sa kapatid ko. “Sumama po doon sa Tupad, ate.” “Ano ‘yong Tupad?” takang tanong ko. “Maglilinis lang sila sa mga madudumi halimbawa sa mga kanal o kahit saan na madumi ate. Magwawalis ang mag tao tapos babayaran sila ng gobyerno.” ‘Oh, maganda pala ‘yon. Eh ikaw naman? Bakit hindi ka pumasok sa eskwela?” “Walang pasok ate. Diba Independence Day ngayon?” Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kasi namamalayan ni ang petsa ay hindi ko na alam. Ang mahalaga lang sa akin ay nasisilbihan ko si Alex para hindi ako mabugbog. “Eh ikaw naman ate? anong ginagawa mo dito at sabi ni Lola gabing-gabi ka na daw kumatok kagabi? nasaan ang mayaman mong asawa?” “Hindi mayaman si Alex.” Pagtatama ko. “Bakit ayaw mo bang nandito ako? ayaw mo na ba akong makita?” tanong ko pabalik. “Syempre gusto kitang makita.” Napangiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Pero napansin niyang may mga pasa ako sa braso dahil sa damit na pinahiram sa akin ni Lola. “Normal ‘yan lang Mack kapag dadatnan ang isang babae lumalabas talaga ang mga ‘yan. Di mo naman alam kasi hindi ka naman babae.” Pagsisinungaling ko at mabuti na lang naniwala siya. Pero sa ngayon lang dahil bata pa si Mack kapag nagbinata na siya tiyak kong malalaman na niya ang totoo. Ang mga sekretong pilit kong ikinukubli. ***** Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang tabo at pumasok sa maliit naming banyo na yari lang sa pinagtagpi-tagping yero at trapal. Mainit pa ang lupa sa paa ko dahil katirikan pa ng araw. Binuhusan ko ng tubig ang ulo ko. Ramdam ko ang hapdi ng mga pasa kapag tinatamaan ng malamig na tubig. Napapapikit ako sa bawat buhos pero tiniis ko. Mas masakit pa rin naman ang mga kamao ni Alex na tumatama sa akin kaysa sa tubig na ito. Tahimik lang ako habang nagsasabon. Walang luho ang paliligo—isang sabon na halos kasing nipis na ng papel. Pero sapat na iyon para maalis ang amoy ng pawis at pagod. Ni walang shampoo kundi ang pudpud na sabon na bar. Kinuskos ko lang ang buhok ko para kahit paano ay matanggal ang mga alikabok. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nanghiram ako ng daster ni Lola, medyo maluwag sa akin at kupas na ang kulay. Isinuot ko pa rin ang bra ko dahil iyon na lang ang maayos sa mga dala ko. Ang salawal ay bahagyang malaki pero tinali ko na lang nang mahigpit. Lumabas ako ng banyo at napansin kong wala nang laman ang timba. Napabuntong-hininga ako. Masakit pa talaga ang katawan ko pero tiniis ko. Kawawa rin naman ang kapatid ko kung uutusan ko pa siya. Kinuha ko ulit ang dalawang timba at naglakad papunta sa malapit na gripo. libre ito para sa mga residente dito sa lugar na walang kakayahang makapaglagay ng tubig. Mabuti at pinaglagyan ni Mayor kaya malaking pakinabang sa mga tao. May ilang batang naglalaro sa gilid, tumitili at nagtatawanan. Pero nang makalapit ako ay tumahimik sila. “Bagong salta ka ba rito?” tanong ng isang ale habang pinupuno ang galon. “Bumisita lang po,” sagot ko nang maikli. Hindi na sila nagtanong pa. Mabuti na rin iyon. Pagkapuno ng dalawang timba ay binuhat ko iyon pabalik sa kubo. Mabigat, pero sanay na ang mga braso ko sa pagbubuhat. Pagbalik ko ay nakaupo si Mack sa may lilim ng puno, may hawak na patpat at ginagawang espada. “Ate! Tingnan mo oh, ako si Lapu-Lapu!” sigaw niya sabay hataw sa hangin. Napangiti ako. “Talunin mo muna ang gutom bago ang Kastila,” biro ko. Tumawa siya nang malakas. Mamaya pa ay pumasok siya sa loob at paglabas ay may pasan-pasan na siya. “Ate, maglalako lang ako sa labas ha,” sabi ni Mack habang isinasabit sa balikat ang sako ng mga basahan. Lumapit ako at kinuha ang kabilang dulo ng plastic. “Sasama ako.” “Ate, ‘wag na kaya ko na ‘to saka mabigat ang mga ito.” “Mas mabigat ang walang ginagawa,” sagot ko. Ayaw pa niya sana pero nang makita niyang hindi ako papayag, tumango na lang siya. Hindi ko alam kung gaano ako tatagal dito. Pero kailangan ko lang magpahinga. Isang linggo lang ang kaya ko. Kapag hindi ako nakabalik, tiyak hahanapin ako ni Alex. At kapag natagpuan niya ako… mas masakit ang kapalit. Kaya habang may oras pa, tutulong ako. Kahit paano. Paglabas namin ng sementeryo, sinalubong kami ng Maynila. Mainit ang hangin, hindi presko—makapal at mabigat, parang may halong abo. Dumaan ang isang jeep na halos magkandahirap sa pag-arangkada. Bumulwak ang makapal na usok mula sa tambutso nito, kulay itim na parang galit. Sunod-sunod ang busina. Mga jeep. “Ate bilisan natin habang mabagal ang usad. Makakabenta tayo!” Mabilis akong sumunod sa kanya habang hawak ko ang plastic at sa bisig ko ay nakasampa lang mga basahan. “Limang piraso ate isang daan.” Sigaw ng kapatid ko na mabilis nakatawid sa kabila at nakabenta agad sa dumaan na jeep. “Okay.” Sagot ko. Saka ako naghihintay ng mga sasakyan dumadaan. Kaperaha namin ng kapatid ko ay marami ring nagtitinda. May mga tahu sa gilid, may sumisigaw ng balut sa kabilang banda at mayroon ring mga matanda na nagbebenta sa maliit niyang kahon ng mga pakete ng sigarilyo at mga candy. Siguro kaninang umaga pa sila dito sa kalsada, inaabutan hanggang gabi. Kahit sa maliliit na halaga ay buwis buhay rin sila. Pero imbes na makita mo ang pagod ay nakangiti pa sila. “Basahan po! Basahan!” sigaw ni Mack. “Miss magkano basahan mo?” Napalingon ako agad sa humintong jeep. “Lima, 100 po, boss. Bili na po kayo, buena mano po kayo.” Nakangiti kong sabi. “Sige sampo na bilhin ko.” Nanlaki ang mga mata ko. Dali-dali akong pumili ng mas maganda. Nilapag ko pa sa lupa ang iba at binilang ko agad na sampo. “Anong gusto n’yong kulay boss?” “Kahit ano, basta ikaw…” sagot niya. Napangiti lang ako ng tipid. “Ate! ate bilis, may bibili dito!” “Saglit lang!” sigaw ko rin sa kapatid ko. “Ito po boss, sampo po ‘yan.” Lahad ko sa kanya. Binigay niya sa akin ay 500. “Naku wala po ba kayong barya?” “Wala, eh. Mga coins lang dito pero hindi aabot ng 200 o kung gusto mo utangin ko muna. Palagi naman ako nadaan dito.” Mabilis akong umiling at tumawa pa. “Wait lang boss balikan kita pasukli lang ako sa kapatid ko.” Mabilis akong tumawid at muntik pa akong masagasaan ng motor dahil sa bilis niyang lumusot sa mga gilid ng sasakyan. “Mack may sukli ka ba diyan? Nakabenta ako ng sampo.” Masaya kong sabi kaya tuwang-tuwa ang kapatid ko. “C—Cassandra?” Napapitlag ako sa boses ng sasakyan sa gilid namin. Namilog ang mga mata ko nang bumaba ang bintana at bumungad sa akin si Conrad. “What are you doing here? what are—” Hindi niya natapos ang sasabihin napatingin lang siya sa hawak kong basahan. “Miss ‘yong sukli ko!” “S—Sandali lang ho, boss. Ito na.” “Ate ako na dito ka na lang. Pagbilhan mo si sir pogi.” Natulos lang ako sa kinatatayuan ko habang si Mack ay mabilis na tumakbo patungo sa lalake at siya ang nagbigay ng sukli. Pagbalik ng kapatid ko ay abot tenga ang ngiti. “Type ka no’n ate. Hindi naman ‘yon nabili pero dahil sa ‘yo bumili. Tinanong pa nga ang pangalan mo sabi ko nga ate kita, eh.” Hindi ako nakakibo. Basta umiwas lang ako kay Conrad at nag-alok ako uli ng basahan sa mga dumadaan. May humintong sasakyan pa at isang lalaki ang bumili kaya nag-unahan kami ng kapatid ko. Ngunit bago pa ako makalapit may pumigil sa aking kamay na halos ikapitlag ko na naman dahil sa nanindig ang balahibo. “C—Conrad?” “Come here. Bibilhin ko na ‘yan lahat ng paninda mo.” “Hindi Conrad—” “Damn it, Cassandra! bakit ba hindi ka pa rin nagbabago. Napakatigas pa rin ng ulo mo? bakit ayaw mong tinutulungan kita?!” “Dahil hindi kailangan, Conrad. Hindi ko kailangan ng tulong mo!” mariin kong sagot. Pero mabilis niya akong hinila patungo sa gilid. Ang kapatid ko na naguguluhan at napapalingon sa akin pero mas inuna niyang pagbentahan ‘yung humintong sasakyan. “Bitawan mo nga ako!” “Bakit hindi mo ginalaw ang perang binigay ko sa ‘yo? hindi ito ang buhay na gusto ko para sa ‘yo. Pero bakit hindi mo kinuha ang pera?” “Hinding-hindi ko kukunin ‘yong pera Conrad. Di baling mamatay na lang ako sa gutom.” Sagot ko sa kanya. Dignidad na lang ang meron ako hindi ko hahayaan na pati ‘yon mawala sa akin. “Bakit? nagrerebelde ka ba sa akin dahil hiniwalayan kita?” Hindi ako sumagot. Sa halip ay iniwan ko siya at tumakbo ako pabalik sa sementeryo at hanggang doon sa barong-barong. Hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang luha ko. Siguro isa na rin sa dahilan ko kaya hindi ko kinukuha ‘yong pera niya, baka nga, dahil nagrerebelde ako! “Ate! ate!” Pinunasan ko agad ang luha ko bago ako humarap kay Mack. Subalit ganoon na lang ang kabang nararamdaman ko nang kasama pala niya si Conrad at palapit siya nang palapit. Sobrang bilis rin ng t!b0k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD